Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces

by Jojo Gabinete
May 21, 2022
Lovi Poe, Susan Roces
Noon pa man ay maayos at magalang si Lovi Poe sa asawa ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces. Nagparating siya ng pakikiramay sa mga naulila ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: Courtesy of Lovi Poe / @lovipoe Instagram

Isa si Lovi Poe sa mga nagluluksa sa pagpanaw ni Susan Roces at ipinahayag niya ang saloobin sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong umaga ng Sabado, May 21, 2022.

“I write this post with a heavy heart. We’ve truly lost a gem and one of the beloved pillars in the industry. My love and prayers to Ate Grace and the whole family,” ang pakikiramay ni Lovi sa kanyang half-sister na si Senator Grace Poe at sa mga naulilang pamilya ng Queen of Philippine Movies.

View this post on Instagram

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Ang anak ni Senator Poe na si Brian Poe Llamanzares ang nagpasalamat sa mensahe ng pakikiramay na ipinaabot ni Lovi sa kanilang pamilya.

“Thank you. I’m sure Mama Susan would’ve appreciated your kind words,” ang komento ni Brian.

Lovi Poe, Rowena Moran

Continue reading below ↓

Si Lovi ang anak ni Fernando Poe, Jr. sa former actress na si Rowena Moran at maganda ang relasyon niya sa mag-inang Susan at Senator Grace.

Lovi Poe, Susan Roces, Grace Poe-Llamanzares

Ang former Startalk host na si Butch Francisco ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kagandahang-asal na ipinamalas noon ni Lovi nang malaman nito na nasa kabilang studio ang asawa ng kanyang namayapang ama.

Continue reading below ↓

“Pinuntahan ni Lovi si Susan para personal na mag-bigay pugay. Ganoon siya kabuting bata.

“Noon ini-introduce pa lang si Lovi, mahal ko agad yan kasi ang bait-bait niya. Hindi ko siya nakalimutan.

“Ang galang-galang. So yung bagay na ginawa niya kay Manang Inday [Susan], nung pinuntahan niya si Manang Inday, na-touch ako. Ang gandang asal ang ipinakita ni Lovi,” salaysay ni Butch.

Related Stories

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noon pa man ay maayos at magalang si Lovi Poe sa asawa ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces. Nagparating siya ng pakikiramay sa mga naulila ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: Courtesy of Lovi Poe / @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results