PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales congratulates Kathryn Bernardo on contract renewal

Jericho hopes to work with Kathryn.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 2, 2024
Jericho Rosales congratulates Kathryn Bernardo
Jericho Rosales (right) on Kathryn Bernardo (left): "Hey, Kath! I wanna congratulate you for the steps that you’ve been taking...I hope that we can work on something someday. We’ll work on that, promise."
PHOTO/S: Star Magic YouTube

Gulat na gulat si Kathryn Bernardo nang i-congratulate siya ng kapwa Kapamilya star na si Jericho Rosales nang mag-renew ang aktres ng exclusive contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, nitong Biyernes, February 2, 2024.

Bahagi ng contract-signing event ay ang pagbibigay ng mensahe kay Kathryn ng kanyang pamilya, malalapit na mga kaibigan, at fans, dahil sa patuloy nitong pagtitiwala sa Kapamilya network na tahanan niya sa loob ng dalawang dekada.

Read: Kathryn Bernardo gets emotional as she renews contract with Star Magic: "Last year was a very, very hard time for me."

Isa sa mga nagpaabot ng mensahe ay si Jericho.

Sa pamamagitan ng isang pre-recorded video, pinuri ni Jericho si Kathryn dahil sa pagiging magaling na aktres at mabuting kaibigan nito.

Hiling pa ng aktor, sa pag-renew ng kontrata ni Kathryn sa ABS-CBN ay magkasama na sila sa isang proyekto.

Mensahe ni Jericho kay Kathryn, "Hey, Kath! I wanna congratulate you for the steps that you’ve been taking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve been watching you and you’ve been doing great.

"I hope that we can work on something someday. We’ll work on that, promise."

Read: 13 leading men we want to see Kathryn Bernardo paired with

Mahihinuha naman sa mukha ni Kathryn ang pagkagulat sa mensahe sa kanya ni Jericho.

Natatawa niyang saad, "[Thank you] Echo [palayaw ni Jericho]... nasingit pa niya yung video, e, parang puma-party kami non for Ate Maja’s gender-reveal [party].

"Nag-video pala siya. Thank you so much for the video."

Jericho Rosales congratulates Kathryn Bernardo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Jericho, nagbigay rin ng mensahe ang ilan sa kaibigan at co-stars ni Kathryn na sina Piolo Pascual, Dolly de Leon, Chie Filomeno, Trina Guytingco at Arisse De Santos.

Read: PEP OUTTAKES: Can you be friends with an ex?

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong inihayag sa publiko ni Jericho ang kagustuhan niyang makatrabaho si Kathryn.

Noong November 2023, ipinost ni Jericho sa Instagram Story ang isang photo collage kung saan makikita ang larawan niya kasama ang iba pang leading men na sina Enrique Gil, James Reid, at Donny Pangilinan, habang nasa gitna nila si Kathryn.

Sa caption nito, sinabi ni Jericho na bukod sa magagaling na kasamang leading men ay gusto rin niyang makasama si Kathryn sa isang proyekto.

Aniya, "While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment."

Jericho Rosales congratulates Kathryn Bernardo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa fans nila ni Kathryn ang ngayo'y nae-excite sa posibleng pagtatambal ng dalawa lalo pa't parehas daw silang single matapos nilang mahiwalay sa kani-kanilang partner.

Noong November 30, 2023, inanunsiyo ni Kathryn sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon ni Daniel Padilla.

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Nito namang January 29, 2024, kinumpirma ng isang malapit na kaibigan ni Jericho at ng asawa nitong si Kim Jones na hiwalay na ang dalawa noon pang 2019.

Read: Jericho Rosales and Kim Jones: A relationship timeline

Bukod pa rito, malapit na magkaibigan sina Kathryn at Jericho. Madalas din silang nakikita sa mga pagtitipon kasama ang iba pa nilang kaibigan at co-star.

Noong January 29, 2024, naispatan silang magkasama habang nagdya-jogging sa Marikina Sports Complex.

Read: Kathryn Bernardo and Jericho Rosales spotted together on a night jog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehas din silang present sa get-together nila kay Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M, na co-founder at dating presidente ng Star Magic noong January 27.

Ang iba pang kasama nila rito ay sina Piolo, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at Maja Salvador.

Read: Kathryn Bernardo bonds with John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Mr. M amid rumored management transfer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales (right) on Kathryn Bernardo (left): "Hey, Kath! I wanna congratulate you for the steps that you’ve been taking...I hope that we can work on something someday. We’ll work on that, promise."
PHOTO/S: Star Magic YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results