Inamin ni Allan K na inalok siya ng TAPE Inc. ng malaking halaga para manatili sa Eat Bulaga! kasama sina Jose Manal, Wally Bayola, at Maine Mendoza.
Ang TAPE ni Romeo Jalosjos, na ngayon ay pinamumunuan na nina Jon at Bullet Jalosjos, ang 75% owner ng kumpanya at producer ng Eat Bulaga!.
Ang unang napag-usapan daw, bukod sa TVJ—Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—ay tanggal na lahat ng ibang hosts na sina Paollo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at si Maine.
Nalaman daw nila ito nang magkaroon ng general meeting noong February 2023, akma sa salaysay ni Tito sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong April 2019.
Read: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
Kuwento ni Allan sa vlog ni Julius Babao Lunes ng gabi, June 19, 2023, “Ina-announce na ang i-retain ay ano, e, Jose, Wally, Allan.
"Tapos yun na, nagkagulo-gulo na.
“Hanggang sa ang dami nang negotiations na nangyari. Nag-usap-usap din kami and...
"Alam mo, ang haba na kasi nun, e—February, March, April, May. So, ang dami pa haka-haka sa loob, every day. ‘So, ano na mangyayari sa atin? Hanggang kailan tayo?’
“Nung April, status quo. Nung May din, satus quo. 'Hanggang kailan kaya ang status quo?’”
Paano sila ipinagtanggol ni Antonio Tuviera, kilala bilang Mr. T or Tony, ang dating presidente at CEO ng TAPE at tumatayong tatay-tatayan nilang lahat?
Si Tuviera ang 25 percent owner ng TAPE.
Sabi ni Allan, “Paanong ipagtatanggol, e, siya din dinemote din nang husto? From president to consultant na lang, e.”
Sa meeting kasama ang TAPE producers, sinabi raw nina Allan, Jose, at Wally na bigyan sila ng panahon upang pag-isipan ang kanilang alok.
Kuwento ni Allan, “Although mineeting kaming tatlo, we were offered this much. Sabi namin, ‘Hindi naman po ganun kadaling magdesisyon. Can you give us time?’”
Mas malaki offer nila?
Pag-amin niya, “Oo. Doble. Pero yung meeting na yun, kinuwento din namin sa lahat. Hindi kami traydor.”
Ang reaksiyon daw ng lahat ay hindi makapaniwala at napailing na lamang daw.
Saad pa ng comedian-TV host, sa ikalawang meeting nila ay isinama na raw si Maine sa in-offer-an.
Aniya, “Si Maine, nung pangalawang meeting, sinali na. Kasali na siya dun sa 'double your price.'”
Paano sila ipinaglaban ng TVJ?
Tugon ni Allan, “Nakita namin yung pain nila, hurt nila, at yung drive nila na, ‘One for all, all for one tayo. Na tumayo tayo bilang isang buong pamilya. Na hindi tayo matitibag.’
"And we held on to that. Nilaban nila kami talaga."
Sa July 1, 2023 nakatakdang magsisimula sa TV5 ang bagong show ng TVJ at ng legit Dabarkads.
