Trending ngayon sa social media ang dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab housemates na sina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu matapos ianunsiyo ang pagsasama-sama nilang tatlo sa isang pelikula.
Hapon ng Huwebes, August 21, 2025, nang makumpirma ang pagsasanib-puwersa ng tatlo sa pinakamalaking produksiyon sa bansa — Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment — para sa pelikulang pagbibidahan nina Will, Dustin, at Bianca.
Ididirek ito ni Mae Cruz Alviar, na siyang nagdirek ng box-office movie na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Love You So Bad ang title ng pelikula mula sa panulat ni Crystal Hazel San Miguel, na sumulat ng blockbuster movie na Hello, Love, Again.

Netizens show support for WillCa and DustBia’s upcoming film
Nagsimula ang love triangle ng tatlo habang nasa loob sila ng Bahay Ni Kuya at nagpatuloy ito hanggang sa outside world.
Sa katunayan, isa sa pinakatilian nang husto sa The Big Collove concert ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa Araneta Coliseum noong August 10, 2025 ay ang song number nina Will, Bianca, at Dustin.
Read: WillCa, DustBia spark fan hysteria at PBB The Big Collove concert
Bagamat wala pang inilalabas na detalye tungkol sa tatakbuhin ng kuwento, agad umani ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens ang balitang pagsasama-sama sa pelikula nina Will, Bianca, at Dustin.
Karamihan ay nagpahayag ng kanilang excitement na makita ang tatlo sa big screen.

Tweet ng isang DustBia fan (published as is), "Grabe! Nakakaiyak! First movie ng official loveteam of the year, Dustbia! Thank you Star Cinema! LOVE WINS WITH DUSTBIA."
DustBia ang tawag sa nabuong fandom nina Dustin at Bianca.
Sabi pa ng isa: "under star cinema + direk mae pa, have u seen her past works?! not everyone is given the chance to star in a movie, so let’s make sure to show up. this could be dustbia’s make-or-break moment, and we shouldn’t let the opportunity go to waste. LOVE WINS WITH DUSTBIA."
Saad pa ng isa: "very leading man ang atake ni dustin omg— but super proud of you both, dustin & bianca! can’t wait to see you on the big screen & the off-cam moments also hihi thank you so much Star Magic, Regal Films, GMA Pictures. LOVE WINS WITH DUSTBIA."
Wala ring mapagsidlan ang saya ngayon ng mga tagahanga ng tambalan nina Will at Bianca, ang WillCa.
Tweet ng isa nilang fan (published as is): "Excited nako kasi alam ko magagaling sila na actors and that they'll give justice to their characters. Ready na ako umiyak at kiligin! WILLCAtch THE BIGSCREEN."
"Atake, ang pagbabalik nina Jerry at Gwen. Hanggang ngayon yung chemistry nila Will at Bianca, hindi kumukupas. WILLCAtch THE BIGSCREEN," pahayag pa ng isa.
Dagdag pa ng isa, "Acting puksaan. Well wala naman kaming pangamba kay Will. Congratulations, Bianca and Will. Itodo niyo na."
Dustin and Will express desire to work with Bianca
Bago ang pag-anunsiyo sa magiging proyekto ng tatlo, nauna nang ipinahayag nina Dustin at Will ang pagiging bukas nila sa posibilidad na pagsasama sa isang pelikula, kasama si Bianca.
Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na parehong malapit sina Dustin at Will kay Bianca.
Si Dustin ang nauugnay ngayon sa Kapamilya actress.
Habang si Will naman ay nakatambal at nakatrabaho ni Bianca sa unang collab drama series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Unbreak My Heart, noong 2023.
Read: Will addresses "love triangle" with Bianca and Dustin in PBB
Bagamat may nabuong magandang pagtitinginan sa loob ng PBB house sina Bianca at Dustin, hindi pa rin nawawala ang mga nagsi-ship sa tambalan nina Will at Bianca o WillCa.
Read: Will clarifies viral hug with Bianca in PBB Big Night
Ito ang dahilan kung bakit hindi naiiwasang magbangga ang dalawang fandom sa social media.
Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war
Sa naganap na grand mediacon ng Kapuso PBB: Celebrity Collab Edition housemates sa Harolds Hotel noong July 17, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dustin kung bukas ba siya sa posibilidad na gumawa sila ng proyekto ni Bianca, kasama si Will.
Mabilis na sagot ni Dustin: "Siyempre, oo. Straight to the point, oo naman.
"Kagaya nga ng sinabi ko kanina, lahat ng opportunities, e, iga-grab natin as long as approved by the management, ang Sparkle [GMA Artist Center]."
Kung saka-sakaling bigyan sila ng proyekto, tingin daw ni Dustin ay hindi na siya maninibago dahil nagkatrabaho naman na sila ni Will, halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Ito ay sa Kapuso drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters noong 2022.
Aniya: "Kami kasi ni Will, nag-work na kami together sa Mano Po, two years ago, I think.
"So, interesting din na mag-work kami ulit and now... is with Bianca naman, alam ko na maraming nag-aabang niyan.
"So, yeah, ite-take natin yung opportunity na yan and let's see kung anong mangyayari.
"But for now, sasabihin kong yes."
Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley
Dahil naroon din sa mediacon si Will, hindi pinalampas ng PEP ang pagkakataong hingan siya ng reaksiyon sa naging pahayag ni Dustin.
Ayon kay Will, kagaya ni Dustin ay bukas din siyang makatrabaho ito kasama ang dating kaparehang si Bianca.
Saad ng tinaguriang Nation's Son: "I’ve worked with Dustin and Bianca na rin and pareho ko silang friends, and masasabi ko talaga na very, very professional sila.
"So, looking forward talaga na makatrabaho sila ulit ngayon na nakalabas na kami sa Bahay Ni Kuya."
Sa nakaraang The Big Collove concert ay dumagundong ang buong Araneta Coliseum nang sabihin ni Will na "looking forward" siyang makatambal muli sa isang proyekto si Bianca.
Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?
READ MORE:
