Mukhang mas kumportable na si Ruffa Gutierrez na ipagsigawan at ipakita sa publiko ang relasyon nila ng nobyong si Herbert Bautista.
Sa TikTok nitong Martes, May 13, 2025, nag-post si Ruffa ng video nila ni Herbert para batiin ang dating Quezon City mayor sa kaarawan nito.
Noong May 12 ipinagdiwang ni Herbert ang kanyang 57th birthday.
Sa video na in-upload ni Ruffa, makikita ang ilang sweet moments nila ng kasintahan.
Kabilang na rito ang pagde-date nila sa isang restaurant, panonood ng NBA game, at pagbisita ni Herbert sa bahay nina Ruffa.

Sa caption ng post ni Ruffa, masayang binati ng aktres si Herbert.
Saad niya (published as is): "One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media.
"Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!"
NETIZENS' REACTION
Sa comments section ng post ni Ruffa ay maraming netizens, partikular na ang kanyang fans, ang natuwa sa pagpe-"flex" niya kay Herbert.
Komento ng isang netizen: "I'm so happy for you, Ms. Ruffa. Finally you met your man."
Sabi ng isa: "Mahirap turuan ang puso, madalas kung sino pa yung ayaw ng iba for you siya talaga yung sinisigaw ng puso mo. Maikli lang ang buhay choose to be happy always, Ms, Ruffa."
Saad pa ng isa: "Na kay Herbert lang pala talaga ang susi sa puso ni Ruffa."
Dagdag ng isa pa: "Iba ang happiness nila. Kapag tunay na pag-ibig nga naman, kahit matangkad at maliit e pinagtatagpo."
Ruffa FINALLY admits relationship with Herbert
Noong June 20, 2024, sa YouTube vlog ni Karen Davila, unang inamin ni Ruffa ang espesyal na relasyon nila ni Herbert.
Matagal nang nauugnay ang dalawa sa isa’t isa, ngunit wala silang opisyal na pag-amin kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa katunayan, naisyu pa noon na, diumano, buntis si Ruffa sa anak nila ni Herbert. Pero mariin itong pinabulaanan ng aktres.
Nangyari ang pag-amin ni Ruffa nang ibuking ng dalawa niyang anak na sina Venice at Lorin ang tungkol sa lalaking nagpapasaya ngayon sa kanilang ina.
Nagsimula ito nang tanungin ni Karen sina Lorin at Venice kung handa at pumapayag pa ba silang ikasal ang kanilang ina, matapos nitong mahiwalay at ma-annul sa kanilang ama—ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.
Saad ni Lorin: "I don't want anything specific for her.
"I want her to be happy and whatever that looks like for her, if it's being alone with eighty cats, then that's fine...
"And if it's getting married, if it's having a long-term partner, whatever that looks like for her, I just want her to be happy.
"So I've never really thought too much about it. Me and my sister don't really get overly involved."
Bagay na sinang-ayunan naman ni Venice.
Read: Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak
Aniya, tiwala siya sa kanyang ina pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin.
Sabi ni Venice: "I'm sure, me and Lorin probably make side comments at the start. But my mom always, usually, most of the time, has good judgment on picking who's right for her and who's wrong.
"Her current partner now, he's lovely, he's a really nice guy, he treats her very well, and she is ecstatic about him.
"So, of course, I'm very happy for her. And again, like Lorin said, if she's happy, we're happy."
Read: Ruffa Gutierrez, rumored boyfriend Herbert Bautista spotted together anew
RUFFA TALKS ABOUT HER RELATIONSHIP WITH HERBERT
Dahil sa rebelasyon ng dalawa niyang anak, hindi na nakaligtas pa si Ruffa sa pag-uusisa ni Karen tungkol sa relasyon nila ni Herbert.
Paliwanag ni Ruffa, hindi sa itinatago niya ang espesyal na ugnayan nila ng dating alkalde ng Quezon City.
Gusto lang daw niya talagang maging pribado kung anuman ang mayroon sila kung kaya't hindi niya maamin noon at hindi rin siya ma-post sa social media.
Paliwanag niya: "I think now, it's just better that a quiet personal life leads to more happiness.
"You know, it's not there to flaunt na, 'Hey, baby, good morning. I love you' on Instagram. Like, how cringe, di ba? Parang ano, you can flex slightly."
Read: Richard Gutierrez reacts to sister Ruffa's blooming romance with Herbert Bautista
Hindi man maibida ni Ruffa ang relasyon nila ni Herbert online, nakatitiyak daw siyang seryoso at totoo silang nagmamahalan.
Ibinuking din niya na sa set ng The House Arrest of Us noong 2020 nagsimula silang magkapalagayan ng loob ni Herbert.
Ang The House Arrest of Us ay ang romantic-comedy streaming series na pinagbidahan ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kabilang sa cast sina Ruffa at Herbert, na gumanap bilang mga magulang ng karakter ni Kathryn na si Q.
Read: Ruffa Gutierrez admits relationship with Herbert Bautista
RUFFA'S PAST RELATIONSHIPS
Si Ruffa ay ikinasal sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003.
Read: Ruffa and Yilmaz: World-Class Wedding
Tumagal ng halos limang taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa isapubliko nila ang kanilang paghihiwalay noong 2007 sa pamamagitan ng joint statement.
Read: Ruffa and Yilmaz: Sad ending for their fairy tale?
Sa interviews noon ni Ruffa ay hindi niya itinago na nakaranas siya ng domestic violence mula sa dating asawa.
Read: Ruffa Gutierrez speaks up about domestic violence
Ito rin ang dahilan kung bakit takot si Ruffa na pumunta sa Istanbul, Turkey sa tuwing iniimbitahan siya noon ni Yilmaz.
Bago naging sila ni Herbert, ang huling napabalitang karelasyon ni Ruffa ay ang French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal.
November 2020 nang ibunyag ni Ruffa sa isang virtual press conference na winakasan na nila ni Jordan ang kanilang relasyon.
Anim na taon ang itinagal ng kanilang pagsasama.
Read: Ruffa Gutierrez opens up about breakup with Jordan Mouyal
Fast forward ngayong 2025, inamin ni Ruffa sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gusto siyang balikan ni Yilmaz.
Ngunit si Ruffa na raw ang nagdesisyong hinding-hindi na niya babalikan pa ang dating asawa.
Read: Ruffa Gutierrez reveals Yilmaz Bektas wants to marry her again
