Diretsahang sinabi ni Albie Casiño na wala siyang pakialam kung masaya man ngayon ang ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.
Sa lahat daw ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga taon, hindi na sumasagi sa isip niya ang kasalukuyang estado ng buhay ni Andi sa Siargao kasama ang partner nitong si Philmar Alipayo at kanilang mga anak.
"I don't mean to say it like this, pero wala talaga kong pakialam, e,” diretsong sagot ni Albie nang tanungin tungkol sa masayang buhay pag-ibig ngayon ni Andi.
Read: Andi Eigenmann: from showbiz royalty to happy islander
Dagdag pa niya, “It doesn't bother me, I don't think about it.
“It’s hard for me to answer now because I’m thinking about it now, because you guys ask me questions.
“But on my day, on my daily lives, never naman na siyang pumasok sa isip ko.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Albie sa presscon ng Can’t Buy Me Love, kung saan kabilang siya sa cast, noong October 4, 2023.
ALBIE ON WORKING WITH ANDI
Wala ring kaabug-abog na sinagot ni Albie ang tanong kung willing siyang makatrabaho si Andi sa kabila ng kanilang nakaraan.
Mabilis na sagot ng aktor, “Yon, hindi. I can go on the rest of my life without having to deal with that.”
Pagbabahagi pa ni Albie, simula nang magkahiwalay sila ni Andi ay hindi pa sila nagkikita at nag-uusap nang personal.
Read: Andi Eigenmann reaches out to ex-boyfriend Albie Casiño to apologize
Wala naman na raw itong kaso sa aktor dahil ayaw na niyang bigyan pa ng atensiyon ang masalimuot nilang pinagdaanan noon.
Saad niya, “Never kaming nag-usap. Iba kasi yung pag-uusap personal, like face to face. It’s a different type of conversation, not like on the text.
"I guess at this point of my life, hindi ko na iniisip yon, e. Hindi ko na binibigyan ng energy yon, kung mapatawad ko ba… at the same time, hindi ako galit.”
Kung saka-sakaling makasalubong niya si Andi, paano niya ito haharapin?
Sagot ni Albie, “We're humans, right? Hindi naman sa pagiging plastic, pero ganito lang [peace sign].
“Eeksena pa ba ako dun? Hindi na. Okay na.
“For me kasi, there’s no more... I mean, a part of my life now na hindi ko na pinag-aaksayahan ng pag-iisip yung time na yon. Ang dami ko nang problema ngayon.”
Read: Albie Casiño recalls how he moved on after breakup with Andi Eigenmann, Dawn Jimenez
A BITTER PAST
Lumikha ng kontrobersiya ang breakup nina Andi at Albie noong 2011, matapos idiin ni Andi na si Albie ang ama ng noo’y ipinagbubuntis niya.
Noong mga panahong iyon ay 20 taon gulang si Andi at kalulunsad lang bilang lead star sa Kapamilya primetime series na Agua Bendita (2010).
Habang si Albie naman ay 18 years old lamang noon at lumalabas sa primetime series na Mara Clara (2010) bilang leading man ni Kathryn Bernardo.
Read: A PEP LOOKBACK. Andi Eigenmann, Albie Casiño, Jake Ejercito: A five-year secret finally revealed?
Bukod kay Albie, lumutang din ang pangalan ni Jake Ejercito bilang ama ng batang nasa sinapupunan ni Andi.
Sinasabing si Jake ang naging boyfriend ni Andi matapos nitong makipaghiwalay kay Albie, ngunit nagkabalikan sina Andi at Albie nang bumalik sa London si Jake.
Sa kabila ng agam-agam, nanindigan pa rin si Andi noong September 2011 na si Albie ang ama ng kanyang dinadala.
Ang resulta nito'y marami ang nagalit kay Albie, binugbog siya ng ilang nasa kampo ni Andi, at nangyaring nag-stall ang kanyang career ng ilang taon.
November 23, 2011 ay isinilang na ni Andi ang kanyang anak na babae, via caesarean section. Pinangalanan niya itong Adrianna Gabriellie o Ellie.
Sa sumunod na limang taon, hindi malinaw kung sino kina Albie at Jake ang ama ng anak ni Andi.
Hanggang noong September 2016, isiniwalat ni Maxala Eigenmann, half-sister ni Andi, sa podcast ng Good Times With Mo, na nagkaroon diumano ng DNA test at lumabas na si Jake ang ama ni Ellie at hindi si Albie.
Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister
Hindi naman ito itinanggi ni Jake.
Noong October 2016, kinumpirma niya sa publiko na siya ang ama ng panganay na anak ni Andi.
Read: PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "I've never denied it."
Samantala, sa ngayon ay masaya nang namumuhay si Andi sa Siargao kasama si Philmar at dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa, maging ang anak ng aktres kay Jake na si Ellie.
Si Albie naman ay kasalukuyan na ring may karelasyon—si Michelina.
Read: Albie Casiño finally introduces girlfriend on Instagram
