Kumpirmadong magkarelasyon na ang Kapuso actor na si Yasser Marta at VMX sexy actress na si Robb Guinto.
Ito ang inamin ng dalawa nang sumalang sila sa PEP Live nitong Miyerkules, March 5, 2026, para sa promotion ng kanilang upcoming film na Desperada.
Pagbabahagi ni Robb, espesyal sa kanila ni Yasser ang Desperada dahil dito sila nagkahulugan ng loob.
Lahad ni Robb: "Nag-start kami sa movie na to, na Desperada, kaya nga hindi namin makakalimutan itong movie na ito kasi dito kami nagkakilala.
"Naging magkaibigan muna, tapos ayun na. December [2025, nag-start yung shooting]. So, bago lang, bago lang kami."

Simula nang maging sila, hindi na raw pinahirapan nina Robb at Yasser ang isa't isa na itago sa publiko ang kanilang relasyon.
Read: Alvin Aragon reacts to Bong Suntay issue with religious reminder
Kumpiyansang pahayag ni Robb: "Parang kasi sa amin, ganoon din naman, e, papatagalin mo pa.
"Bakit pa nga naman papatagalin, ganun din naman.
"Hindi na rin naman kami bagets, e, para maglaru-laruan pa."
Pagsang-ayon sa kanya ng nobyo, "Oo, siyempre kung ano yung nakikita nila sa mga post namin, ayun na yon."
Read: Robb Guinto admits getting indecent proposals from DOMs
LOVERS IN BALI
Hindi lingid sa kaalaman ng kanilang followers na bukas sina Robb at Yasser sa pagbabahagi sa social media ng sweet pictures nilang magkasama.
Kabilang na rito nang ipagdiwang nila ang Valentine's Day noong February 14, 2026, sa isang resort sa Nasugbu Batangas.
Maging ang naging dinner date nila sa isang restaurant sa Tagaytay noong February 28.
Pero bago ito, noong January 16, nag-umpisang pag-usapan online ang ini-upload na mga litrato ni Yasser sa Instagram habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia, kasama si Robb.
Pag-amin dito ni Robb, birthday celebration niya ito nang magprisintang sumama sa kanya si Yasser.
Read: Yasser Marta, muling nakapiling ang ama pagkalipas ng 15 taon
Sa bakasyon na rin daw niya ito sinagot ang aktor.
Lahad niya: "Sumama pa siya sa akin nun, kasi nag-celebrate ako ng birthday ko sa Bali, Indonesia. Ayun yung lumabas na photos [sa social media].
"Tinanong niya ako noong last day namin sa Bali, kung puwede niya akong maging girlfriend.
"Sabi niya nun, gusto niyang maging memorable yung travel na yon kapag sinagot ko siya.
"So, sa Bali ko siya sinagot."
Nang tanungin kung sa mismong kaarawan ba niya sinagot si Yasser, sagot ni Robb, "Birthday ko, first day namin sa Bali. E, one week kami doon. So, mga bago [kami] umalis."
Read: Robb Guinto admits using plaster for intimate scenes in Araro
Yasser and Rob Reminisce Their First Encounter
Pagbabahagi pa ni Robb, hindi niya akalaing magiging malalim ang pagtitinginan nila ni Yasser sa isa't isa, gayong bago ang Desperada ay hindi naman sila personal na magkakilala.
Pamilyar lamang daw niya sa mukha si Yasser dahil isang beses niya itong napanood sa isang GMA-7 show.
Pagbabalik-tanaw ng aktres: "Si Yasser kasi, napanood ko siya one time sa show sa GMA nun.
"Hindi ako familiar sa pangalan niya, pero familiar ako sa mukha niya kasi pamilyar din ako sa mukha e. So, doon ko siya nakilala.
"Ngayon kasi mahaba na yung buhok niya, e, pero yung time [na nakita ko siya], parang totoy-totoy pa siya. "
Read: Jasmine calls out journalists for “laughing” in Suntay interview
Katulad ni Robb, hindi rin siya personal na kilala ni Yasser.
Pagtatapat ni Yasser, naririnig-rinig lang niya noon ang pangalan ng nobya ngunit wala raw siyang ideya sa hitsura nito.
Kaya naman ganoon na lamang daw ang kanyang pagkagulat at pagkamangha nang makita nang personal si Robb sa shooting nila sa Desperada.
Kuwento ni Yasser: "Si [Robb] matunog na talaga yung pangalan niya. Kung saan-saan ko siya naririnig... So, sabi ko, 'Sino ba to?'
"Hindi kasi ako ma-follow, hindi ako masyadong ma-check ng social media. Gusto ko kasi yung organic encounter, e.
"So noong movie, si Robb tiningnan ko, sabi ko, 'Uy, ang hot naman nito, mukhang matapang.'"
Nang magkasama sa trabaho, doon na raw napansin ni Yasser ang pagiging sweet ni Robb, dahilan para tuluyan siyang mahulog dito.
Pahayag niya: "Noong nagkatrabaho na kami, ang sweet pala niya magsalita [kasi] lagi na kaming magkausap.
"Tapos ang saya niya kasama, ang hilig niya kumain, magdala ng mga yema, longganisa, lahat. Tapos lagi niya akong inaaya.
"Yung mga small details na sinasabi niya, natatandaan ko na lahat, e, hindi naman ako ganun dati.
"Kaya sabi ko, 'Hala, bakit nagkakaroon na ako ng concern, care sa kanya?'
"Ayun, na na-[fall] na ako sa kanya, nakilala ko pa siya lalo kung gaano niya kamahal family niya, doon na ako na-[in love lalo]."
Yasser and Robb Reveal Shared Traits Strengthen Their Love
Sundot na tanong sa dalawa, "Mayroon bang certain point na napagtanto ninyong in love na kayo sa isa't isa?"
Mabilis na sagot ni Robb, "Yung nakaka-jive kami sa ugali namin. Nagkakasundo kami. Kung ano yung trip ng isa, trip na rin ng isa."
Sinang-ayunan naman ito ni Yasser.
Aniya, ito rin ang dahilan kung bakit nagkasundo sila ni Robb na mag-celebrate ng Christmas at New Year na magkasama.
Sabi ni Yasser: "Oo, kaya nga nag-spend na rin kami ng Christmas and New Year together.
"Na-meet na niya yung parents ko, na-meet ko yung parents niya.
"Gets talaga namin ang isa't isa, e, kaya sabi ko, 'Siya na nga!'"
Si Claudine Barretto ang huling na-link kay Yasser, makaraan nilang magtambal sa Lovers/Liars, ang drama series ng Regal Entertainment Inc. na napanood sa GMA-7 mula noong November 20, 2023 hanggang January 11, 2024.
Read: Yasser Marta admits falling for Claudine Barretto
Ngunit sa panayam ni Yasser sa Fast Talk With Boy Abunda noong May 2024, mariin niyang itinanggi na nagkaroon sila ng relasyon ni Claudine.
Read: Yasser Marta, itinangging nakarelasyon si Claudine Barretto
