May banat si Awra Briguela tungkol sa isang taong hindi niya pinangalanan.
Sa Twitter noong June 27, 2023, nag-post si Awra ng tila pasaring sa taong kasing tigas daw ng bato ang mukha.
Mababasa sa kanyang tweet (published as is), "grabeh tigas ng pes parang rock."
Wala man siyang binanggit na pangalan kung para kanino ito, karamihan sa nagkomento sa post niya ay naniniwalang patungkol ito kay Ricci Rivero.
Si Ricci ang ex-boyfriend ng matalik na kaibigan ni Awra na si Andrea Brillantes.
Sumakto rin ang pag-tweet ni Awra matapos ang interview ni Ricci sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong June 26 at June 27, 2023.
Dito ay idinetalye ni Ricci ang puno't dulo ng hiwalayan nila ni Andrea at ang rason kung bakit minabuti niyang magsalita na.
Ayon sa celebrity-athlete, hindi totoo ang alegasyong third party sa hiwalayan nila ni Andrea.
Noon pa raw April 2023 nang mapagkasunduan nila ni Andrea na panandaliang maghiwalay, at tuluyan nilang winakasan ang kanilang relasyon noong May.
Pagbabahagi ni Ricci sa unang bahagi ng panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda, "April 2023 we took a break off from each other, tapos yung breakup was first week of May talaga.
“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema.
“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.
"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.
“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl.
"May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya [Andrea]."
Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes
Hindi na rin daw maatim ni Ricci na nadadamay na ang kanyang pamilya sa hiwalayan nila ng Kapamilya actress.
"Umabot na po sa point na yung parents ko po, nasisigawan na sa mall o sa public areas, 'Yung anak niyo, cheater!'
“Kung ako kaya kong tanggapin kasi alam ko naman na hindi totoo.
"Pero kapag sa family ko, siguro it’s time to step up, and kailangan ko silang protektahan sa mga issues na meron. Ako, okay lang, pero huwag yung pamilya ko."
Read: Mga magulang ni Ricci Rivero, sinabihan ng "Ang anak ninyo, cheater" sa mall
Sa ikalawang bahagi naman ng panayam niya, tahasang sinagot ni Ricci ang haka-hakang nagli-live-in na sila ni Andrea bago pa sila magkahiwalay.
Saad niya, “From time to time we do, pero ang gusto ni Tita [Andrea's mother] is for her to go home din.
"At yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age… 'Gusto ko mag-focus ka din sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko rin mag-focus dun sa akin.'
"Pero there are times that we do sleep together."
Read: Ricci Rivero on ex-girlfriend Andrea Brillantes: "There are times that we do sleep together."
Itinanggi rin ni Ricci ang ilang social media post na sinusuyo niya si Andrea para magkabalikan sila.
Tanong ni Boy, "Did you try to win her back?"
Sagot ni Ricci, “Aaahhh… no.
"For the longest time, I was trying not to give up on the relationship, and sabi ko, for me to give up, siguro sobrang puno na."
Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero unfollow each other on Instagram; leave their couple photos
AWRA'S PREVIOUS CRYPTIC POST
Hindi ito ang unang pagkakataong mag-tweet si Awra ng tila patama kay Ricci.
Noong June 9, 2023, nag-post na rin siya patungkol sa umano'y taong gaslighter at manloloko.
Ilang minuto lamang matapos isapubliko ni Ricci na natapos na ang mahigit isang taon nilang relasyon ni Andrea.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Tweet ni Awra, "amackana gaslighter, manipulative. fcking cheater. lol"
Sunod niyang tweet, “tang **ang toh, kala mo talaga ang linis.”
Dagdag pa niya, "bato bato bato sa langit ang matamaan wag?…
"WAG AKO."
READ MORE:
- Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline
- Andrea Brillantes on breakup with Ricci Rivero: "Nagmahal ako nang totoo, hindi ko yon male-let go agad-agad."
- Kampo ni Ricci Rivero, may hinala kung sino ang nag-leak ng video ng babaeng nasa condo unit ng basketball player
- Beauty queen-councilor Leren Mae Bautista denies involvement in Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup
