Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital

by PEP Troika
May 25, 2022
susan roces sheryl cruz
Sheryl Cruz on aunt Susan Roces's passing: “We were praying for miracles, but I guess she was blessed already with 80 years of long life, and happiness and fulfillment. Siyempre, kung tatawagin na siya ng Diyos at panahon na niya at oras na niya, siyempre ibinibigay na namin siya sa Poong Maykapal. Siya ang higit na nakakaalam ng bawat oras natin."
PHOTO/S: File

GORGY RULA

Nagpasalamat si Sheryl Cruz na nakasama niya ang kanyang tiya na si Susan Roces bago ito pumanaw noong May 20, 2022.

Read: Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces

Inilahad ng aktres ang mga huling sandali ng kanyang Mama Inday sa hospital, nang nakapanayam siya sa DZRH sa tulong ng reporter na si Noche Cacas na nasa burol sa Heritage Memorial Park nung Martes, Mayo 24, 2022.

Ani Sheryl, “I don’t know… it’s not a premonition or anything, parang nag-aalala ka at gusto mong i-check lagi, di ba?

“Nagpapadala naman ako sa kanya nang madalas ng pagkain, even though may COVID tayo rito for the past two years, talagang sinikap ko naman yung communication.

"Kaso nga lang, at her age, talagang mahirap nang lumabas dahil nga mabilis silang kapitan ng sakit.”

Nung nakaraang linggo raw ay tinawagan siya ng kanyang pinsan para sabihang mas mabuting pumunta na siya ng hospital.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Sheryl, “Nung dinala siya sa hospital, nang sinabi sa akin ng pinsan kong si Joseph, minabuti ko na pumunta na doon, para at least man lang makatulong ako sa pinsan ko kung ano man yung kailangang gawin or kailangan pang ibang asikasuhin, dahil ilan lang naman kami.

“Naabutan ko pa naman siya after siya dalhin sa private room from the ICU hanggang sa nakapag-say na kami ng goodbyes namin.

"Pati yung anak ko na nasa Amerika, naka-messenger sa video. Kasi, graduating e, sa San Francisco. Sa San Francisco State University yung daughter ko," pagtukoy ni Sheryl sa kanyang anak na si Ashley Bustos.

“Although malapit siya sa lola niya, mas mabuti na ano kasi nasa pandemya pa tayo… yung focus niya, nandun pa.

“Hinintay niya yung dalawang pamangkin ko, si Alexandra, yung panganay. 'Tapos yung bunso, si Sofia, e, may exam kasi sa school. Pinatapos muna yung exam bago pumunta dun sa hospital to say their goodbyes.

Continue reading below ↓

“'Tapos, after mag-last rite kami, binigyan siya ni Father Mon ng last rite niya, at nakapagpaalam na yung pamangkin ko, nag-expire na siya.”

JERRY OLEA

Patuloy pa ni Sheryl, “We were praying for miracles, but I guess she was blessed already with 80 years of long life, and happiness and fulfillment.

“Siyempre, kung tatawagin na siya ng Diyos at panahon na niya at oras na niya, siyempre ibinibigay na namin siya sa Poong Maykapal. Siya ang higit na nakakaalam ng bawat oras natin.

“Kung ang pag-uusapan natin yung mortality natin… We are so grateful for Him sharing our auntie with us dahil napakabuti niyang tao, at kakaiba siya maging magulang, pangawalang magulang sa aming magpipinsan.

“Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa ng Uncle Ronnie [Fernando Poe Jr.] ko, dahil sa kanila naging malapit kami ng pinsan ko habang lumalaki.

"Lalo na kung ang mga magulang namin nandun sa Amerika, usually ang ending, ang Auntie Susan ko at Uncle Ronnie ko ang nag-aalaga, at nagpapasalamat kami doon, dahil parang nagkaroon kami ng kapatid through cousins, through our aunt.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Inilahad ni Sheryl na pumanaw na rin ang bunsong kapatid ni Susan nung nakaraang taon na mahigpit pa raw ang lahat dahil sa pag-surge ng COVID 19.

Dahil sa pagpanaw ng kanyang Mama Inday, bale ang tatlong babaeng magkakapatid na lang daw ang naiwan.

“Nauna na ring pumanaw ang bunsong kapatid nila na si Uncle Joey, kasagsagan ng COVID nun.

“Puro babae na lang sila natitira. Ngayong wala na si Mama Inday, tatlo na lang silang ‘Maria’ na natitira.

“Si Auntie Teresing na nandito kanina. I think she’s still inside with her three children. Dalawang sons niya nandito sa Philippines, nandun sa Virginia yung daughter niya, si Manang Sheila.

“And then, ang panganay nilang kapatid na si Mama B, nandun din sa Amerika malapit sa mama ko.

“Kaso nga lang, ang maganda naman dun, ang mga anak nung eldest nila, isa sa… actually, hindi lang isa kundi dalawang doktor sa pamilya namin ang nag-asikaso sa kanya habang nandun sa ICU.”

Continue reading below ↓

Ang ina ni Sheryl ay ang dating aktres na si Rosemarie Sonora, na hindi makakauwi para sa burol at libing ng pumanaw na kapatid.

Bukas, May 26, nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang mga labi ni Susan Roces.

Related Stories

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz on aunt Susan Roces's passing: “We were praying for miracles, but I guess she was blessed already with 80 years of long life, and happiness and fulfillment. Siyempre, kung tatawagin na siya ng Diyos at panahon na niya at oras na niya, siyempre ibinibigay na namin siya sa Poong Maykapal. Siya ang higit na nakakaalam ng bawat oras natin."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results