PEP YEARENDER 2016: Lolita Rodriguez, Kuya Germs, Dick Israel, other stars we lost in 2016

IMAGE File Photos

Master Showman German Moreno, legendary actress Lolita Rodriguez, and character actor Dick Israel were among the showbiz personalities who passed away this year.


Sa kabila ng makinang na mundo ng showbiz, binalot ito ng panaka-nakang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng ilang mga kilalang personalidad sa industriya.

Narito ang huling pag-alala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga artistang minsang nagbigay sa atin ng aliw at tuwa.

GERMAN MORENO. Lubos ng ikinalungkot ng buong industriya ang pagpanaw ni “Master Showman” German Moreno dahil sa cardiac arrest noong January 8.

Isang taon bago ito, nakaranas ng mild stroke si Kuya Germs.

Namatay ang itinuturing na isa sa mga haligi ng showbiz sa edad na 82.


URO DELA CRUZ. Namatay rin ang kilalang direktor na si Uro dela Cruz sa unang bahagi ng taon.

Mapayapa siyang pumanaw habang natutulog noong February 4.

Si Uro ang screenwriter ng mga klasikong pelikula tulad ng Scorpio Nights, Virgin People, at Unfaithful Wife.

Siya rin ang direktor ng longest-running gag show na Bubble Gang.


WENN DERAMAS. Nabigla ang industriya sa biglaang pagkamatay ng box-office director na si Wenn Deramas noong February 28.

Ilang oras lamang ang pagitan ng pagkamatay nila ng kanyang kapatid, na isinugod sa ospital dahil sa atake sa puso.

Ayon sa balita, inatake si Direk Wenn nang papunta siya sa ospital para alamin ang kalagayan ng kapatid.

Si Direk Wenn ay kilalang direktor ng mga patok na pelikula tulad ng serial films na Ang Tanging Ina at Praybeyt Benjamin; ang pinakahuling ay ang Beauty and the Bestie.


FRANCIS PASION. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang mamatay si Direk Wenn, sumunod naman On the Wings of Love director na si Francis Pasion.

Natagpuan siyang walang buhay sa kanyang bahay noong March 6, at ang nakitang dahilan ay heart attack.

Dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga personalidad sa industriya sanhi ng atake sa puso, nabahala ang mga tao sa industriya sa working condition sa showbiz.

Read: Quark Henares blames "horrible working hours" as cause of death of directors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MAX LAUREL. Cardiac arrest ang dahilan ng pagkamatay ng dating aktor na si Max Laurel noong June 11.

Si Max ang orihinal na gumanap sa sikat na komiks character na Zuma sa mga pelikulang Zuma (1985) at Anak Ni Zuma (1987).

Siya ay pumanaw sa edad na 71.


JONAS SEBASTIAN. Pumanaw rin ang dating aktor at screenwriter na si Jonas Sebastian ngayong taon.

Si Jonas ay gumanap bilang talent coordinator sa cult hit movie na Temptation Island (1980) ni Joey Gosiengfiao.

Siya rin ang nagsulat ng script ng mga pelikulang Underage (1980), Where Love Has Gone (1984), Virginia P. (1989), at Nights of Serafina (1996).


SNAFFU RIGOR. Ikinalungkot ng mga taga-music industry ang pagpanaw ng veteran composer-producer na si Roberto “Snaffu” Rigor noong August 4.

Namatay ang 69-year-old composer ng “Bulag, Pipi at Bingi” sa sakit na lung cancer.

Si Snaffu rin ang composer ng OPM classics na “Mr. Dreamboy” at “Larawang Kupas.”


LILIA CUNTAPAY. Binawian naman ng buhay ang tinaguriang “Horror Queen” ng Pelikulang Pilipino na si Lilia Cuntapay noong August 20.

Bago ito ay nabalitang naospital siya dahil sa problema niya sa spinal cord.

Nakilala si Lilia sa madalas na pagganap niya bilang multo sa horror films.

Nakamit niya ang kanyang kauna-unahang acting award para sa Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, na bahagi ng Cinema One Originals Digital Film Festival noong 2013.


JOY VIADO. Biglaan din ang pagpanaw ng komedyanang si Joy Viado noong September 10.

Alam ng mga kakilala sa showbiz at publiko na may sakit na diabetes si Joy, ngunit di inaasahan ang pagkamatay ng 57-year-old comedienne dahil sa heart attack.

Noong nakaraang taon ay muntik pang maputulan ng paa si Joy dahil sa kumplikasyong dulot ng diabetes.

Bukod sa pagiging comedy actress, isa ring mahusay na singer si Joy.


DICK ISRAEL. Pumanaw noong October 11 ang character actor na si Dick Israel, makalipas ang ilang buwan mula nang maisapubliko ang kanyang kalagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong July, sa pamamagitan ng Facebook, naiparating ng isang netizen sa publiko ang sinapit ng dating aktor matapos ma-stroke noong 2010.

Kasunod nito ay ang pagbabayanihan ng mga taga-showbiz para matulungan si Dick na makaahon muli.


DINAH DOMINGUEZ. Katulad ng ibang taga-showbiz na sumakabilang-buhay ngayong taon, heart attack din ang naging sanhi ng pagpanaw ng dating actress-singer na si Dinah Dominguez.

Ang tinaguriang “Piranha Queen” o “Disco Punk Queen” noong '80s ay pumanaw noong October 14.

Si Dinah ang ina ng singer-actress na si Champagne Morales.

Siya ay nagsimula sa showbiz noong late '70s, at karamihan ng mga pelikulang nilabasan niya ay action films.


BLAKDYAK. Marami ang nagulat sa balitang pagkamatay ng singer-comedian na si Blakdyak noong November 21.

Si Blakdyak, o Joey Formaran sa totoong buhay, ay natagpuang wala nang buhay at nakabalot ng plastic ang ulo sa inuupahan niyang tirahan sa Sampaloc, Manila.

Bagamat dating gumagamit ng ilegal na droga si Blakdyak, hindi naman nakitaan ng mga imbestigador ng foul play ang pagkamatay ng “Good Boy” singer.


LOLITA RODRIGUEZ. Pumanaw ang legendary actress na si Lolita Rodriguez noong November 28, dalawang buwan matapos siyang ma-stroke.

Binawian ng buhay si Lolita sa edad na 81 sa Hemet, California, kung saan siya tumira pagkatapos magretiro sa showbiz.

Kabilang sa mga di malilimutang pelikula na nakapagbigay ng acting awards kay Lolita  ay ang mga sumusunod: Gilda (1956, FAMAS Awards), Kasalanan Kaya? (1968, Manila Film Festival), Stardoom (1971, Citizen Council for Mass Media Awards), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1971, FAMAS Awards), at Ina Ka Ng Anak Mo (1979, Metro Manila Film Festival).


BEBONG OSORIO. Pumanaw sa edad na 74 ang actor-director na si Ricardo “Bebong” Osorio noong December 4.

Hindi tinukoy ng kanyang anak na si Curtney ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang ama.

Si Bebong ay nakilalang direktor ng action stars na sina Rudy Fernandez at Robin Padilla, na parehong pinsan niya. Gayundun sina Ramon “Bong” Revilla, Jr., Jinggoy Estrada, Edu Manzano, Lito Lapid, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging board member din siya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN