Patuloy pa ring sumasagot si Pokwang sa netizens na may obserbasyon sa pahayag ng ex-partner nitong si Lee O’Brian.
Sa artcard na ibinahagi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa official Instagram page nitong @pepalerts noong nakaraang linggo, mababasa rito ang pahayag ni Lee tungkol sa hiwalayan nila ni Pokwang na lumabas sa ulat ng PEP Troika.
Sabi ng American actor: “All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.
“And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world.
“And that’s my story. That’s all I can say.”
Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang
View this post on Instagram
Sa comments section, nagbiro si Pokwang ng ganito: “tama kana accla!!!”

Sinabihan ng isang netizen si Pokwang na tumigil na rin.
Ngunit mura ang inabot ng netizen mula kay Pokwang: “lalo kana ulol!”

Nagkomento ang isa pang netizen na napapansin daw niyang disente si Lee hindi katulad ni Pokwang.
Sabi nito (published as is), “I don’t know Lee personally but he is such a descent man the way he speaks. Not like his ex common law wife.”
Sabi naman ni Pokwang, Pilipina siya at ipaglalaban niya ang karapatan ng anak nilang si Malia O’Brian.
Hindi rin daw siya papayag abusuhin sa sarili niyang bansa.
Buong sagot ng komedyana, “pilipina ako at patuloy akong lalaban para sa anak ko at di ako papayag na abusuhin ako sa sarili kong bansa, ikaw payag ka?”

“USER NGA KASI”
Muli ring inulit ni Pokwang ang kanyang bansag kay Lee na “user” o "manggagamit."
Mensahe ng isang netizen na nakakaintindi kay Pokwang (published as is), “I support you Pokwang, ang ganda ng sinabi ni lee pero nakikita ko na ndi sya totoo...you are fed up..its enough..tagal mo nagtiis,tagal mo nagparaya..ako..ndi ako tatagal kung ganyan ang situation ko...
“pipilitin ko sa umpisa na magsacrifice para baka kung sakali magbago o magkaroon ng pagmamahal,pero hanga ako sayo dahil nakatagal ka...grabe...so u r fed up..
“enough is enough lee...shut up ka na lee..@itspokwang27 pagpatuloy mo ang laban...actualy i watched all your interviews...it hurts so very much...we love you and we will support you no matter what..wag mo lang pababayaan ang anak...heheheh..syempre..”
Ayon kay Pokwang, may ipalalabas kasing pelikula si Lee kaya may pagbati ito sa followers niya.
Tugon niya, “may movie kasi kaya bihlang may pa greet, check mo mga posts nya dati wala naman pagbati hahahhaha USER NGA KASI! tapos sasabihin ng nga tanga wow gentleman????? Haaa??? saan banda?”

Obserbasyon naman ng isa, makikita raw talaga kung sino ang “bigger person between the two.”
Komento ng netizen, “the way they provide answers publicly.. u will definitely see the difference and who is the bigger person between the two.. hope the other person try to move on and not become too bitter.. para sa anak ninyo rin yan”
Sagot ni Pokwang (published as is, “hindi kasi akonplastic yun yon at di ako manggagamit! narcissistic ang mga pa victim gaya nya hahhaaha”

Tinawag namang “biter-bitteran” ng isa pang netizen si Pokwang.
Saad niya, “Parang bitter bitteran naman si mamang awwww, lablab po awwww”
Buwelta ni Pokwang, “kung may anak kang babae magdasal ka wag maging bitter din kagaya ko at wag masaktan kagaya ko hahahhaha saka mo sabihin yan ulit kapag nangyari sa mga mahal mo. so instead magdasal ka at magpasalamat di nangyare sa is nyo ito, pero ang kapalaran umiikot huh!”

POKWANG AND LEE BREAKUP
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.
Ito'y matapos niyang i-post sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
Noong April 29, may bago muling parunggit si Pokwang kay Lee.
Read: Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”
At noong nakaraang May 8 lamang, tinawag naman ni Pokwang na mga “animal” ang mga walang magawa sa buhay na nakabantay sa bawat post niya sa Instagram.
Read: Pokwang calls naysayers of her posts “mga animal nayan”
Noong nakaraang linggo, muling tinawag na user ni Pokwang si Lee matapos itong maglabas ng kanyang pahayag ukol sa kanilang hiwalayan.
Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang
Ayon sa Kapuso host, "The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”
At noong nakaraang May 15 lamang, nabaling naman ang atensiyon ni Pokwang sa mga magulang ni Lee na sina Bill at Marilyn O’Brian.
Sinasabi raw umano ng mga itong mahal nila ang kanilang apo ngunit hindi man lang daw nakaalalang magpadala maski lampin at bigkis kay Malia.
Read: Pokwang takes a swipe at Lee O'Brian's parents for not sending "package" to Malia
