PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Ser Geybin, Elma Asagra break up after seven years

Elma to Ser Geybin: "You have been such an important part of my life."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 1 Hour ago
Vlogger Ser Geybin, Elma Asagra confirm breakup after seven years
Ser Geybin (right) on breakup with Elma Asagra (left): "Elma and I had a beautiful 7 years, but kaylangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay na isalba ang relasyon namin."
PHOTO/S: Mam Elma on Facebook
Article Summary

 

 

Ikinalungkot ng mga tagahanga nina Ser Geybin at Elma Asagra ang kumpirmasyon ng dalawa na hiwalay na sila matapos ang pitong taong relasyon.

Ngayong Martes, June 23, 2026, magkasunod na naglabas ng pahayag sa Facebook ang YouTube vloggers na sina Ser Geybin at Elma upang kumpirmahin ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations
Photo/s: Ser Geybin on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nag-post si Elma.

Ayon sa kanya, "mutual" ang desisyon nila ni Ser Geybin na tapusin ang kanilang relasyon.

Bagamat ginawa raw nila ang lahat ng kanilang makakaya para isalba ang pagmamahalan nila, hindi raw ito naging sapat para manumbalik ang dating "feelings" ng isa't isa.

Mababasa sa kanyang pahayag: "Hi, everyone. I know a lot of you have been asking about Gavin and me. Ang daming speculations! We really tried our best to work things out.

"Yes, nakikita ninyo kaming masaya on-cam, pero sa likod ng camera, we also have our own problems and struggles na kami lang ang nakakaalam.

"Nilaban po namin hanggang sa huli.

"I just want to clear things up. Hindi lang po kami 'for the views' or anything. What Gavin and I had was real.

"Dumadating po siguro talaga yung time na hindi mo na maramdaman yung mutual feelings. Sa love, kailangan parehas kayong nagmamahal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elma addresses the Cheating Allegations Surrounding Ser Geybin

Sa nasabing breakup statement, nilinaw rin ni Elma ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa dati niyang nobyo.

Noong June 2, 2026, naging usap-usapan online ang ini-upload na vlog sa YouTube nina Elma, at mga kapatid ni Ser Geybin na sina Kelzy, Allen, at Kalo.

Ang vlog ay may pamagat na "Pasan."

Dito, sinabi nilang pansamantala munang hindi magpapakita si Ser Geybin sa kanilang vlogs matapos nitong maospital dahil sa "matindi niyang pinagdaraanan."

Sa paglalahad noon ni Elma, lumalabas na matagal nang may mga pinagdaraanan si Ser Geybin na hindi raw nito naibabahagi sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kabilang umano sa mabigat na pasanin na dinadala ng vlogger ay ang responsibilidad sa kanilang pamilya, maging ang pag-iisip nito sa relasyon nila ni Elma.

Bagamat marami ang nagpahayag ng pag-aalala para sa kalagayan ni Ser Geybin, may ilan ding netizens ang naglabas ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa pinagmulan ng mga pinagdaraanan ng vlogger.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa TikTok at Reddit, usap-usapan ang umano'y lihim na pakikipagrelasyon ni Ser Geybin sa iba, habang sila pa ni Elma.

Mabilis na iniugnay ang pangalan ni Ser Geybin sa isa diumanong dentista at anak ng politiko na nagngangalang "Ayra" matapos lumabas sa social media ang ilang larawan nilang magkatabing nakaupo sa restaurant.

Bukod pa rito, ang litrato nila umano habang nasa airport papunta sa Macau.

Ayon sa ilang netizens, si Ayra umano ang kasama ni Ser Geybin nang bumiyahe ito sa Macau noong February 2025.

Read: Vlogger Ser Geybin hospitalized following emotional struggles

Kaugnay nito, nilinaw ni Elma na wala itong katotohanan.

Magkakilala man sina Ser Geybin at Ayra, magkaibigan lang daw sila at walang anumang espesyal na ugnayan.

Pahayag ni Elma: "I am aware of the speculations and rumors spreading online. Magkaibigan po sila.

"Nabigyan lang po ng malisya ang mga kumalat na pictures base sa kung ano lang po ang nakikita, pero lahat po yon bago mangyari ay alam ko na, dahil pinapaalam lahat ni Gavin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Please don't make any judgments or spread fake news without confirmation.

"It's just that, the time po nalabas ang Pasan naglabasan na po ang mga kung anu-anong haka-haka.

"Matagal po naming sinubukan ang lahat. Our decision is mutual. Like what I've said, we tried our best to make it work.

"This is not easy for either of us, especially for our families, who are also hurting through this."

Read: Ateneo Blue Eagles player Divine Adili's remains flown to Nigeria

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, taus-pusong nagpasalamat si Elma sa mga masugid nilang tagahanga ni Ser Geybin.

Mensahe niya: "To ELGA, thank you for giving us the time to process the pain and finally face this.

"We know that this is painful. Sobrang nasasaktan kami na nakikitang nasasaktan kayo.

"Please know that it hurts the two of us more than you know. We were the happiest together, but it just won't be fair to pretend that everything is still the same.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don't know what the future holds for us. Sabi nga nila, kung kayo, kayo talaga!

"Wala po kami dito kung wala kayo, kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta.

"Please continue to support us as we try to heal and move forward."

Elma Reflects on SEVEN Years With Ser Geybin

Sa huli, binalikan ni Elma ang masasayang alaala at mga pangarap na sabay nilang natupad ni Ser Geybin sa loob ng kanilang pagsasama.

Vlogger Ser Geybin, Elma Asagra confirm breakup after seven years
Photo/s: Mam Elma on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Gavin, it has been seven wonderful years. I learned so much from our relationship, and I will always value the time we shared together.

"You have been such an important part of my life.

"Ang daming plano at pangarap na natupad natin nang sabay."

Read: Pops Fernandez reacts after fans slam her Startista statue

Pinasalamatan din niya ang dating nobyo sa pagmamahal na ipinadama nito hindi lamang sa kanya, kundi maging sa kanyang pamilya.

"Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin at sa pamilya ko. You gave me the kind of love that I will forever cherish.

"I will always be thankful and grateful for you. You will always have a space in my heart."

Pangako rin ni Elma na patuloy nilang susuportahan ang isa't isa habang tinatahak ang magkahiwalay nilang landas.

Aniya: "Breaking up is never easy, especially when it happens in front of everyone.

"Hiling lang po namin ang inyong pag-unawa at respeto sa aming privacy habang sinusubukan naming simulan ang bagong yugto ng aming mga buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gavin and I will continue to support each other as we go our separate ways. We hope that you will still join us on our new journeys!"

SER GEYBIN RELEASES SEPARATE STATEMENT

Ilang minuto lamang ang lumipas, si Ser Geybin naman ang naglabas ng kanyang pahayag.

Read: Lotlot de Leon initiated convo about issue with Ian de Leon

Gaya ni Elma, idiniin din ni Ser Geybin na ginawa nila ang lahat para isalba ang kanilang relasyon.

Ito'y kahit matagal nang may pinagdaraanan ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit sa huli ay mas pinili nilang protektahan ang isa't isa mula sa labis na sakit at pagdurusa kung hahayaan nilang magpatuloy ang kanilang ugnayan.

Pahayag ni Ser Geybin (published as is): "Hindi biro ang pitong taon na saya at pagmamahal, kaya hayaan niyo akong ipaliwanag sa huling pagkakataon ang lahat.

"Elma and I had a beautiful 7 years, but kaylangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay na isalba ang relasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matagal na po namin itong nilalaban at nilalabanan, pero hindi po namin masabi agad sa inyo dahil alam po namin na malulungkot kayo, dahil puro saya at pagmamahal lang ang naipakita namin sa inyo sa loob ng pitong taon, pero ang totoo marami rin kaming laban sa likod ng mga ngiti at saya na yon.

"Hindi rin po namin itatanggi na kaya ayaw pa namin sabihin noon kasi sinusubukan pa rin po namin ang lahat para ayusin ang relasyon namin, pero dumating na po kami dito, sa hangganan.

"Masakit makita na nahihirapan ang isa't isa pero mas mahirap makita na patuloy lang ang sakit kung ipagpapatuloy pa namin."

SER GEYBIN DENIES ANEW THIRD PARTY ALLEGATION

Muli ring pinabulaanan ni Ser Geybin ang haka-hakang dahil sa third party kaya tuluyang nagwakas ang pitong taong relasyon nila ni Elma.

Nauna nang itinanggi ni Ser Geybin noong June 8 ang mga kumakalat na akusasyon laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Aware rin po ako sa mga kumakalat na kuwento noong nakaraan. Nakakalungkot na sa simpleng litrato, maraming kuwento at haka-haka na ang nabuo.

"Alam ko na may mga taong iisipin na ang mga gawa-gawang kuwento na iyon ang dahilan ng aming hiwalayan, kaya lilinawin ko lang po muli, kaibigan ko po iyon at hindi po iyon ang dahilan ng aming hiwalayan.

"Alam din po ni Elma na may kasabay akong lilipad noon dahil nagpaalam ako at may kanya-kanya kaming lakad.

"Kaya humihingi po ako ng kapatawaran sa kaibigan ko na yon at lalo na sa pamilya niya dahil nadamay sila nang walang kamalay-malay.

"Hinusgahan at kung anu-anong paninira na kuwento ang naibato sa kanila nang wala naman silang alam sa nangyayari."

Read: Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations

SER GEYBIN GRATEFUL TO ELMA'S FAMILY, FANS

Dala ng kanilang desisyon, humingi ng tawad si Ser Geybin sa pamilya nila ni Elma, at fans, na aniya'y labis na nasaktan sa kanilang paghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: Gusto ko rin po humingi ng kapatawaran sa pamilya ko at lalo na sa pamilya ni Elma dahil sa sakit ng desisyon naming ito.

"Kasi alam namin na kung mahirap sa amin, mas mahirap sa kanila dahil pamilya na ang tingin namin sa isa't isa.

"Tito at Tita, patawarin niyo po kami dahil nasa dulo na po kami ng masaya naming pagsasama.

"Masakit man po sa amin gawin ito pero ito na po ang nakita naming solusyon.

"Nandito lang po ako lagi, mananatili niyo po akong pamilya.

"Sa lahat ng mga sumuporta sa amin mula umpisa, hindi niyo alam kung gaano kasakit sa amin yung desisyon na ito dahil parte kayo ng naging buhay namin.

"Isa kayo sa bumuo sa amin, isa kayo sa nagpapalakas sa amin kapag mahina na kami, at isa kayo sa nagdala kung bakit nandito kami sa posisyon namin na ito.

"Kaya sana patuloy niyo pa rin kaming suportahan sa tatahakin naming landas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Demanding at salat sa malasakit na aktor, nilayasan ng driver

SER GEYBIN'S MESSAGE TO ELMA

Bukod sa kanilang pamilya at fans, nagpasalamat din si Ser Geybin sa pagmamahal na ipinadama sa kanya Elma.

Vlogger Ser Geybin, Elma Asagra confirm breakup after seven years
Photo/s: Mam Elma on Facebook

Aniya, bagamat hiwalay na sila, mananatiling espesyal sa kanya si Elma at habang-buhay niyang dadalhin ang pagmamahal na ibinahagi nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe niya sa dating girlfriend (published as is): "Elma, gusto ko lang sabihin na habang buhay ko dadalhin yung pagmamahalan natin at isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

"Wala akong pagsisi sa lahat ng nangyari dahil napakarami mong naituro sa akin at naitulong sa akin.

"Ikaw ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay, sa hirap man o sa saya. Natapos man ang lahat, ang saya ko lang na ang dami nating narating na magkasama at mga plano na natupad.

"Nasaksihan ko kung pano mo nabuo ang mga pangarap mo, kung gaano ka kasipag at kabuting tao, lahat ng mayroon ka ngayon ay pinaghirapan mo, saksi ako na maaga kang nagigising at umaga ka na rin natatapos mag trabaho, sa kung paano mo inahon yung sarili mo at pamilya mo sa hirap.

"Kung mayroon man akong ambag o naitulong sa tagumpay mo, siguro yun lang ay ang suporta ko sa iyo, pero lahat iyan ikaw ang may gawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Proud ako sa iyo mula umpisa hanggang dulo."

Read: Vlogger Ser Geybin under fire for "disrespecting" BINI Mikha

Dagdag pa niya: "Ayoko magsalita nang tapos, pero hindi naman natin alam kung ano puwedeng mangyari sa hinaharap, basta ako, I will never forget you and I will always be here for you.

"Susuportahan at papalakpakan kita kahit nasa malayo ako. At gaya ng sabi mo ako din 'you will always have a space in my heart'."

Read: Eman Pacquiao's mother defends him after loss, blasts bashers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ser Geybin (right) on breakup with Elma Asagra (left): "Elma and I had a beautiful 7 years, but kaylangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay na isalba ang relasyon namin."
PHOTO/S: Mam Elma on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results