Sina Vilma Santos, Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, at Ai-Ai delas Alas ang ilan sa mahuhusay na aktres at itinuturing ding mga reyna ng pelikulang Pilipino ng kanilang henerasyon ang nagbigay-pugay kay Susan Roces.
Pumanaw ang Queen of Philippine Movies kahapon, May 20, 2022, sa edad na 80.
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
“Rest in peace Ate Susan. Maraming Salamat. We will miss you. We love you,” mensahe ng pamamaalam ni Vilma kay Susan.
Sina Vilma at Susan ang dalawa sa Outstanding Filipinos at living legends sa Philippine showbiz na binigyan ng pambihirang parangal ng Philippine Postal Corporation noong February 2022 sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga imahe sa commemorative stamps.
Read: Nora Aunor, Vilma Santos, 8 iba pa tampok sa mga bagong selyo ng Philippine Post Office
“Mama Susan, mahal na mahal kita,” ang nagdadalamhating pahayag ni Maricel.
Nagkasama sina Susan at Marciel sa blockbuster films ng Regal Films na Anak ni Waray vs Anak ni Biday (1984) at Inday, Inday sa Balitaw (1986).
Mensahe naman ni Lorna: “I will hold you in my heart. We will miss you. Maraming salamat sa pagmamahal Tita Susan. Our love and prayers.”
Unang nakatrabaho ni Lorna si Susan noong child actress pa siya sa pelikulang Divina Gracia (1970). Co-stars din sila sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.
Sinariwa naman ni Judy Ann ang mga magandang alaala niya kasama ang pumanaw na beterang aktres.
Sabi ni Judy Ann, "Nakakalungkot… pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag iisang reyna ng pelikulang pilipino..
"your generosity, your genuine love and words of wisdom.. yung pag spoil mo sakin sa taping ng probinsyano, yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo.. yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay.. at higit sa lahat.. yung tunay na pagmamahal at pakikipag kapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan..
"lahat ng itinuro mo sakin.. sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang asa industriya natin.. rest in peace tita susan.."
Bukod sa Ang Probinsyano, nagkasama rin sina Judy Ann at Susan sa pelikulang Mano Po: My Home (2003).
Hindi nabigyan ng pagkakataon ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na makasama si Susan sa isang proyekto, pero hindi niya malilimutan ang kabutihan sa kanya ng veteran actress sa tuwing nagkikita sila sa mga showbiz event.
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces