Kinilala ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star in the Philippines sa Seoul International Drama Awards 2023 (SDA).
Ang kanyang pagkapanalo ay inanunsiyo mismo ng ABS-CBN Entertainment sa kanilang X page (formerly known as Twitter) ngayong Biyernes, July 28, 2023.
Kalakip ng kanilang post ang video kung saan makikita ang ilang eksena ni Kathryn sa latest teleserye niyang 2 Good 2 Be True.
Read: Dolly de Leon hails Kathryn Bernardo as "young Nora Aunor"
Mababasa sa kanilang caption (published as is), "This Asian Superstar is conquering the world!
"Mga beshy, kinilala si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2023!
"Congratulations, Kapamilya!"
Noong May 22, 2023, unang inanusiyo ng SDA ang pagkabilang ni Kathryn sa mga nominado sa kategoryang Outstanding Asian Star in the Philippines.
Read: (UPDATED) 2 Good 2 Be True vs Maria Clara at Ibarra lead stars at Seoul International Drama Awards
Nakatunggali niya sa kategoryang ito ang kanyang reel and real-life boyfriend na si Daniel Padilla at Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.
Ang pagkapanalo ni Kathryn ay base sa dami ng nakuha niyang fan votes sa Idol Champ app mula nang magbukas ito noong June 15 hanggang July 14, 2023.
Si Kathryn ang pangalawang Filipino actress na nagwagi sa SDA matapos tanghaling Philippine winner sa Outstanding Asian Star 2022 ang kapwa niya Kapamilya star na si Belle Mariano.
Read: Belle Mariano wins Outstanding Asian Star Prize at Seoul International Drama Awards
Samantala, nakatakdang ianunsiyo ang winners sa bawat bansa sa 2023 Seoul International Drama Awards sa September 21, 2023, na gaganapin sa Seoul, South Korea.
READ MORE:
- Kathryn Bernardo co-stars with Dolly de Leon in upcoming film ‘A Very Good Girl’
- Alden Richards admits he was scared to accept movie offers after mega-hit movie with Kathryn Bernardo
- Daniel Padilla co-stars with John Arcilla, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo in upcoming films
- Liza Soberano reveals Hello, Love, Goodbye was first offered to LizQuen; Kathryn Bernardo fans react
