Umuwi na ng Siargao si Andi Eigenmann para doon tuluyang magluksa at mag-move on sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.
Pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso noong March 2, 2024. Siya ay 60.
March 10 naman nang ihatid ang kanyang cremated remains sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E. Rodriguez Sr. Avenue , Quezon City.
Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
Dahil sa pagpanaw ng beteranang aktres, lumuwas ng Maynila si Andi na matagal nang nakabase sa Siargao simula nang maging partner niya si Philmar Alipayo.
Read: Andi Eigenmann thanks fiancé Philmar Alipayo for being their family’s "support system"
Kuwento ng nakatatandang kapatid sa ama ni Andi na si Gabby Eigenmann, matapos ihatid sa huling hantungan ang mga abo ni Jaclyn ay lumipad na rin pa-Siargao si Andi kasama ang kanyang mga anak at kapatid na si Gwen Guck.
Dala-dala rin daw ng aktres ang ilang bahagi ng cremated remains ni Jaclyn para may alaala siya habang sila'y nasa Siargao.
Read: How Gabby Eigenmann helped sister Andi deal with Jaclyn Jose's sudden death
Saad ni Gabby, "Last time, may mga maliliit kasi silang ano [lalagyan]. I think Andi has brought some to Siargao, tapos si Gwen has one also.
"But siyempre, yung buong urn nasa columbarium na.
"Pero yun nga, meron silang maliliit na [lalagyan]. I think kumuha rin yung sister, si Gwen at saka si Andi."
Ang kapatid ni Jaclyn na tinutukoy ni Gabby ay ang dating aktres na si Veronica Jones.
Read: Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
Pagpapatuloy pa ni Gabby, "I don’t know if si Ellie has also… ah si Ellie pala may necklace, nasa pendant niya.
"Yun, siyempre just to remember her, parang palagi rin nilang kasama kahit saan sila magpunta."
"Pero yun nga, ang alam ko yung maliit [na lalagyan] dala ni Andi."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertaiment press si Gabby sa media conference ng My Guardian Alien, ang bagong seryeng pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion, na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, noong March 21, 2024.
Kahit na magkalayong muli, patuloy naman daw ang pangungumusta ni Gabby sa sitwasyon ni Andi at ng kanyang pamilya sa Siargao.
Paniniguro ng Kapuso actor, "Tsine-check ko naman sila lagi. Kasi nase-sepanx din ako.
"Kasi si Andi, first time in a long time… she stayed with me kasi in the first few days during the wake.
"Sa amin siya tumira. Tapos dumating na si Philmar kasama yung dalawa nilang kids… nahiya, e, nahiya sila to stay longer.
"Sabi ko naman, ‘No, no, no! The house is open for you, family naman tayo.'
"Pero siyempre, they wanna do things on their own, e. Umalis sila.
"Then eventually nag-check in sila sa hotel tapos inayos lang nila yung mga dapat ayusin, then bumalik na sila sa Siargao."
Andi and Gwen spending time together
Nakasisiguro rin naman daw si Gabby na mabuti ngayon ang kalagayan ni Andi dahil bukod sa kanyang partner na si Philmar at mga anak na sina Ellie, Lilo, at Koa, ay kasama rin nito ngayon ang kapatid niyang si Gwen sa Siargao.
Nagdesisyon daw kasi si Gwen na panandaliang manatili muna sa Pilipinas para makapiling si Andi at kanyang mga pamangkin.
Kuwento ni Gabby, "Alam ko happy naman sila ngayon.
"Now actually, nagba-bonding ni Gwen, because Gwen is in Siargao.
"I think, Gwen, he’ll stay there until the 24th [of March]. Tapos balik siya rito sa Manila then uuwi na siya sa Amerika.
"Okay naman sila. I’m sure they’re having the time of their lives, being together, kasi matagal din silang hindi nagkita.
"Though, they are talking naman, nag-uusap sila sa telepono, nagpe-Facetime naman sila, ngayon magkasama sila sa Siargao. So, happy naman ako.
"Alam ko rin naman na happy sila ngayon na magkasama."
Related Stories:
- Gabby Eigenmann recalls late-night calls from stepmom Jaclyn Jose
- Gabby Eigenmann, nag-aalala sa kinabukasan ng bunsong anak ni Jaclyn Jose na si Gwen Guck
- Michael de Mesa promises late Jaclyn Jose to look after Andi Eigenmann and family
- Rufa Mae Quinto remembers late Jaclyn Jose: “Todo na talaga ang good vibes with you…”
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- Jaclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Vice Ganda fondly recalls working with late Jaclyn Jose in two projects
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa isang telesine
- Julio Diaz, nagulat na "naunahan" pa siya ni Jaclyn Jose
- Kylie Verzosa on most memorable line she got from late Jaclyn Jose: "May future ka."
- Andi Eigenmann moved to tears by Coco Martin's eulogy for Jaclyn Jose
- Max Eigenmann recalls spending weekends with half-sister Andi, stepmom Jaclyn Jose
- Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa telesine version ng Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin
- Jomari Angeles, inalala ang glorious moment ni Jaclyn Jose sa Cannes
- Jake Ejercito tears up during heart-wrenching eulogy for Jaclyn Jose
- Tom Rodriguez fondly remembers Jaclyn Jose: "She was the mother to all of us."
- Gabby Eigenmann on what Andi Eigenmann said about Jaclyn Jose: "Uwi na tayo Nanay."
- Christopher de Leon laments Jaclyn Jose never got her rightfully deserved acclaim
- Jerald Napoles, kakaiba ang reaksyon nang totohanang masampal ni Jaclyn Jose
- Alden Richards recalls Jaclyn Jose was unimpressed by his acting when they first met
