PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fast Talk With Boy Abunda, naa-outscoop ang 24 Oras?

Anong Fast Talk With Boy Abunda episode ang pinakamataas ang rating?
by PEP Troika
Published Feb 3, 2023
fast talk with boy abunda
Dalawang linggo nang trending ang mga interview ni Boy Abunda sa mga bisita niyang artista sa Fast Talk With Boy Abunda. Ang episode kung saan guest niya si Dina Bonnevie ay nakapagtala ng 7.5 na rating.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Halos araw-araw ay mainit na pinag-uusapan ang mga interview ni Kuya Boy Abunda sa kanyang bagong showbiz-oriented talk show na Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7.

Dalawang linggo na itong trending at madalas na dito tayo nakakakuha ng istorya mula sa mga kontrobersiyal na celebrity na nakakapanayam niya.

Related Stories:

May naririnig tuloy kaming kuwentong nag-e-emote na raw ang ilang showbiz reporters ng GMA News and Public Affairs, dahil dati ay hindi sila pinapayagang tanungin ng mga maiinit na isyu ang ilang Kapuso stars, pero ngayon ay nagagawa na ito ni Kuya Boy, at pini-pick up na lang nila.

Naalala kong tinanong ko ito sa presscon noon ng programa ni Kuya Boy sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit ko sa kanya na hindi maiiwasang magkaroon ng conflict sa 24 Oras at sa kanyang bagong programa ang magpasabog ng scoop. Na-experience ko kasi ito noon nung naging bahagi ako ng Startalk na hindi talaga naiiwasang magkaroon ng conflict kung kanino ba gagawin ang scoop, sa Startalk ba o sa 24 Oras.

Agree naman si Kuya Boy na maaring magkaroon ng conflict. Pero sa ngayon ay puwede naman daw mag-complement ang dalawang programa na halos magkakasunod lang naman ang timeslots.

“Nung panahon natin, napakahalaga talaga ng scoop. Napakahalaga. Nagkaroon pa ng ng show noon na Scoop, di ba?” pakli ni Kuya Boy nung presscon ng Fast Talk With Boy Abunda.

“I think the more important thing… 24 Oras. Iya [Villania] is my talent, I manage her. I think we will be complementing each other.

24 Oras has a style of telling the story. We will have our own way of telling the story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think, the whole challenge now is how we will be telling the story. This is a story telling business.

“So, papano namin… halimbawa, ang tools na gagamitin namin ay Fast Talk o di kaya ay The Interviewer.

24 Oras is presented… it’s a docu, it’s a VTR driven. I supposed to do my interview which is a one-on-one. So, dun pa lamang malaki na ang pagkakaiba. So, I think we will be able to complement.

“Kung ano ang hindi nagagawa ng 24 Oras, siguro ay gagawin ko. Kung ano ang di ko magagawa ay gagawin ng 24 Oras,” saad ni Kuya Boy.

NOEL FERRER

Mainit ang mga isyung pinag-usapan nung mga nakaraang araw.

Ilang araw ring pinag-usapan ang interview ni Kuya Boy kay Paolo Contis na nagsimula nung Biyernes, January 27, 2023. Ang episode na yun ay nakapagtala ng 7.1% na rating.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang part two ng interview kay Paolo nung Lunes, January 30, ay naka-7.2%.

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

Sumunod ang pasabog na interview kay Dina Bonnevie nung January 31, at naka-7.5% iyon.

Read: Dina Bonnevie details past confrontation with Alex Gonzaga: "It didn’t come naman without reason."

Medyo pakilig at pa-cute naman ang interview kina Sofia Pablo at Allen Ansay nung Miyerkules, February 1.

Kasama nila ang mga Sparkada boys ng Caught in His Arms na sina Raheel Bhyria, Vince Maristela, Sean Lucas, at Michael Sager. Naka-6.4% yun.

At nung Huwebes, February 2, kung saan si Sunshine Cruz ang isinalang ay naka-6.9% naman ito.

Read: Sunshine Cruz finally breaks silence on breakup with Macky Mathay

Abangan natin ngayong hapon, February 3, kung ano naman ang pasabog ni Pokwang na may isyu ring hinaharap na kailangang sagutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hiwalayang Pokwang at Lee O'Brian, hahantong sa korte?

JERRY OLEA

Pasabog ang papel ni Pokwang bilang kabit na si Bobet sa first Filipino Prime Video Original Movie na Ten Little Mistresses. Mag-i-streaming ito umpisa Pebrero 15 sa Prime Video.

Para kay Babet, all that glitters IS gold. Pero ang puso kaya niya ginintuan din?

Sang-ayon kaya si Pokwang sa paniniwalang iyan ng karakter niyang si Babet, considering ang pinagsaluhan at pinagdaanan nila ng bunso niyang anak na si Malia?

pokwang ten little mistresses

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Of course, nananabik na rin tayo kung kailan pagbibigyan ni Heart Evangelista ang panawagan ni Kuya Boy ba sumalang ito sa Fast Talk. Keri bang sabay sila ni Senstor Chiz Escudero na mag-guest?

Nalalapit na ang kaarawan ni Heart, maging ang wedding anniversary nila ni Chiz.

Read: Heart Evangelista posts message for husband Chiz Escudero; netizens react, "Pinagalaw na ang baso!"

Tadyak sa buwan, puwede rin kayang mag-Fast Talk si Alex Gonzaga? What about Luis Manzano?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang linggo nang trending ang mga interview ni Boy Abunda sa mga bisita niyang artista sa Fast Talk With Boy Abunda. Ang episode kung saan guest niya si Dina Bonnevie ay nakapagtala ng 7.5 na rating.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results