Sa ika-44 na taon ng Eat Bulaga!, bagong hanay ng hosts ang ipinakilala ng management ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE).
Ito ay kasunod ng biglaang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon sa TAPE noong May 31, 2023.
Hindi nagkasundo ang kampo nina Tito, Vic, at Joey (TVJ) at ang bagong management ng TAPE, na pinamumunuan ng magkakapatid na Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos.
Tatlong araw na replay ang ipinalabas sa Eat Bulaga! timeslot sa GMA-7.
On June 5, 2023, nagbalik sa ere ang Eat Bulaga!, this time with a new set of hosts na pinangunahan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Alexa Miro.
Nadagdag din sina former Manila Mayor Isko Moreno at Kimpoy Feliciano.
These celebrities did not previously host the noontime show, kaya naging malaking sorpresa sa netizens when they appeared in the June 5 episode.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) gives an overview on the new hosts of Eat Bulaga!, as well as their past and present shows na tumatak sa alaala ng mga manonood.
EAT BULAGA! NEW HOSTS: A LINEUP
PAOLO CONTIS
Noong kabataan niya, inilunsad si Paolo bilang miyembro ng Star Circle (later known as Star Magic) Batch 3 noong 1996. Sumikat din siya sa kanyang pagganap sa youth-oriented teen drama na Tabing Ilog (1999).
Noong 2020, bumida si Paolo sa mga pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap at Through Night and Day na itinampok din sa Netflix Philippines. Nauna nang ipinalabas sa mga sinehan noong 2018 ang mga nasabing pelikula, ngunit hindi ito gaanong kumita sa takilya that time.
He also topbilled the 2021 film A Faraway Land kasama si Yen Santos.

READ: Paolo Contis, nag-react sa komentong “parang mall show lang” ang bagong bihis na Eat Bulaga!
ISKO MORENO
Unang sumalang sa Eat Bulaga! si Isko Moreno noong June 10, 2023.
Siya ang nanguna sa bagong segment na "G Sa Gedli," kunsaan namimigay siya ng papremyo sa mga masuwerteng participant na hihintuan ng roving van ng Eat Bulaga!

Isang kuwelang karanasan ni Isko sa sgement ay noong kasama niya ang co-host na si Buboy sa pamimigay ng premyo sa isang pedicab driver.
Tila di sinasadyang pinasalamatan ng pedicab driver sina Tito, Vic, at Joey, na mabilis namang nasalo ni Isko na "O, yun! Tito, Vic, and Joey, mga nakasama natin nung araw!"
Ang paghu-host ng Eat Bulaga! ay hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Isko matapos ang 24 taon na ang nakapokus siya sa pulitika.
Sa panayam ng PEP.ph, sinabi niya na pag-aartista ang prioridad niya ngayon at wala raw siyang balak tumakbo muli sa susunod na eleksyon.
BETONG SUMAYA
Naging dating production assistant ng GMA Network si Betong Sumaya bago siya naging komedyante at aktor.
Lumahok siya sa reality show ng GMA na Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown (2011), kung saan siya rin ang nagwagi pagkatapos ng season. Regularly rin siyang may appearances sa Bubble Gang (1995).
Bilang ang karakter niyang si Antonietta, lumabas na rin siya sa iba't ibang shows, tulad ng Celebrity Bluff (2012), CelebriTV (2015), at Wowowin (2015).

BUBOY VILLAR
Unang nagkaroon ng TV appearance si Buboy Villar sa Little Big Star (2005) ng ABS-CBN. Naging kasapi rin siya ng isang boy band sa Pilipinas, ang Mak and the Dudes.
Ngunit ang tila naging break niya ay noong gumanap siya bilang pinakaunang human friend ng sirena sa Dyesebel (2008).
Lumabas din siya sa ilang pelikula tulad ng Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Shake, Rattle & Roll X (2008), Supahpapalicious (2008), Panday Kids (2010), at Ang Panday (2017).

Cassy Legaspi
Cassy Legaspi is not just an actress, but also an endorser and social media personality.
The daughter of celebrity couple Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, Cassy is determined to make a name for herself in her own right.
Together with her twin brother Mavy, nagsimula siyang makita sa mga commercials kasama ang kanilang mga magulang. Isa sa pinakamatagal nilang endorsement ay para sa isang sikat na ice cream brand.
Cassy showcased her talent sa pagsasayaw sa mga variety shows ng GMA-7 at ABS-CBN, hanggang sa naging isa siyang opisyal na Kapuso talent noong 2018.
One of the first projects ni Cassy under GMA was First Yaya (2021), kung saan nakasama niya sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Pancho Magno, at Joaquin Domagoso.
Naging bahagi rin si Cassy ng isang love team kasama si Joaquin noon ding 2021.

Mavy Legaspi
Growing up with celebrity parents, hindi maiiwasang maging subject ng public eye si Mavy kasama ng kanyang twin sister na si Cassy. Like his sister, sabay silang nagkaroon ng exposure sa camera in commercial shoots.
After that, pumasok sila bilang Kapuso talents noong 2018 after appearing in variety shows ng GMA and ABS-CBN.
Ang unang proyekto ni Mavy sa pag-arte ay I Left My Heart In Sorsogon (2021) kung saan siya ay kapareha ni Kyline Alcantara.
Bilang host, naging bahagi si Mavy ng weekend talk show na Sarap 'Di Ba? kasama ang kanyang ina at kapatid.

READ: Mavy Legaspi speaks up about hosting revamped 'Eat Bulaga!'
Alexa Miro
Bukod sa pagiging isa sa mga new hosts ng Eat Bulaga!, si Alexa Miro ay nakilala when rumors circulated in 2022 na boyfriend daw niya si Sandro Marcos, ang panganay na anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Maaalalang lumabas si Alexa sa isang episode ng Araw-Gabi, isa sa mga series under the ABS-CBN drama anthology Precious Hearts Romances Presents, noong 2018. This was topbilled by Barbie Imperial and JM de Guzman. Nakita rin natin siya bilang si Fiona sa pelikulang A Girl + A Guy na na-stream sa Netflix.
She rose to fame dahil sa kanyang pagganap ng main role sa isang Jollibee Valentines series titled Signs, which was released in 2018.

KIMPOY FELICIANO
Kabilang din sa co-hosts ng Eat Bulaga! ang content creator na si Kimpoy Feliciano.
Minsan na siyang nakapag-guest noon sa Eat Bulaga! pero ito ang unang pagkakataong siya ay naging host sa isang TV show.
Ilan sa mga programa kung saan nakapag-guest siya bilang aktor ay sa Inday Will Always Love You at TODA One I Love.

MORE STORIES ON #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
- TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit