Palaisipan ngayon sa netizens ang hindi pagdalo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa surprise birthday party ng fiancè niyang si Sam Milby.
May 23, 2024 ang mismong araw ng 40th birthday ni Sam. Nitong Linggo, May 27, isang surprise birthday party ang inorganisa para sa aktor.
Ginanap ito sa Manila House Private Members Club sa Taguig City na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa Instagram post ng Star Magic, makikita ang pagdating ni Sam sa venue at pakikipag-picture nito sa mga kaanak at kaibigan na pumunta para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Mababasa sa caption ng Star Magic (published as is): "#SamMilby surely had a birthday celebration to remember!
"The stellar charmer was delighted to spend his special day with family and friends in a surprise party!
"Happy birthday once again, Sam!"
SAM'S BIRTHDAY PARTY WITHOUT CATRIONA
Sa hiwalay na Instagram post ng Nice Print Photo, makikita ang mga kilalang personalidad na present sa surprise birthday party ni Sam.
Kabilang dito sina Gerald Anderson, John Prats, Michael de Mesa, Marc Solis, at Sancho delas Alas.

Ngunit ang ipinagtataka ng netizens ay wala si Catriona Gray sa isa sa importanteng araw para kay Sam.
Gayong si Sam ay dumalo naman sa birthday surprise party ni Catriona noong January 6.
Hindi rin binati ni Catriona si Sam sa kanyang social media accounts, bagay na ginagawa ng beauty queen sa mga nakaraang kaarawan ng aktor.
Read: Catriona Gray pens the sweetest birthday message for fiancé Sam Milby: “I love celebrating you.”
Dahil dito, muling umalingasngas ang balitang totoong hiwalay na sina Sam at Catriona.
CATRIONA GRAY-SAM MILBY BREAKUP RUMORS
Hindi ito ang unang pagkakataong pinagsuspetsahan ang tunay na estado ng relasyon nina Catriona at Sam.
Bago magdiwang ng kaarawan ang aktor ay naintrigang hindi na matutuloy ang nakaplanong kasal ng dalawa, pagkatapos burahin ni Catriona sa kanyang Instagram noong May 9 ang engagement photos nila ni Sam.
Read: Did Catriona Gray and Sam Milby call off their engagement?
Febuary 8, unang beses mapabalitang break na sina Catriona at Sam nang mapansin ng mapanuring netizens na hindi na suot ng dating Miss Universe ang kanyang engagement ring.
February 4, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.
Read: Sam Milby "enjoying" preparations for wedding with Catriona Gray though "it's stressful"
Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.
Read: John Prats uploads photo with engaged couple Sam Milby and Catriona Gray amid rumors
Febuary 24, muli silang naintriga nang naiulat sa isang vlog na totoong break na ang dalawa.
Ayon sa vlog, may nakapagsabing source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa
Sa katunayan daw, nang nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6, 2024, ay wala na sila ni Sam.
Read: Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby spotted together at an event amid breakup rumor
Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos mag-propose ng aktor noong February 16, 2023.
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby are now engaged
SAM AND CATRIONA'S "RELATIONSHIP CHALLENGES"
Hanggang noong February 28, 2024, tuluyan nang inamin ng Cornerstone Entertainment, ang talent management ng dalawa, na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.
Pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ito.
Bahagi ng pahayag ng talent management company: "We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
"While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together."
Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang gusot.
"We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
"We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple."
READ: Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby “facing some challenges in their relationship”
CATRIONA-SAM SPOTTED TOGETHER AMID BREAKUP RUMORS
Muling nabuhayan ng pag-asa ang kanilang fans nang maispatang magkasama muli sina Catriona at Sam noong March 10, 2024.
In-upload ng malapit nilang kaibigan na si John Prats ang tila pakikipag-double date nila ng maybahay niyang si Isabel kay Catriona at Sam.
Base sa Instagram post ni John, makikita na magkakasama ang apat na naglaro ng pickleball, isang uri ng paddle sport na designed para sa dalawa o apat na manlalaro.
Read: Catriona Gray, Sam Milby seen together after rumored breakup
Nasundan pa ang kanilang pagkikita noong April 20, nang parehas silang dumalo sa birthday celebration ni Erickson Raymundo, ang big boss ng Cornerstone Entertainment.
Sa isang Instagram post ng negosyanteng si Pinky Tobiano, noong April 20, makikita ang video kung saan sweet na nag-uusap sina Catriona at Sam.
Read: Catriona Gray, Sam Milby spotted together amid breakup rumors
