PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap connects Joel Lamangan to Ahron Villena's post

Director Darryl Yap mentions Joel Lamangan in Ahron Villena's "harassment" post.
by Arniel C. Serato
Published Aug 26, 2024
Brewing issue between Darryl Yap and Joel Lamangan
Director Darryl Yap (left) directly mentions veteran director Joel Lamangan's (right) name in a cryptic post shared by actor Ahron Villena (inset) on Instagram and Facebook.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / File

Trigger Warning: Mention of sexual abuse, sexual harassment, rape

Direktang kinonekta ng direktor na si Darryl Yap ang pangalan ng kapwa direktor na si Joel Lamangan sa ibinahaging Instagram post ng aktor na si Ahron Villena.

Sa Facebook kagabi, August 25, 2024, ni-reshare ni Darryl ang post ni Ahron tungkol sa naging masamang karanasan nito noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Ang buod ng kuwento, na-harass umano si Ahron sa isang proyektong kinailangan niyang magsuot ng plaster bilang pantakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Diumano, ang direktor ng proyekto mismo ang nagkabit ng plaster at idinikit pa umano ang kamay nito sa ari ni Ahron.

Walang pangalang binanggit si Ahron.

Pero nang i-reshare ni Darryl ang post ni Ahron, diretsahang binanggit niya ang pangalan ni Direk Joel.

Sabi ni Darryl sa kanyang re-post status: "itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang artistang siya ang nagpaplaster ng t*t*, kaso naunfriend nya na ako nung 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"sayang naman."



Bago pa man hima-himayin ang post ni Ahron, mabuting liwanagin ditong matagal nang may patutsadahan sa pagitan nina Darryl Yap at Joel Lamangan.

Taong 2022 pa, at may kinalaman ito sa kanilang magkatunggaling pelikula at magkatunggaling pulitika.

Masasabing ang beteranong si Joel ay anti-Marcos at ang baguhang si Darryl ay pro-Marcos.

Lumalabas na aktibo pa rin ang hidwaan ng dalawang direktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Darryl Yap reveals losing passion for filmmaking after doing Vivamax and Marcos movies

AHRON VILLENA'S cryptic POST

Sa post ni Ahron, sinabi niyang na-trigger siyang magbahagi ng kanyang naranasan dahil sa nabasa niyang pahayag ng isang direktor sa isang panayam.

Ayon sa award-winning director, matagal nang kalakaran sa showbiz ang pagpatol ng mga artista sa mga gay upang mabigyan ng proyekto at umangat ang kanilang career.

Naitanong ito kay Direk Joel dahil sa pinag-uusapang isyu ng sexual harassment sa showbiz industry matapos ang mga rebelasyon ng baguhang aktor na si Sandro Muhlach, ng singer na si Gerald Santos, at ng isang male talent ng TV5 News and Current Affairs.

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

Sabi ni Ahron sa kanyang post sa Instagram Story (published as is): "My nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyari ung mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un! Tandang tanda ko ung kelangan ko magplaster sa eksena cameo role lang ako my tumutulong na sakin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo sya.

"Ang sabi mo pa 'dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan.'

"Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.

"irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka pero dahil baguhan pa lang ako noon OO lang ako ng OO kasi kelangan ko din kumita ng pera pero malamang hindi mo na maalala kasi sigurado ako hindi lang ako ang ginawan mo ng ganun."

Binalikan din ni Ahron ang interview niya sa Fast talk with Boy Abunda nitong nakaraang March 2024 kung saan tahasan niyang sinabing nabiktima siya ng sexual harassment.

Read: Ahron Villena, isiniwalat na naging biktima siya ng exploitation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya (published as is): "Nung ininterview ako sa fast talk noon hindi kita pinangalanan kasi my respesto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sakin hindi ako nagsalita.

"Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganung bagay!"

Ahron Villena's post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Ahron ang kanyang post sa Facebook.

Sabi niya sa caption, "Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!"

Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?

JOEL LAMANGAN'S INTERVIEW

Walang binanggit na pangalan si Ahron sa tinutukoy niyang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit base sa komento ng netizens na nakabasa ng kanyang post, ikinonekta nila ito sa nailathalang panayam ni Direk Joel dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, August 24, 2024—o isang araw bago ang post ni Ahron.

Read: Joel Lamangan nagkomento sa sexual abuse sa showbiz

Sa eksklusibong panayam ng PEP Troika, tinanong si Direk Joel kung ano ang masasabi niya sa sexual abuse or molestation na reklamo nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at ang unnamed male talent-news researcher.

Ayon sa award-winning director, hindi na ito bago sa showbiz.

Sabi niya, “Noon pa, meron nang ganun, 'Day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko!

“Panahon pa ng kopong-kopong, meron na yun. Diyos ko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Andami!

“Andami na noon, 'neng. Hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…

“Matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala rin daw ni Direk Joel ang dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz, na itinuturo ni Sandro na nanghalay umano sa kanya.

Sabi ni Direk Joel, “Mababait yung mga bading na yun. Hindi naman balahura. Mabait si Dode. Kawawa naman yun.”

Read: Jojo Nones at Dode Cruz, suspendido habang may imbestigasyon

JOEL LAMANGAN-DARRYL YAP RIFT

Hindi na kagulat-gulat ang pagpasok ni Darryl Yap sa eksena.

Nagkainitan sila ni Joel Lamangan mula pa nang ipalabas ang pelikulang Maid in Malacañang ni Darryl noong 2022.

Ang Maid in Malacañang ay tungkol sa huling tatlong araw ng Marcos family sa Malacañang Palace bago sila ma-exile sa Hawaii noong 1986.

Sa personal na buhay, si Direk Joel ay naging aktibista noong panahon ng martial law.

Noong July 2022, sa launch ng ML @ 50, kung saan ginunita ang martial law 50 taon pagkalipas itong ideklara ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., hindi nagpigil si Direk Joel sa kanyang talumpati tungkol sa aniya'y pag-distort ng kasaysayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilang bahagi ng talumpati niya: “Lahat ng kawalang-hiyaan ay sinasabi. Dini-distort ang kasaysayan.

“Hindi tinuturo ang totoong nangyari. Nais magbago ng pangalan. Nais lokohin ng lahat ng ating mamamayan.

“Nakita ko ang rushes, ang mga tao raw nagpunta sa Malacañang na nakasulo. Wala naman kaming sulo nung araw. Ala namang sulo! Hindi totoo yun! Ano yun, lamay?

“Puro kasinungalingan, puro katarantaduhan ang mga sinasabi. Huwag natin paniwalaan. Ilagay natin sa ating balita. Ilagay natin sa ating dula, sa ating sining, sa ating pelikula ang totoo.

“Tulungan natin ang ating mga kabataang malaman kung ano ang katotohanan. Ayokong dumating ang panahong na mabura na ang ating mga pinaghirapan.”

Hindi binanggit ng batikang direktor si Darryl o ang pelikula nito sa kanyang talumpati, ngunit sa Maid In Malacañang ay may eksenang sumugod ang mga tao sa presidential palace na may hawak na sulo.

maid in malacanang
A scene from Maid In Malacanang
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makapanayam si Joel ng DZRH matapos ng event, sabi nito: “Ako naman ay hindi galit kay Darryl Yap. Dahil bata pa iyan, e, 1987 pa lang siya ipinanganak. Hindi pa niya alam kung ano ang nangyari noon."

Read: Joel Lamangan, palaban sa Oras de Peligro: "Ito'y nagsasabi ng totoo!"

Nagkatapatan naman ang pelikula nila pagdating ng 2023, ang Martyr Or Murderer ni Darryl at ang Oras de Peligro ni Joel.

Sa naganap na press conference ng Oras de Peligro noong February 12, 2023, sinabi ni Direk Joel na ang pelikula niyang magbubukas sa mga sinehan sa March 1 ay tinapatan ng Martyr or Murderer.

“Sila ang tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin, napakaimportante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan, at takot sila,” pahayag ni Direk Joel.

Nagsalita rin si Cherry Pie Picache, bida ng pelikula ni Joel.

Ayon dito, “May konsensiya pa ba siya?” nang tanungin kung papayag ang respetadong aktres gumanap na Imelda Marcos sa pelikulang si Darryl ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakawala naman ng matatalas na salita si Darryl laban sa direktor at sa pangunahing aktres ng Oras de Peligro nang hingan ng mensahe para kina Joel at Cherry Pie.

Pahayag niya sa media conference ng Martyr or Murderer noong February 20, 2023,
Hindi niyo ako puwedeng sipa-sipain na lang.

"Direk Joel, kaoopera mo lang nung December. Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko para hindi humantong sa ganito, but you just don’t stop.

“Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa yo. Ikaw ang tumapat sa amin.

"Kung hindi matanggap ng ego mo na isang gaya ko lang ang tatapatan mo, problema mo na yon.”

Hindi rin pinaligtas ni Darryl si Cherry Pie sa kanyang maaanghang na pananalita.

“Kung ako po sa inyo Miss Cherry Pie... nanood ako kanina ng Tanging Yaman kasi gustung-gusto ko siya doon para lang hindi ko siya pagsalitaan nang masakit."

Sabay-hirit niya, “Ang kaibahan lang sa Tanging Yaman, hindi siya iniwan ni Edu doon. Asawa kasi siya ni Edu doon."

Kahit sa maraming press na naroroon, below-the-belt ang hirit na ito ni Darryl kay Cherry Pie, na boyfriend noon si Edu Manzano at naglaon ay nagkahiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Litanya pa ng newbie director: “You know Direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag niyong gamitin para magsinungaling.

“Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon.

“Stop this jurassic form of promotion. That’s the only and the last statement that I will deliver.

“Don’t you dare malign my bosses, all the money that was produced here were all from hard work."

Pagdepensa pa nito: "Viva is not like that. Senator Imee is not like that."

Si Senator Imee Marcos ang creative and executive producer ng Martyr or Murderer, kung saan si Cristine Reyes, artista ng Viva Films, ang gumanap sa kanyang role.

Ayon pa kay Darryl, “This is my ultimate statement and I’m not gonna repeat it. Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. This is the day of information technology. Lahat ng sasabihin ninyo, may record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, hindi kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling! Kung nagsisinungaling kayo sa dahilan ng paggawa ninyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang naranasan niyo noong martial law? Now, I am doubting them.”

Read: Darryl Yap, tinawag na "sinungaling" sina Joel Lamangan at Cherry Pie Picache

Wala pang pahayag si Joel ukol sa post ni Darryl at sa post ni Ahron.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (left) directly mentions veteran director Joel Lamangan's (right) name in a cryptic post shared by actor Ahron Villena (inset) on Instagram and Facebook.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results