PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes' Smell Disorder

Andrea: "Talaga ba, iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 21, 2023
Andrea Brillantes' viral old interview
Andrea Brillantes’s 2022 interview resurfaced on social media days after she revealed that her ex-boyfriend doesn't do laundry for a year.
PHOTO/S: Screengrab @Karen Davila YouTube

Usap-usapan ngayon sa social media ang lumang video interview ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

May koneksiyon ito sa naging pahayag ni Andrea sa vlog sa YouTube ni Vice Ganda noong Linggo ng gabi, July 16, 2023.

Read: Andrea Brillantes on ex-boyfriend: “Kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo”

Dito ay ibinahagi ni Andrea ang mga bagay na nakatulong sa kanyang pagmu-move on sa hiwalayan nila ng dating nobyong si Ricci Rivero.

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Ayon sa aktres, ang pag-iisip ng mga bagay na nakaka-turn off sa dati niyang karelasyon ang isa sa naging daan niya para tuluyang makalimot.

Sabi ni Andrea, “Minsan kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talagang isipin na 'Talaga ba, iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?'"

Read: Andrea Brillantes on girl she saw at Ricci Rivero’s place: “Hubad sa kwarto niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pahayag na ito, hinalungkat ng netizens ang interbyu ni Andrea sa YouTube vlog ng veteran broadcaster na si Karen Davila noong July 11, 2022.

Dito ay isiniwalat ni Andrea na mayroon siyang congenital anosmia, isang medical condition kung saan hindi siya makaamoy.

Read: Andrea Brillantes reveals struggle with anosmia or inability to smell

Pagbabahagi noon ni Andrea kay Karen, “Wala po akong pang-amoy at all.

"Wala po talaga, as in puwede po akong ututan sa mukha.

"Kasi inututan ako ni Daddy dati. Silang lahat, hinintay nila ang reaction ko. Doon ko na-realize, hala, may mali ba sa akin?"

Dagdag pa niya, "Kulang pa rin po ako ng five senses ko, as in kulang pa rin. Tsaka hindi ko pa rin na-experience yung world kung paano niyo siya na-experience.

"Ang meron lang ako, sensation, kapag yung rubbing alcohol yung parang lalamig.

"Yun lang, yung mga cooling-cooling. Pero amoy po, wala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy."

Read: Andrea Brillantes explains reason behind her viral baby talk: “Part siya ng childhood ko na nawala.”

NETIZENS REACT

Hindi napigilang balikan ng netizens ang naging pahayag noon ni Andrea at ikonekta ito sa naging rebelasyon niya ngayon.

Anila, ngayon lang sila naliwanagan kung bakit natagalan ni Andrea ang umano'y "kadugyutan" ng kanyang ex-boyfriend.

Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

Tweet ng isang netizen, “Kaya pala natiis ni Andrea yung baho ni Ricci kasi meron pala siyang anosmia (condition na hindi siya nakakaamoy)."

Saad pa ng isa (published as is), "Duuh kadugyutan, kaya pala di naaamoy yung ex khit isang taon na walang laundry hahaha. Make sense."

Read: What is Ricci Rivero’s reaction to Andrea Brillantes claiming that he cheated on her?

Hirit ng isa, "Kaya pala hindi naglalaba si ex mo kasi hindi mo naman pala maaamoy e, hahaha."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ng isang netizen, "Nasagot na yung tanong ko kung bakit nakatagal si Blythe ng 1 year without laundry."

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes

"Grabe ha literal na labasan ng dirty laundry," komento pa ng isa.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes’s 2022 interview resurfaced on social media days after she revealed that her ex-boyfriend doesn't do laundry for a year.
PHOTO/S: Screengrab @Karen Davila YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results