PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Running Man Philippines Season 2, kumusta ang ratings?

KathNiel, LizQuen, at JaDine mapapanood na sa ALLTV.
by PEP Troika
Published May 13, 2024
running man philippines season 2 cast
Running Man Philippines Season 2 cast (from left) Glaiza de Castro, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Miguel Tanfelix, Mikael Daez, and Buboy Villar.
PHOTO/S: @gmarunningmanph on Instagram

GORGY RULA

Puwede na ang rating ng pilot episode ng Running Man Philippines Season 2 noong Sabado, Mayo 12, 2024. Naka-11.2% ito.

Read: Kokoy de Santos almost quit Running Man PH

Noong Linggo, Mayo 13, 2023, ay medyo bumaba ang second episode ng Running Man PH. Naka-8.9% lamang.

Pero masaya ang mga taga-Running Man PH dahil maganda ang feedback na naikukumpara sa Season 1 nito.

Kahit ako rin ay mas nagustuhan ko itong Season 2 dahil nakikita na ang closeness ng anim na original runners, at maganda rin ang pagpasok ng bagong runner na si Miguel Tanfelix.

Read: Miguel Tanfelix afraid of this Running Man PH star

Narito ang ratings ng iba pang primetime shows ng GMA-7 noong Linggo:

Ang 24 Oras Weekend ng GMA-7 ay 4.7%, at ang TV Patrol Weekend naman ng Kapamilya Channel ay 0.6%. Ang Frontline Weekend naman sa TV5 ay 1.2%.

Sumunod ang Bubble Gang na 7.3%, ang Tao Po ay 1%, at ang The Voice Teens ay 3.9%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng Running Man PH ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-14.1%, at 1.9% naman ang I Can See Your Voice.

Sumunod ang The Boobay and Tekla Show na naka-3.6%.

NOEL FERRER

Mababa talaga ang vierwership nung Linggo dahil nasa labas siguro ang mga tao para i-celebrate ang Mother’s Day.

Bukod pa riyan, marami rin ang interesadong mapanood ang finals ng PVL sa Cignal TV na naka-2.1%.

Kahit sa panghapon ay hindi rin gaanong mataas.

Ang pilot episode ng limited talk series ni Boy Abunda na My Mother, My Story ay naka-3%.

Pero bago iyan, hindi rin gaanong mataas ang All-Out Sundays na 3.5%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.7%.

Sumunod ang GMA Blockbuster na naka-3.1%, at ang Sunday Blockbuster ay 2.7%.

Ang Regal Studio Presents naman ay 2.4%, at ang Ipaglaban Mo ay 0.5%. Ang Resibo naman ay 3.1%.

Read: Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Hindi maitatangging waging-wagi ang mga programa ng Kapuso Network kung weekends, Sabado at Linggo.

Ganoon din kung afternoons ng weekdays, Lunes hanggang Biyernes.

Inilalampaso ng It’s Showtime ang Eat Bulaga!. Tinalo muli ng TiktoClock ang Eat Bulaga!, NKKLK!

Pero sa prime time from Monday to Friday, panalo ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin over Ruru Madrid’s Black Rider.

Madalas na taob din ang My Guardian Alien sa Linlang: The Teleserye Version.

Aba’y madalas na mas mataas pa ang rating ng Kapuso afternoon drama shows na Abot-Kamay na Pangarap at Lilet Matias: Attorney-At-Law kesa sa TV comeback ng Kapuso Primetime Queen, NKKLK!

Iyong Asawa Ng Asawa Ko, minsan lang umariba sa finale week ng Can’t Buy Me Love last week. Ang bago nitong kalaban ay ang High Street.

Ano kaya ang sey ng Kapuso bosses sa performance ng Kapuso prime time shows sa ratings? Nakaka-Stress Drilon?!

KATHNIEL, LIZQUEN, AND JADINE IN ALLTV

Simula Mayo 13, Lunes… ang mga Kapamilya teleseryeng Pangako Sa’yo (2015), Forevermore, at On The Wings of Love ang pambungad sa bagong primetime block ng ALLTV na “All-Time Saya” kasama ang Minute To Win It at TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng simulcast ng TV Patrol, maaari nang balikan ng mga manonood ang pag-iibigan nina Angelo at Yna na ginampanan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa remake ng Pangako Sa’yo Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m.

Matutuwa ang Forevermore fans na saksihan muli ang pagmamahalan nina Xander (Enrique Gil) at Agnes (Liza Soberano).

Mapapanood ang LizQuen teleserye na kinunan pa sa Sitio La Presa sa Baguio tuwing 8:45 p.m.

Isa pang magandang kuwento ng pag-ibig ang matutunghayan pagsapit ng 9:30 p.m. sa On The Wings of Love tampok sina Leah (Nadine Lustre) at Clark (James Reid).

Magsisimula ang saya sa ALLTV primetime tuwing 5:45 p.m. tampok ang simulcast ng game show na Minute To Win It: Replay ni Luis Manzano na kasabay ring napapanood sa Kapamilya Channel.

Namnamin ang “All-Time Saya” sa ALLTV na napapanood sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Running Man Philippines Season 2 cast (from left) Glaiza de Castro, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Miguel Tanfelix, Mikael Daez, and Buboy Villar.
PHOTO/S: @gmarunningmanph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results