Kabilang ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa mga celebrity na dadalo sa Pagkakaisa concert na inorganisa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao sa darating na June 7, 2024.
Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isang flagship program na inilunsad ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr. Layon umano nitong makapagbigay-serbisyo sa nangangailangang komunidad sa buong bansa.
Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang nagsapubliko sa partisipasyon ni Daniel sa nasabing event.
Read: Daniel Padilla delights fans with "free concert" in Siargao
Nitong Martes, May 21, 2024, ipinost ni Karla sa kanyang Instagram Stories ang art card kung saan naroon ang larawan ng anak at ilang detalye kaugnay sa concert na dadaluhan ni Daniel.
"This is it! See you in Davao del Norte, June 7!" saad ni Karla sa text caption ng kanyang IG Story.

DANIEL USED TO SUPPORT LENI ROBREDO
Umani ng samu't saring reaksiyon sa social media ang nakatakdang pagdalo ni Daniel sa Pagkakaisa concert ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Marami sa netizens ang nagulat dahil kilala noon si Daniel na certified Kakampink.
"Kakampink" ang tawag sa mga sumuporta sa noo'y presidential candidate na si Leni Robredo, na nakatunggali ni Pangulong Marcos Jr.
Read: Angel Locsin thanks Kakampink celebrities and volunteers
Si Daniel, kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo, ay kabilang sa mga tumindig para iendorso si presidential aspirant Robredo.
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
May mga pakakataon pa noong sumama si Daniel sa pagpinta ng mural nina Robredo at vice-presidential candidate Kiko Pangilinan sa Quezon City bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang kandidatura.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla choose Vice President Leni Robredo
March 7, 2022, dumalo rin sina Daniel at Kathryn sa miting de avance nina Robredo at Pangilinan na ginanap sa Makati City.

Read: Battle for star power: Leni Robredo and Bongbong Marcos celebrity endorsers
March 9, 2022, nag-trending sa X (dating Twitter) ang litrato ni Daniel kasama ang direktor na si Mandy Reyes, habang sila'y naka-pose sa isang sasakyan na may poster Robredo.
Read: Daniel Padilla shows support for Vice President Leni Robredo's presidential bid
NETIZENS REACT
Dahil dito, may ilang netizens ang naghinalang inendorso lamang noon ni Daniel si Robredo dahil sa kagustuhan ni Kathryn.
Tweet ng isang netizen, "Aww sabi na e, si Kath lang talaga humihila sa kanya."
Sabi ng isa, "Cancel na din naman daw siya hahaha kaya mag paka apologist na daw siya."
Mayroon pang ibang netizens ang ngayo'y naniniwalang naimpluwensiyahan na si Daniel ng kanyang ina na si Karla, na kilalang tagasuporta ni President Marcos Jr.
Saad ng isang netizen, "E nanay niya dds/bbm so not suprising lol.'
Dagdag pa ng isa, "Ikaw ba naman anak ng solid supporter ni BBM e."
Read: Karla Estrada ecstatic about party-list win; congratulates Rommel Padilla despite his loss
Kung mayroong mga dismayado, mayroon din namang ipinagtatanggol ang aktor.
Depensa ng isa niyang fan (published as is), "Noong kasagsagan ng Rally at nagpunta si DJ puring puri ng mga kakampink pero ngayon dahil lang sa issue sobrang galit nila sa tao susssss napaka selective naman nila eh ang daming artista nagpunta jan haisttt."
Dagdag pa ng isa, "Kasi ung iba nkita lng na si DJ isa sa naimbitahan pulitika agad ang nasa isip! Pinairal agad ang katangahan di muna intindihin kng ano ang theme at purpose ng event! Kung pink ka pala di ka na pwede sumali sa kabila na dapat magtulungan nga eh! Makikitid kasi mga utak!."
Read: Daniel Padilla, suportado pa rin ng solid fans
Sabi naman ng isa, "Ofc [of course] ibabash siya, si Daniel Padilla siya eh. I mean, he’s the most hated person sa social media. People can’t forgive him. Kawawa naman kasi parang di na tao."
Read: Karla Estrada hopes son Daniel Padilla will be okay
READ MORE:
- End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
- Daniel Padilla greets Kathryn Bernardo on her 28th birthday
- Daniel Padilla to focus on career after breakup with Kathryn Bernardo: “I need to love myself first.”
- Does Andrea Brillantes still believe in love?
- WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
- Kathryn Bernardo cherishes being able to finally say "no"
