PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marcos-Duterte tandem endorses 10 senatorial bets

Five of them are among the Top 12 in Pulse Asia survey.
by Rachelle Siazon
Published Jan 21, 2022
Ferdinand Marcos and Sara Duterte-Carpio senatorial bets
Pasok sa senatorial slate nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sina (top row L-R) Rodante Marcoleta, Larry Gadon, Migz Zubiri, Mark Villar, at Loren Legarda. Kasama rin sina (bottom row L-R) Harry Roque, Jinggoy Estrada, Gilbert Teodoro, Sherwin Gatchalian, at Herbert Bautista.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal for PEP.ph (Herbert Bautista)

"Nakita niyo puro magagaling, mahahaba ang karanasan sa serbisyo publiko."

Ito ang pahayag ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa napili nila ni vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio na sampung senatorial bets para sa 2022 elections.

Noong Huwebes, Enero 20, 2022 ito inanunsiyo nina Marcos Jr. at Duterte-Carpio sa ilalim ng kanilang UniTeam.

SAGIP REPRESENTATIVE RODANTE MARCOLETA (PDP-LABAN)

Nangungunang pambato ni Marcos Jr. para sa pagkasenador si Sagip Representative Rodante Marcoleta.

Base ito sa pahayag ng spokesperson ni Marcos Jr. na si Vic Rodriguez.

Si Marcoleta ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo, isang kongregasyon na tuwing eleksyon ay nagsasagsawa ng bloc voting para sa kandidatong mapusuan ng kanilang liderato.

Si Marcoleta ay kongresista mula noong 2013. Kilala siya sa pagbigay ng kakarampot na P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) noong 2017.

Isa rin siya sa mga kongresistang nanguna sa pagdiin ng mga diumano'y violations ng ABS-CBN, na nauwi sa pagboto ng 70 kongresista para ibasura ang franchise-renewal application ng network noong 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Story: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

LORENZO "LARRY" GADON

Si Atty. Lorenzo "Larry" Gadon ay kilalang Marcos loyalist.

Sa official statement ng Uni Team, nakasaad na ilang taon na siyang tumutulong sa pamilya Marcos. Napili siya para sa senate slate dahil aabot na raw siya sa survey ng Top 12 senatorial bets. Bagama't sa Pulse Asia December 2021 survey, ang ranggo ni Marcoleta ay No. 24-29.

Si Gadon ang abogadong sinuspinde ng Supreme Court ang lisensiya nitong January 4, 2022. Pending pa ang resolusyon kung tuluyan siyang ma-didisbar dahil sa kinahaharap na formal administrative complaint.

Kaugnay ito sa insidente ng pagmumura ni Gadon sa journalist-author na si Raissa Robles, na ipinost mismo ni Gadon bilang video, na nag-viral sa social media. Ikinagalit ni Gadon ang ulat ni Robles kunsaan binansagan si Marcos Jr. na tax evader.

Ayon sa Korte Suprema, makailang beses nang nasangkot sa kontrobersiya si Gadon, partikular na dahil sa paggamit nito ng "vulgar" language, kaya inaksiyunan nito ang reklamo ng publiko sa abogado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon ni Gadon ang desisyon ng korte dahil di raw iyon dumaan sa due process.

HARRY ROQUE (PEOPLE’S REFORM PARTY)

Si Harry Roque ay abogado na nagsilbing representative ng Kabayan partylist noong 2016 to 2017.

Noong panahong iyon ay nagsumite siya ng panukala para mabayaran ang mga biktima ng "Violations of International Human Rights and Humanitarian Law" sa ilalim ng martial law ni Pangulong Ferdinand Marcos, ang ama ni Marcos Junior.

Nabatikos si Roque sa pagsuporta niya kay Marcos Jr. ngayong 2022 elections gayo't tinuligsa niya ang martial-law atrocities noon. Hindi ina-acknowledge ni Marcos Jr. ang mga atrocities ng gobyerno ng kanyang ama.

Si Roque ay kilalang solid supporter at dating presidential spokesperson ni President Rodrigo Duterte.

Tinangka niyang kumandidato sa pagkasenador noong 2019, pero inatras niya ang kandidatura noon.

Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri (Independent)

Naniniwala ang Uni Team na malakas ang hatak sa Mindanao ni reelectionist Senator Juan Miguel "Migz" Zubiri, na ang hometown ng pamilya ay sa Bukidnon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin si Zubiri sa senatorial slate ng tatlo pang presidential candidates—sina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson, at Senator Manny Pacquiao.

Siya ay nagsilbing kongresista sa Bukidnon mula 1998 hanggang 2007. Naging senador siya mula 2007 hanggang 2011 at 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Former dpwh secretary Mark Villar (Nacionalista Party)

Si Mark Villar, na nagsilbing Secretary of Department of Public Works and Highways (DPWH), ay mula sa angkan ng maimpluwensiyang pamilya Villar.

Ang ama niyang si dating Senator Manny Villar ay binansagang richest Filipino sa Forbes World's Billionaires List nitong 2021.

Ang negosyo ng pamilya Villar ay development ng subdivisions, condominiums, malls, convenience stores, at coffee chains.

Ang ina niyang si Cynthia Villar ay incumbent senator.

rep. Loren Legarda (Nationalist People’s Coalition)

Si Antique Representative Loren Legarda ay nais magbalik-Senado.

Siya ay dating ABS-CBN News broadcaster na naging senador mula 1998 hanggang 2004 at 2007 hanggang 2019.

HOT STORIES

Former senator Jinggoy Estrada (Pwersa ng Masang Pilipino)

Si dating Senator Jinggoy Estrada ay muling susubok kumandidato sa pagkasenador matapos mabigo noong 2019 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pang December 1, 2022 unang naiulat ang pakikipagsanib-puwersa niya sa senate slate nina Marcos Jr. at Duterte-Carpio.

Si Estrada ay nanungkulang senador mula 2004 hanggang 2016, kunsaan ang huling dalawang taon ay tinapos niya habang nakaditena sa Camp Crame dahil sa kasong plunder.

Nakapag-bail si Estrada noong 2017, pero hanggang ngayon ay wala pang resolusyon ang kaso.

ex-defense sec. Gilbert Teodoro (People’s Reform Party)

Si Gilbert "Gibo" Teodoro ay nanungkulan bilang defense secretary sa administrasyon ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Nabigo siya nang kumandidato sa pagkapresidente noong 2010 elections, kunsaan ang nagwagi ay ang yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III.

Si Teodoro ay representative ng Tarlac First District mula 1998 hanggang 2007.

Bago kumandidatong senador ngayong 2022 elections, nais sana ni Teodoro na tumakbong running mate ni Sara Duterte-Carpio kung tumuloy ang huli bilang presidential candidate sa 2022 elections.

SENATOR SHERWIN GATCHALIAN

Tulad ni Teodoro, si Senator Sherwin Gatchalian ay nag-offer na makatambal si Sara Duterte-Carpio sa 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gatchalian ay unang nahalal bilang senador noong 2016.

Representative siya ng Valenzuela City mula 2001 hanggang 2004, at 2013 hanggang 2016.

Nanungkulan din siyang alkalde ng Valenzuela City mula 2004 hanggang 2013.

ex-Qc mayor Herbert Bautista (Nationalist People’s Coalition)

Unang beses kumakandidato si Herbert Bautista para sa isang national post ngayong 2022 elections.

Siya ay nagsilbing alkalde ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010, at bise alkalde mula 2001 hanggang 2010.

Kabilang din si Bautista sa senatorial slate ni presidential candidate at Senator Panfilo Lacson.

Sa Pulse Asia survey, as of December 2021, ang senatorial bets ng tambalang Marcos Jr. at Duterte-Carpio na pasok sa Top 12 ay sina Loren Legarda, Mark Villar, Migz Zubiri, Sherwin Gatchalian, at Jinggoy Estrada.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasok sa senatorial slate nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sina (top row L-R) Rodante Marcoleta, Larry Gadon, Migz Zubiri, Mark Villar, at Loren Legarda. Kasama rin sina (bottom row L-R) Harry Roque, Jinggoy Estrada, Gilbert Teodoro, Sherwin Gatchalian, at Herbert Bautista.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal for PEP.ph (Herbert Bautista)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results