Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces

by Arniel C. Serato
May 22, 2022
Julia Montes salutes Susan Roces on her death
Julia Montes on late actress Susan Roces: "Salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… Mahal na mahal ka po namin… Hanggang sa muli po!”
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram

Nangako si Julia Montes na hindi niya kakalimutan ang natutunan niya sa buhay mula sa kanyang co-star sa Ang Probinsyano, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Sa Instagram kahapon, May 21, ibinahagi ni Julia ang ilang sulat na ibinigay sa kanya ng beteranang aktres bago siya pumanaw.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng aktres ang mga payo nito sa kanya tungkol sa buhay at pag-ibig.

Saad niya, “One of the few handwritten letters from you… hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig. [heart emoji]

“Mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral… mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan…”

Hindi rin daw makakalimutan ni Julia ang kuwento ni Susan na kapag namumunga ang puno ng rambutan nito ay siya kaagad ang pumapasok sa isip niya, pati na rin ang CD na may kantang "Greatest Love Of All" na ibinigay nito.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko… at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan…”

Nangako rin si Julia na hindi niya makakalimutan ang mga turo ng veteran actress sa kanya.

Sa huli, sinabi rin niyang mahal na mahal niya si Susan.

Lahad pa niya, “Ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan… wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin….

“salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin… hanggang sa muli po!”

Namatay si Susan noong Biyernes ng gabi, May 20, 2022 dahil sa cardiopulmonary arrest.

Siya ay walumpung taong gulang.

Related Stories

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes on late actress Susan Roces: "Salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… Mahal na mahal ka po namin… Hanggang sa muli po!”
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results