PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda denies giving opinion on Carlos Yulo's family issue

Vice Ganda: "Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue."
by Arniel C. Serato
Published Aug 20, 2024
Vice Ganda denies picking Angelica Yulo over Carlos
It's Showtime host Vice Ganda explains side on viral video clip of "Expecially For You" segment: "Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila in-invalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode."
PHOTO/S: Courtesy: GMA on YouTube

Nagulat si Vice Ganda nang bigla siyang i-call out ng ilang netizens sa X (dating Twitter) dahil diumano pumanig siya kay Angelica Yulo sa isyu nito sa anak na si two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo.

Nag-ugat ito sa naging pahayag ni Vice sa video clip na kuha mula sa episode ng "EXpecially For You" ng It's Showtime, kung saan sinabi ng searcher na nagngangalang KY na pakiramdam niya ay hindi siya at home sa mismo nilang tahanan.

Pero ang kanyang ex-boyfriend ay okay na okay pa rin sa kanyang sariling pamilya.

Read: Vice Ganda takes off wig anew on It’s Showtime

EXpecially For You searchee KY
Photo/s: Courtesy: GMA on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni KY, "Meron akong family, pero I don't feel at home.

"Pero nung siya [ex-boyfriend], kasi family ko..."

Singit na tanong ni Vice, "Alam ba ng pamilya mong ganyan ang tingin mo sa kanila?"

Sagot ni KY, "Actually, opo. Recently lang din po ako naging open. Na growing up, ganun po yung nararamdaman ko."

Tanong naman ng co-host ni Vice na si Ogie Alcasid, "Inaayos niyo na ngayon yung relasyon ninyo?"

Sagot ng searcher, "With my mom, opo."

Komento ni Vice, "Mahirap yung hindi ka okay sa family. Napakahirap.

"Napakahirap na problema yan. Oo.

"Yan yung problema ng parang hirap na hirap kang solusyunan at gawan ng paraan.

"Mas parang, kung iisipin mo, mas mahirap pa yan sa makakuha ng gold sa Olympics, di ba?

"Pag may problema ka sa pamilya mo, yan yung problema ng parang ang hirap-hirap dalhin."

Ayon naman kay KY, "Pero... pero minsan po kasi sa ibang family, parang hindi applicable yung ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Na parang... if they were parang nagiging... nai-slow down yung progress mo sa buhay dahil sa kanila, parang you have to let it go.

"Kasi, depende rin po sa sitwasyon mo.

"Kasi sabi ko nga, hindi naman lahat ng bata lumaki sa pamilya na supportive, na open..."

Pakli ni Vice, "Sorry, ha. Hindi ako naniniwala na you can let go of your family."

NETIZEN ACCUSES VICE GANDA OF SIDING WITH CARLOS'S MOTHER

Isang netizen ang nagkomento na, base sa napanood na video, ay kumpirmado raw na kampi si Vice sa ina ni Carlos Yulo.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Olympic champion at ng kanyang ina.

Sabi ng netizen, "CONFIRMED. Vice supports Angelica's side nga. Im so disappointed in you @vicegandako"

Dagdag pa nito, "I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime. #ShowtimeBestPick"

Tila nag-assume agad ang netizen na konektado ang pahayag ni Vice kay Carlos at sa ina nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtaka ito ni Vice kaya naman nag-post siya sa X upang linawin na wala siyang ibinigay na opinyon tungkol sa family issue ng world-lass gymnast.

Sabi ni Vice sa sagot niya sa X, "Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline

VICE ANSWERS MORE NETIZENS

Sabi naman ng isa pang netizen na nag-share ng parehong video, "Sorry Meme Vice but hindi ako agree sa’yo this time not every kid have a good relationship and supportive family, kung ikaw meron kang magandang relasyon sa mga magulang mo then good for you but don’t blame or invalidate someone — #ShowtimeBestPick"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Vice, "Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabat ng isa, "The problem kapag clips lang napapanood"

Pagsang-ayon ni Vice, "True. Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode."

Read: Carlos Yulo acknowledges father's presence at homecoming parade

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA ON LEAVING YOUR FAMILY

Isa namang clip ang ni-reshare ni Vice sa kanyang account.

Mapapakinggan sa short clip ang ganitong takbo ng usapan:

Vice: "Di ba, as much as possible, ina-advie natin na hindi natin in-encourage yung paglalayas o yung paglisan sa bahay at sa pamilya.

"Pero hindi mo masisisi yung ibang tao ha, yun ang pamamaraan nila para maka-survive.

"Yun ang pamamaraan nila para maituloy yung buhay nila dahil yung pananatili nila sa loob ng bahay na yun ay maaari nilang ikamatay.

"Ikaupos ng kanilang ispirito, ikaubos ng kanilang lakas, ikadilim ng kanilang pag-iisip, at ikauubos ng pagmamahal nila.

"Yung ganun, yung kailangan mo talagang, kasi... dati ba, nung nagti-therapy ako, sinabi nung doktor ko yun, 'Pag hindi mo na kaya, time out.'

"Time out. Bitaw, di ba? Hindi mo puwedeng ipilit, di ba? Hindi mo puwedeng ipilit.

"Bibilis yung ikot ng mundo, ng utak mo, yung iingay lalo sa utak mo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Vice sa kanyang post, "Ayan. Salamat po!

"I dnt think its wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile.

"Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pangaabuso."

Read: Carlos Yulo reveals plans for incentives after double gold feat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLOS YULO FAMILY RIFT

Pumutok ang isyu tungkol kay Carlos at sa kanyang ina nang mapanalunan niya ang unang medalyang ginto sa Paris Olympic sa men's floor exercise final noong August 3, 2024.

Read: Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men's floor exercise

Kaagad lumutang ang problema nila ng inang si Angelica na diumano'y may kinalaman sa usaping pinansiyal.

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

Kinabukasan, August 4,, muling nanalo ng gold si Carlos sa men's artistic gymnastics competition.

Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Mula noon ay lalong lumaki ang isyu, dawit pa ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose.

Read: Meet Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo's girlfriend

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda explains side on viral video clip of "Expecially For You" segment: "Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila in-invalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode."
PHOTO/S: Courtesy: GMA on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results