PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andi Eigenmann's Farewell to Jaclyn Jose

Andi Eigenmann: "Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 13, 2024
Andi Eigenmann on late mother Jaclyn Jose
Andi Eigenmann (left) pens heartfelt message to late mom Jaclyn Jose: "Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga alaala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita."
PHOTO/S: Andi Eigenmann Instagram

Taus-pusong pasasalamat ang huling mensaheng handog ni Andi Eigenmann para sa namayapa niyang ina na si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso noong March 2, 2024. Siya ay 60.

Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack

Dalawang araw makalipas ihatid ang cremated remains ni Jaclyn sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City, noong March 10, inihayag ni Andi ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa namayapang ina.

Read: Kapatid ni Andi Eigenmann na si Gwen Guck, umabot sa inurnment ni Jaclyn Jose

Sa pamamagitan ng Instagram post nitong March 12, madamdaming inalala ni Andi ang kabutihan ng premyadong aktres bilang isang ina, lola, at kaibigan noong ito ay nabubuhay pa.

Bakas kay Andi ang pangungulila sa ina.

Read: Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nawala man si Jaclyn sa mundo, ang mga alaala, pagmamahal, at pangaral nito ay mananatili sa kanyang puso't isipan at kailanman ay hinding-hindi niya makalilimutan.

Mababasa sa caption ni Andi, kalakip ang ilang kuha niyang litrato sa puntod ni Jaclyn (published as is): "Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila.

"Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay.

"Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita.

"Ika'y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag- asa at ligaya."

Read: Andi Eigenmann moved to tears by Coco Martin's eulogy for Jaclyn Jose

Dalangin din ni Andi na kung nasaan man ngayon ang ina, nawa ay masaya at payapa na ito.

Aniya, "Wala na ang sakit. Wala na ang takot. Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magkikita din tayong muli. Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit.

"Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na."

Read: Philmar Alipayo posts last message from late mother-in-law Jaclyn Jose

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann (left) pens heartfelt message to late mom Jaclyn Jose: "Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga alaala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita."
PHOTO/S: Andi Eigenmann Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results