Hindi madali para kay Coco Martin na tanggapin ang pagpanaw ni Susan Roces noong May 20, 2022 dahil labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Eddia Garcia noong June 20, 2019.
Sina Susan at Eddie ang dalawa sa mga institusyon at haligi ng Philippine entertainment industry na naging bahagi ng FPJ's Ang Probinsyano, ang longest –running drama-action series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco.
Sa kanyang eulogy para sa Queen of Philippine Movies noong Linggo, May 22, binalikan ni Coco ang maliligayang araw na magkasama sila ni Lola Flora, pangalan ng karakter ni Susan, sa Ang Probinsyano.
Read: Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
“Ang akala ko, ang isa sa pinakamasakit na mararanasan ko sa industriyang ito, nung namatay si Tito Eddie.
“Para kaming napilayan kasi nga lolo namin yun, e, na parang hindi namin akalain na habang ongoing pa rin yung Probinsyano, kahit hindi namin siya kasama ng mga oras na yun, ang sakit para sa amin, kasi sobra namin siyang inalagaan.
“Sobra naming bina-value yung na-contribute niya sa industriya.
“And then ngayon, hindi ko akalain na ang isa sa mga pinakaespesyal at malapit na malapit sa buhay ko, lagpas sa trabahong ito, ay mangyayari yung bagay na ito.”
Read: Legendary actor Eddie Garcia dies at 90
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
COCO REMEMBERS HIS TITA SUSAN
Inilahad ni Coco na hindi basta kasamahan sa trabaho ang trato niya kay Susan, kasunod ang pag-amin na may pagkakataong nagtatampo sa kanya ang veteran actress dahil baka yumayabang na siya.
“Si Tita Susan, hindi ko siya katrabaho. Hindi katrabaho lang ang tingin ko sa kanya.
“Malalim yung pagtingin at pagmamahalan at respeto namin sa bawat isa.
“Paminsan-minsan, alam ko na nagtatampo siya sa akin nang hindi ko alam ang dahilan. Pero ang iniisip ko na lang, siguro baka may nagawa akong mali.
“Baka yumayabang ako o baka hindi ko na siya napupuntahan sa tent niya para kumustahin, bisitahin. Hindi ko alam."
Patuloy ni Coco, "Isa lang ang masasabi ko, sobrang takot po ako sa kanya.
“Kasi po si Tita Susan, napaka-strong na tao, napakatapang. Alam naman po natin yung ginawa niya, di ba?
“Binangga kahit sino pa ‘yan. Ganun yun katapang. Walang sinasanto, basta alam niyang tama ang kanyang ipinaglalaban at totoo ang kanyang sinasabi.
"Kaya lahat po ng sinasabi niya, dinidibdib po namin.
“Para po sa amin na mga katrabaho niya at ako bilang apo niya sa industriya, sa lahat ng mga artista na kasama ko, directors, sa lahat ng crew, staff, yung words of wisdom na sinasabi po niya sa amin ay totoong tumatatak sa isip at sa puso po naming lahat.
“Napakapalad po namin na nakatrabaho po namin siya kasi alam niya lahat.”
Ang ABS-CBN primetime drama series na Walang Hanggan (January 2012 to October 2012) ang unang proyekto na pinagsamahan nina Coco at Susan.
Ayon sa 40-year old actor, nakaramdam siya ng takot nang magkaharap sila noon.
Lahad ni Coco, “Hindi namin po alam kung paano po siya haharapin kasi queen. Hindi po namin alam kung paanong approach ang gagawin namin.
“Ako po, nagtatago sa isang tabi. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala. Paano po ako lalapit sa kanya.
"Hanggang sa napansin ko na parang siya mismo yung lumalapit sa mga tao para maging komportable sa kanya."
Eventually, naging komportable si Coco kay Susan dahil hindi umano nito ipinaramdam na siya ang Queen of Philippine Movies at asawa ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Saad niya, “Ang ipinaramdam po niya sa amin ay isang pamilya at lola po naming lahat. Halos maya’t maya, nandoon po ako sa kuwarto niya, nakikipagkuwentuhan.
“Pero isa lang po ang inilapit ko sa kanya. Nakikita niya na hindi ako komportable bilang artista kasi sinasabi ko kapag nakakakita na ako ng medyo sosyal, kapag nakikita ko na nag-uusap sila, nag-i-Inglesan na, para akong natitiyope.
"Alam naman ng lahat yun na hindi talaga ako marunong mag-Ingles.
"Kaya nga po ang sabi ng aking lola, 'Hindi importante ang pag-i-Ingles at hindi yun ang magiging batayan para respetuhin ka ng tao.
“'Ang importante ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad. Ang importante ay totoo ang sinasabi mo at nasa puso mo.
"'Ang mas mahirap ay ang hindi ka marunong mag-Tagalog dahil nasa Pilipinas ka. Hindi ka magkakapera.'
"At naniwala po ako.”
Tumanggap ng malakas na palakpakan si Coco mula sa mga nakiramay sa mga naulila ni Susan dahil sa huling pahayag niya.
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces