PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2022 Gabi ng Parangal fearless forecast

Family Matters, llamado bilang Best Picture.
by PEP Troika
Published Dec 27, 2022
nadine lustre heaven peralejo mmff best actress
Will it be Nadine Lustre (left) for Deleter or Heaven Peralejo (right) for Nanahimik Ang Gabi as MMFF 2022 Best Actress?

JERRY OLEA

Pila-pila pa rin ang moviegoers sa maraming sinehan na pinagpapalabasan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entries nitong Disyembre 26, 2022, Lunes.

Pinost sa Facebook page ng MMFF ang ilang litrato bilang patunay: “MASDAN: Pangalawang araw ng Metro Manila Film Festival, mas lalong umarangkada. Mga sinehan sa iba't ibang parte ng bansa, mas lalong humaba ang pila sa takilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Disyembre 27, Martes, gaganapin ang Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. Walang leakage!

Bet kong mag-Best Picture ang Family Matters. Llamado ito sa mga kategoryang Best Director (Nuel Crisostomo Naval), Best Screenplay (Mel Mendoza-del Rosario), Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, at Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence.

Second Best Picture para sa akin ang Nanahimik Ang Gabi.

Para sa Most Gender-Sensitive Film, bet ko ang My Teacher.

Para sa Best Actress, pakiwari ko ay mahigpit na magkalaban sina Heaven Peralejo (Nanahimik Ang Gabi) at Nadine Lustre (Deleter). Dark horse si Liza Lorena (Family Matters).

Para sa Best Actor, wala akong itulak-kabigin kina Noel Trinidad (Family Matters) at Ian Veneracion (Nanahimik Ang Gabi). Puwedeng makasilat si Joey de Leon (My Teacher) o si Jake Cuenca (My Father, Myself).

Si Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi), puwedeng ilagay sa Best Actor o Best Supporting Actor. If ever, deserving siyang ma-nominate sa alinmang kategorya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa Best Supporting Actor, inaasam kong ma-nominate sina Nonie Buencamino (Family Matters) at JC Santos (Family Matters).

At para sa Best Supporting Actress, andiyan sina Nikki Valdez (Family Matters), Mylene Dizon (Family Matters), Agot Isidro (Family Matters), at Louise de los Reyes (Deleter).

Nawa’y mabigyan ng recognition ang Ensemble ng Family Matters!

cast of family matters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The cast of Family Matters with director Nuel Naval

NOEL FERRER

Naku!!! Fearless or fearful forecast na ba ito?

Family Matters, Deleter, at Nanahimik Ang Gabi with My Father, Myself ang tinataya kong maaaring maghakot ng awards.

Nakakakaba dahil sa ganitong awards, it’ll go any which way.

Basta with a very esteemed film luminary bilang chairman ng Jury, nananalig akong magiging credible ang resulta ng awards ngayong gabi.

Mas nakakataba ng puso ang makita ang patuloy na pila ng mga tao sa mga sinehan. Nakaka-proud lang na pelikulang Pilipino rin ang nakapagpabalik sa mga tao sa sinehan.

Sana, hindi lang ngayong Kapaskuhan. Sana, magtuluy-tuloy na ito!

Read: Anu-anong pelikula ang tinangkilik sa first day ng MMFF 2022?

GORGY RULA

Inaabangan natin sa showbiz ang 48th MMFF Gabi ng Parangal mamaya.

Pero ang concern ng mas nakararami ngayon ay kung makakataya ba sila sa Lotto, dahil mamayang gabi na rin ang bola ng P500M jackpot. Sana, meron nang manalo para masaya ang pagpasok ng bagong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa mga nakapanood ng Family Matters at Nanahimik ang Gabi ay humuhulang ang mga ito ang maglalaban sa Gabi ng Parangal.

Marami ang nagsasabing baka makuha ng Family Matters ang Best Picture award, pero sana’y mabigyan ng Special Citation ang buong cast ng pelikulang ito sa Ensemble Acting dahil magagaling silang lahat.

Nang nakausap namin si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, may-ari ng Cineko Productions, sobrang masaya raw siya sa magagandang reviews at feedback sa kanilang pelikula.

Ayaw na raw niyang magpa-pressure sa Gabi ng Parangal kung hahakot ba ng awards ang Family Matters. Malaking bagay na raw ang mga papuring nakakarating sa kanila.

Sabi ni Mayor Roque, “Ang daming magagandang reviews na nagustuhan nila yung movie.

“Pag binabasa ko yun, sabi ko, ito na yata yung katumbas ng award kapag sinasabi ng mga tao na maganda yung pelikula.

“Sa dami ng mga nagawa kong pelikula, mga 10 to 12 movies na yata yung nagawa namin…. pero alam mo, sobrang excitement ang naibigay sa akin ng movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga, ito yung klase ng pelikula na pinataas niya yung pangalan ng Cineko. Binigyan niya ng… kasi yung movie, sobrang na-appreciate ng mga tao.

“Yung hindi lang maganda na sinasabi nila, kundi pinapanood talaga ng tao. Malaking bagay talaga ito at sobrang na-appreciate naming mga producer.”

Dahil nga sa magandang resulta ng MMFF, lalong na-inspire ang mga maliliit na producers kagaya ng Cineko na gumawa pa ng mga pelikula sa susunod na taon.

Sana, nandiyan na raw ang suporta ng gobyerno sa entertainment industry.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa naipapatupad ang ipinapanukalang tax holiday tuwing may MMFF. May kinakaltas pa ring amusement tax sa pelikulang ginagawa nila.

“Sana, ibalik na nila yung Cinema Evaluation Board. Kasi doon, pag nagpapa-classify ka ng movie mo, nagi-graded A ka o B. May mga incentives, e.

“Nawala yun, e. Ibalik na lang uli, para ma-encourage pa ang mga producers na mag-produce ng mas magagandang pelikula,” saad ni Mayor Roque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Other Articles:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will it be Nadine Lustre (left) for Deleter or Heaven Peralejo (right) for Nanahimik Ang Gabi as MMFF 2022 Best Actress?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results