Hindi nagpapigil ang mga aktres na sina Liza Soberano, Kim Chiu, at Agot Isidro sa paglalabas ng saloobin tungkol sa kawalan ng pananagutan ng ilang opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang flood control projects sa gitna ng magkasunod na pananalasa ng bagyong Tino at Uwan sa bansa.
Noong November 4, 2025, nanalasa ang bagyong Tino sa Cebu at mga karatig-probinsiya na nagdulot ng matinding pagbaha na kumitil ng maraming buhay at sumira sa kabuhayan at kabahayan ng maraming Pilipino.
Ilang araw lamang ang lumipas, noong November 9, ang super typhoon Uwan naman ang nanalasa sa central portion ng Aurora at ilan pang probinsya sa Northern Luzon.
Dahil sa magkasunod na bagyong dumaan sa bansa, marami sa ating mga kababayan ang sinisi ang mga ganid na opisyal ng gobyerno na sangkot sa talamak na korapsyon sa bansa, lalo na sa flood control projects.
Read: Regine Velasquez vents anger at government over massive floods
Giit nila, kung sana'y nagamit nang maayos ang mga pondo para sa pagpapatayo ng matitibay na flood control ay makatutulong sanang proteksiyon ang mga ito sa ilang mababang lugar sa banta ng pagbaha.
LIZA SOBERANO slams "greedy" and "corrupt" officials
Kabilang sa hindi nakapagtimping maglabas ng sama ng loob at galit ang aktres na si Liza Soberano.
Sa kanyang Instagram Stories nitong Lunes, November 10, pinasaringan ni Liza ang mga opisyal ng gobyerno na aniya’y patuloy na nagdudulot ng pagdurusa sa mga Pilipino dahil sa kanilang katiwalian at kapabayaan.
Mababasa sa kanyang post: "Typhoon Tino and Uwan are another very expensive reminder of how the Filipino people constantly suffer at the hands of our disgusting government officials.
"Who is taking responsibility for the lives that were taken by your greed and corruption."
Read: Bela Padilla slams Pangasinan lawmaker for flood comments
Idiniin din ng aktres ang bilyun-bilyong pondong inilaan umano para sa mga flood control project na wala namang nakikitang magandang resulta dahil ito ay mga substandard.
Aniya: "Never forget PHP545 billion has gone into food control projects for the past 3 years. Where is the control and infrastructure? You have blood on your hands!"

KIM CHIU Appeals for Action Against Mining
Sa pamamagitan ng pagre-repost sa X (dating Twitter), idinaan ng actress-TV host na si Kim Chiu ang kanyang pagkadismaya sa mga nasa katungkulan na pinapayagan ang mga pribadong kompanyang magmina at magtayo ng imprastraktura sa mga kabundukan.
Read: Slater Young’s Monterrazas blamed by netizens for Cebu flooding
Nangyari ito kamakailan nang mag-viral online ang bundok ng Sierra Madre Mountain Range na sinasabing nakatulong para maprotektahan ang mga karatig-lugar nito mula sa matinding hagupit ng bagyong Uwan.
Read: DOST reacts to claims Sierra Madre shields Luzon from typhoons
Saad ni Kim: "Araw-araw tayong pinoprotektahan ng mga bundok, laban sa bagyo, baha, at matinding init.
"Tahimik lang silang nakatayo, walang hinihinging kapalit, pero patuloy silang nagbibigay ng buhay, ng hangin, ng ginhawa.
"Sana ganun din ang gawin ng mga nasa itaas. Sana marinig nila ang sigaw ng kalikasan bago pa man maging huli ang lahat."
Nanindigan din ang aktres sa kanyang panawagang "#SaveOurMountains”, kasabay ng mariing pagtutol niya sa lahat ng mining activities sa mga kabundukan.
Saad niya (published as is): "Hayaan silang maging sila — ang mga bundok na bumubuhay, ang mga bundok na tahanan ng maraming nilalang, ang mga bundok na nagsisilbing proteksyon ng Luzon at ng buong sambayanan. #Saveourmountains.
"No to mining. Walang konstruksyon. Walang pagwasak. Kung kaya nilang protektahan tayo, kaya rin nating ipaglaban sila."
Agot Isidro calls out those who voted for pro-mining politicians
Tulad ni Kim, mariin ding tinututulan ni Agot Isidro ang anumang mining activities na nakasisira sa kabundukan.
Sa kanyang tweet, tinawag ng pansin ni Agot ang mga Pilipinong panay lang ang pasasalamat sa bundok at kalikasan tuwing may hahagupit na bagyo ngunit mga pro-mining na opisyal naman ang inihahalal sa tuwing eleksyon.
Saad ni Agot (published as is): "Kung kayo si Sierra Madre, sino iboboto nyo? Yung papayag na kalbuhin kayo?
"Panay ang Salamat Sierra Madre, pero iboboto yung mga pro-mining.
"So alamna next election ha."
Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre
