Pagkabuhay ng rape case ni Vhong Navarro, usap-usapan sa showbiz events

by PEP Troika
Sep 23, 2022
vhong ali bong
Ali Sotto (center) and Senator Bong Revilla (right) weigh in on revival of Vhong Navarro's (left) rape case.
PHOTO/S: NBI / NET 25 / Jerry Olea

JERRY OLEA

Mainit na pinag-uusapan ang pagka-detain ni Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation dahil sa reklamong rape ni Deniece Cornejo.

Maging sina Ali Sotto at Pat-P Daza na hosts ng NET25 program na Ano sa Palagay Nyo? (ASPN) ay inurirat kung ano sa palagay nila ang magiging epekto ng isyu sa career ni Vhong.

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case

“Ako, naniniwala ako na in the end, justice will prevail,” sabi ni Ali sa mediacon ng mga programa ng NET25 noong Setyembre 21, Miyerkules, sa studio ng istasyon sa Central Avenue, Quezon City.

“So, ahhm, he will have his day in court. Ahhm, napakasuwerte po ni Vhong dahil napakarami pong sumusuporta sa kanya.

“And ahhmm… in the end, the good will prevail, e. Justice will prevail. At lalabas po ang katotohanan. Yun po ang aking buong paniniwala.

“We just have to trust our judicial system lalo po hindi pangkaraniwang tao si Vhong at siya po ay may kakayahan, napakagaling po ng abogado niya, si Atty. Alma Mallonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kung ano ang epekto sa career niya, maalpasan niya ito kung totoo na hindi naman siya guilty, at inosente siya. Maaalpasan niya ito.”

Hindi nakapagbigay si Pat-P ng kanyang palagay sa usaping ito dahil nawala ang Zoom niya nang mga sandaling iyon.

Napapanood ang ASPN tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 a.m. sa NET25. Nag-aalab lalo ang usaping Vhong-Deniece dahil sa social media posts ni Kat Alano.

Tweet ni Kat ngayong Hunyo 23, Biyernes ng umaga: “Woke up to so many wonderful DMs from people showing support, telling me to stay strong, telling me that other victims are getting empowered by this fight.

“I love you guys so much. I really needed those messages and I am so grateful for you.

“Thank you for making my day.”

Teka, ano kaya ang ibig ipahiwatig ng Facebook post ni Direk Chito S. Roño noong Setyembre 22, Huwebes? Sino ang kanyang pinatutungkulan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“A truly evil person has vengeance in his heart,” FB shout out ni Direk Chito na manager ni Vhong.

Related Stories:

GORGY RULA

Maging sa 56th birthday celebration ni Senator Bong Revilla noong Setyembre 22, Huwebes, sa Supersam restaurant sa Q.C. ay inusisa siya tungkol sa kasong rape ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Ani Senator Bong, “Kung totoo na ginawa ni Vhong Navarro yun, dapat na panagutan niya. Kung talagang ni-rape niya, kung ano yung in-accuse sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung wala siyang kasalanan, masakit yun. Dahil nangyari din sa akin yun.

“I just want to stay neutral. Pero sana, mapabilis nila yung paglabas ng decision ng korte. Ang tagal na niyan, e. Siyempre, may mga nag-a-accuse na sa kanya, sinasabi na rape yung ganun. Sana mapabilis, dahil no bail yan.

“Habang nililitis yung kaso, nandun ka sa loob ng kulungan. Kawawa naman,” dagdag ni Senator Bong.

Masakit daw talaga na kung wala kang kasalanan, na nakakulong ka na, hinuhusgahan ka pa ng mga tao.

“That’s very very painful na ma-accuse ka na hindi mo ginagawa. Ayokong mangyari din sa ibang tao yun, dahil sabi nga, bago ipakulong yung isang tao, dapat sigurado talaga na nagkasala. Hindi yung basta-basta na ma-accuse ka lang ng ibang may ambisyon.

“But in his case, iba naman ito, e, hindi naman ito pulitika, e. Personal yan, e. Kung ano man yan, sana mapabilis yung kaso,” sabi pa ng actor-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, worldwide ang "Alyas Pogi Birthday Giveaway" ni Senator Bong sa Linggo, live sa Facebook.

Kabilang sa ipamimigay ang kotse, motorsiklo, laptop, tablet, P100K, P50K, P25K, P10K, at iba pang mga papremyo!

NOEL FERRER

Oo nga, e, parang sa anumang sulok, yung kaso ni Vhong ang pinag-uusapan.

Mas mahalaga pa ba ito kaysa sa naging pagtanggap sa ating Pangulo sa United Nations? O sa pagbaba ng halaga ng piso versus ang dolyar? O sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education? O sa "Move On" aria ni Senator Imee Marcos na sinagot naman ni Chel Diokno ng dapat pagpapakumbaba ni Imee?

Aray ko! Iba na talaga ang tuon o focus ng mga Pinoy ngayon, ah!

In any case, happy birthday Senator Bong!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ali Sotto (center) and Senator Bong Revilla (right) weigh in on revival of Vhong Navarro's (left) rape case.
PHOTO/S: NBI / NET 25 / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results