PEP FEB-ibig. Couples who met via social media

IMAGE Macky Mathay (Facebook), Noel Orsal, @samuelmilby (Instagram), @markzambrano (Instagram)

Sa panahon ng social media, hindi na inaasa ng iba ang pag-ibig sa suwerte o sa destiny. Minsan, sa Facebook, Twitter, at Instagram na nila inaasam na mahanap ang kanilang 'the one.'


Mga beshies, hanggang ngayon ba ay NBSB (no boyfriend since birth) ka pa rin? O kaya, kakahiwalay niyo lang ng girlfriend mo at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakapag-move on at patuloy na nagmumukmok sa sulok?

Sabi nga nila, sa 7 bilyong tao sa mundo, meron at merong isa diyan ang para sa inyo at masasabi nating ka-meant-to-be mo!

Sa panahon ngayon, mga bes, ang pag-ibig ay hindi na lamang dapat iasa sa destiny, sa suwerte.

Minsan, nahahanap na rin ang dreamgirl o dreamboy sa social media.

Yes, you read it right, sa social media!

Sa pagsikat ng Twitter, Instagram, Facebook, at iba pang mga uri ng social media, hindi imposibleng ang hinahanap at pinapangarap mong "forever" ay tuluyan nang makamtan.

At dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong love month, bibigyan namin kayo ng inspirasyon mula sa apat na pag-iibigang nagsimula sa social media.

1. SUNSHINE CRUZ - ISMAEL 'MACKY' MATHAY IV. October 28, 2016, sa eksklusibong panayam sa PEP, inamin na sa wakas ni Ismael ‘Macky’ Mathay IV na magkarelasyon na sila ni Sunshine Cruz.

Si Macky ang nakababatang kapatid sa ama ng aktres na si Ara Mina.


Nagsimulang pumutok ang balitang may relasyon na sina Sunshine at Macky nang makunan sila ng larawan ng isang netizen na ‘holding hands while walking’ sa Bonifacio Global City sa Taguig.


Read: Sunshine Cruz-Macky Mathay 'HHWW' photo goes viral

Nauna nang kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source na "dating" na nga ang dalawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Ayon pa kay Macky, siya ang gumawa ng unang hakbang sa pamamagitan ng pag-follow kay Sunshine sa Instagram, Matapos nito, nagpadala kaagad siya ng direct message sa singer-actress.

Makalipas ang ilang buwang ligawan, sinagot na siya ni Sunshine noong September 18, 2016.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

Sa ngayon, patuloy na umuusbong ang masayang pagmamahalan ng dalawa.


2. ANGEL LOCSIN - PHIL YOUNGHUSBAND. February 10, 2010, nag-umapaw ang kilig sa Twitterworld nang anyayahan para sa isang Valentine’s date ng guwapo at sikat na football player na si Phil Younghusband ng Team Azkals ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Simpleng tweet noon ni Phil kay Angel: "Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentines day?"



Matapos ang ilang minuto ay sumagot na si Angel sa tweet ni Phil. Una munang nagpatawa si Angel bago i-tweet ang kanyang sagot.


"Twitterworld, kalma!"

Sinundan niya kaagad ito ng mensaheng: "hi! this is angel? Congrats on your win last night! Tnx for the invite but I have work on valentines.. Let's try another day?" saad nito."


Read: Azkal Phil Younghusband asks Angel Locsin out for Valentine's Day on Twitter

Marami naman ang angsabi noon na "bet" lang daw ang nasabing tweet ni Phil kay Angel ngunit mariin itong pinabulaanan ng Azkals striker.


Read: PEP EXCLUSIVE Phil Younghusband on his tweet to Angel Locsin: "It wasn't a bet."

Matapos ang lagpas isang taong pagdi-date, sinagot na rin sa wakas ni Angel si Phil noong May 27, 2012.

Saad pa niya sa interview ng PEP noon, “We’re officially together. We’re girlfriend and boyfriend.

“I’ve always said we fall more and more in love with each other. And I think love and happiness are the real words that could describe our relationship."

Kailan naman ibinigay ni Angel ang matamis niyang “oo” kay Phil?

“A few weeks ago… May 27,” nakangiti pa ring sagot ni Phil.


Read: FIRST READ ON PEP: Phil Younghusband declares Angel Locsin is now officially his girlfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit noong October 2013, matapos ang lagpas isang taon ay naghiwalay rin ang dalawa.


Sa Twitter din kinumpirma ni Angel na tinuldukan na nila ni Phil ang kanilang relasyon.

Ito ang kabuuang pahayag ni Angel mula sa kanyang Twitter account, presented here as published:

“This is my official statement:

"Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nag pa-interview ako, hindi po ito totoo.

“Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nag si-sink in pa lang po samin ngayon ang lahat ng ito.

“Pasensya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel [Ramos] na manager ko at si Darla [Sauler, head writer ng The Buzz at Kris TV] na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po.

“Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan..pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.

“Pasensya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon.

“Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala... mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon.

“Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapagusap uli.

“Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil lalo na ho dito sa twitter.

“Hinding-hindi po namin malilimutan.”



Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

3. SAM MILBY - MARI JASMINE. Sa Twitter din nagsimula ang relasyon ng Kapamilya singer-actor na si Sam Milby sa Fil-British model na si Mari Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2015, nag-follow si Sam sa Twitter account ni Mari Jasmine.


Kuwento pa ni Sam sa PEP noon, “It’s too early. I don’t wanna share too much kasi masyadong maaga [pa].

“But I’m inspired naman.

“I don’t think I would pursue a girl kung wala akong nakikitang future.”


Read: Sam Milby dating Fil-British model named Mari Jasmine

July 2016 naging pormal ang relasyon ng dalawa.


Hanggang ngayon, masaya pa rin sina Sam at Mari sa kanilang halos dalawang taong relasyon.

And right after... ????

A photo posted by Sam Milby (@samuelmilby) on

Read: Sam Milby professes love for non-showbiz girlfriend:"Mahal na mahal."

Hindi masyadong makuwento sina Sam at Jasmine sa kanilang pagmamahalan pero para sa binata, nakita na niya ang kanyang forever.

Sunset at @harbourcity ???? #LastNightInHK

A photo posted by Sam Milby (@samuelmilby) on


Read: Sam Milby sees forever in his newfound love life

4. AICELLE SANTOS - MARK ZAMBRANO. Magkaibang mundo man sila kung ituring ng GMA news reporter na si Mark Zambrano, hindi siya nag-atubiling magpakilala sa singer na si Aicelle Santos sa pamamagitan ng Instagram.

Matagal na raw kasi niyang crush ang tinatawag na "Traffic Diva ng Eat Bulaga."

Pero nitong late 2015 lamang sila nagkaroon ng pagkakataong magkakilala nang personal.


Suma total, apat na taon daw ang hinintay niya upang makilala si Aicelle.

Kuwento niya, “Noong La Diva days pa lang, crush ko na po siya."

Ang La Diva ang grupo ni Aicelle noon kasama sina Jonalyn Viray (kilala bilang Jona na ngayon) at Maricris Garcia, na isa sa regular acts ng now-defunct Sunday noontime show na S.O.P.

“E, since nandoon pa sila, wala kaming chance na mag-meet. Magkaibang mundo.

“Si Aicelle nasa entertainment, ako naman nasa news. We never met before.

“So, recently lang ulit nung napanood ko siya sa Eat Bulaga, sabi ko lalong gumanda.

“Tapos naglakas-loob lang ako, kasi wala akong means to contact her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I followed her sa Instagram. So, doon ako nag-message.”

Read: Mark Zambrano reveals Aicelle Santos has been his crush since La Diva days


May 2016 ang una nilang monthsary at hanggang ngayon ay lalong tumibay ang kanilang pag-iibigan.

Read: GMA News reporter Mark Zambrano waited four years for girlfriend Aicelle Santos


Sa ngayon pinag-uusapan na daw nila ang pagpapakasal.

Missing this one...

A photo posted by Mark Zambrano (@markzambrano) on

Read: Aicelle Santos admits wedding talks with reporter BF

Kulang pa ba ang effort mo? Bukod kasi sa tatlong sikat na social media platforms na nabanggit, marami pang iba na puwede mong sandalan makuha lang ang inaasam-asam na pag-ibig na 'yan.

Heto pa mga kumars: may Grindr, Viber, WeChat, LinkedIn, Pinterest, Snapchat, at kung anu-ano pang bagong applications na pang-social media na maari mong i-download.

Go, swipe left-swipe right na, mga bes, at i-like na ang profile ng taong nagpapakilig sa iyong puso na nangungulila.

Pusuan mo na. Magpusuan tayo.

Kung hindi mo man ma-achieve ang pinakamimithing pag-ibig ngayong Araw ng mga Puso, baka naman sa susunod na Valentine’s Day, ikaw na ang laman ng aming kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN