PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin, Regine, Ogie nag-perform sa launch ng wellness wearables

Titanium rings na suot nina Kathryn at Alden, pang-health and fitness.
by Jojo Gabinete
Published May 22, 2024
ogie martin regine mwell event
OPM icons Ogie Alcasid, Martin Nievera, and Regine Velasquez join the launch of mWell Wellness Wearable on May 20, 2024. With Regine in the right photo are mWell executives Chaye Cabal-Revilla and Manny V. Pangilinan.
PHOTO/S: Paulo Neil Mandigma / mWell

Sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jed Madela, Jona, Bituin Escalante, Aicelle Santos, Klarisse de Guzman, at Mark Bautista ang ilan sa mga nagtanghal sa Unboxed, ang opisyal ng paglulunsad sa mWell Wellness Wearables.

Ginanap ito sa Grand Hyatt Manila, Taguig City, noong Mayo 20, 2024.

Ang Unboxed ang unboxing sa smart watch at ring, ang wellness wearables na may kakayahang bilangin ang hakbang (step counter) at i-monitor ang blood pressure at blood oxygen ng mga tao.

Magagamit ito kapag ipinareha sa mWell health care mobile app.

Ang MWell ang health care app ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na inilunsad noong Hulyo 24, 2021.

Ang mWell ay nakakatulong sa pamamagitan ng online consultation sa mga kababayan nating natatakot pumunta sa ospital para magpatingin sa mga doktor dahil kasagsagan noon ng coronavirus pandemic.

KATHDEN "COUPLE" TITANIUM RINGS

Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang ilan sa mga sikat na celebrity na gumagamit ng identical titanium rings sa hintuturo na katulad ng mWell wellness wearables. Napagkamalan nga ng fans na “friendship ring” at simbolo ng umpisa ng pagkakamabutihan ng dalawa ang kanilang identical titanium rings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lingid sa kaalaman ng mga masugid na tagahanga, para sa health at fitness ang mga singsing na suot nila.

kathden titanium rings
Kathryn Bernardo and Alden Richards wear identical titanium rings

Ginagamit din ito ni Ogie Alcasid, isa sa mga celebrity ambassador ng wellness wearables ng kompanya na pag-aari ng billionaire businessman at TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imbitado sa Unboxed ang mga personalidad mula sa showbiz at health care gaya ni Dra. Vicki Belo at ang asawa nitong si Dr. Hayden Kho Jr.

Dumalo rin ang mga basketball player na sina Jojo Lastimosa, Asi Taulava, Dwight Ramos; at ang mga sikat na volleyball players na ipinakilala bilang mga wellness wearable ambassadors.

Ang partisipasyon ng mga miyembro ng Little People Community ng Cabuyao, Laguna, sa song number nina Jed at Mark ang isa sa mga makabagbag-damdaming eksena dahil pinatotohanan nila ang malaking tulong sa kanilang kalusugan ng online consultation sa tulong ng health app ng MPIC.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM icons Ogie Alcasid, Martin Nievera, and Regine Velasquez join the launch of mWell Wellness Wearable on May 20, 2024. With Regine in the right photo are mWell executives Chaye Cabal-Revilla and Manny V. Pangilinan.
PHOTO/S: Paulo Neil Mandigma / mWell
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results