PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame speaks up about past relationship with Sugar

Willie: "Hindi ko dine-deny yung naging relasyon ko, kawawa naman yung babae."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 22, 2026
Willie Revillame says he and Sugar Mercado were not meant to be
Willie Revillame admits past relationship with Sugar Mercado: "...hindi ko dine-deny yung naging relasyon ko... Wala namang went wrong sa naging relationship ko kay Sugar kasi napamahal naman sa akin yung mga anak ni Sugar. Parang naging anak ko na rin sila."
PHOTO/S: Rachelle Siazon/Gorgy Rula

Hindi ikinaila ni Willie Revillame ang pagkakaroon nila noon ng relasyon ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Sugar Mercado.

Sa ginanap na grand conference ng bago niyang game show na Wilyonaryo noong Martes, January 20, 2026, diretsahang tinanong PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Willie kung ano ang dahilan ng pagwawakas ng halos pitong taong relasyon nila noon ni Sugar.

Willie Revillame addresses on-air outburst at staff
Photo/s: Rachelle Siazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit na dahilan ang beteranong TV host sa breakup nila ni Sugar, bagkus ay sinabi nitong wala siyang nakikitang mali sa naging relasyon nila noon.

Naging masaya raw siya sa mga panahong si Sugar ay nasa kanyang tabi, dagdag pang napamahal din sa kanya ang mga anak ng comedienne.

Read: Willie Revillame addresses on-air outburst at staff

Saad ni Willie: "Wala namang went wrong sa naging relationship ko kay Sugar kasi napamahal naman sa akin yung mga anak ni Sugar. Parang naging anak ko na rin sila.

"Kasi hindi ko na kasama yung mga anak ko, doon ako nabaling sa mga anak niya.

"So, nag-enjoy ako kasama yung mga bata. Bino-blower ko yung mga anak niya, naging anak ko talaga sila."

May dalawang anak na babae si Sugar mula sa kanyang dating asawa.

Read: Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5

Bagamat naging masaya, nagkahiwalay pa rin sila dahil, ayon kay Willie, pakiramdam niya ay hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Sugar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag niya: “Totoo naman, hindi ko naman maide-deny ang tama at ang totoo, e. Tsaka hindi ako magsisinungaling.

"Yes, naging maayos naman. Kaya lang it's just like that siguro, hindi talaga kami para sa isa’t isa.

"Pero yung talagang nagpasaya sa akin noon, yan si Sugar din naman at ang mga anak niya.

"Ayun talaga yon, kasi nga hindi ko na kasama yung mga anak ko, naging happy ako na makasama yung mga anak niya."

Read: Sugar Mercado: From dancer and TV host to beauty queen

Aminado si Willie na malaki ang naging papel ng mga anak ni Sugar sa buhay niya.

Ang mga ito raw ang pumuno sa pananabik niya sa sarili niyang mga anak na sina Meryll Soriano, Louise Anne, Marimonte Shanelle, at Juamee Revillame.

Read: Willie Revillame bonds with three children from three different women

Saad ni Willie: "Alam naman ng mga anak ko yan.

"Hindi naman mga selosa ang mga anak ko, kasi nakita nila na naging masaya ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging fair naman ako sa kanilang lahat."

Dagdag pa niya tungkol sa pag-amin sa naging relasyon nila noon ni Sugar: "Okay lang yon, tsaka hindi ko dine-deny yung naging relasyon ko, kawawa naman yung babae.

"Hindi ako ganung klaseng tao."

SUGAR ADMITS PAST RELATIONSHIP WITH WILLIE

Noong March 28, 2025, kinumpirma ni Sugar ang matagal nang bulung-bulungang nagkaroon sila ng espesyal na ugnayan ng Wilyonaryo host.

Read: Sugar Mercado confirms past relationship with Willie Revillame

sugar mercado endorsement
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sugar ay naging co-host noon ni Willie sa Wil Time Bigtime (2011-2012) sa TV5 at Wowowin (2017) sa GMA-7.

Noon, itinatanggi at umiiwas pa si Sugar sa tuwing matatanong ukol dito, hanggang sa inamin niya sa wakas ang katotohanang minsan silang nagkaibigan ni Willie.

Read: Sugar Mercado, iwas sa mga tanong tungkol kay Willie Revillame

Dito na ipinaliwanag ni Sugar kung bakit sa previous interviews ay hindi niya ito inaamin.

Saad niya: “Siyempre nakakahiya naman kung ako lang yung ano [umamin], di ba?

"Siyempre, kababae kong tao… kahit hindi ako mukhang babae, siyempre may heart din ako, wow!

“And okay naman yun kasi alam mo naman siya [Willie], pribado siya masyado.

“And sabi ko nga, never akong nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko.

“At aminado rin naman ako na minahal ko talaga yung tao nang sobra pa.

"Tapos hanggang ngayon, hindi na maaalis yun sa buhay naming mga anak ko, nasa puso na namin siya habang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala naman akong masasabing hindi maganda sa kanya kasi minahal niya talaga yung mga bata."

Read: Sugar Mercado no bad blood with ex-boyfriend Willie Revillame

Sa ngayon, single si Sugar at mas piniling mag-focus sa pagpapalaki ng dalawa niyang anak.

Read: Sugar Mercado now civil with ex-husband after legal tussle

WILLIE'S CHOICE TO BE SINGLE

Samantala, gaya ni Sugar, single din ngayon si Willie.

Sa edad niyang 64 ay masaya na raw siyang nag-iisa sa buhay, kung kaya't hindi siya naghahanap ng bagong iibigan.

Gayunpaman, hindi raw niya isinasara ang posibilidad na muling magmahal kung ito ay ipagkakaloob pa sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame admits past relationship with Sugar Mercado: "...hindi ko dine-deny yung naging relasyon ko... Wala namang went wrong sa naging relationship ko kay Sugar kasi napamahal naman sa akin yung mga anak ni Sugar. Parang naging anak ko na rin sila."
PHOTO/S: Rachelle Siazon/Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results