Bilang pagbibigay-pugay sa pumanaw na aktres na si Susan Roces, libreng mapapanood sa official YouTube channel ng Regal Entertainment Inc. ang ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya noon sa film outfit na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.
Kabilang dito ang Feel Na Feel, Inday, Inday Sa Balitaw, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, 1+1=12+1 Cheaper By The Dozen, at Mano Po 2: My Home.
Isang dakilang movie fan si Mother Lily, at si Susan ang aktres na kanyang iniidolo noong kabataan niya.
Si Mother Lily ang nagkuwento sa Cabinet Files na hindi siya pumapasok noon sa school para pumunta sa Sampaguita Pictures studio sa Valencia Street, Quezon City dahil sa kagustuhan niyang makita nang personal ang kanyang mga paboritong artista.
Naranasan ni Mother Lily na umakyat sa mataas na bakod ng Sampaguita Pictures dahil hindi siya pinapayagan ng guwardiya na makapasok sa loob ng number one movie company noon.
Makalipas ang maraming taon, naging matagumpay na film producer si Mother Lily.
Katapat na ngayon ng Sampaguita Pictures ang isa sa kanyang mga bahay at opisina ng Regal Films, at naging artista niya si Susan sa maraming pelikula.
Ang magandang relasyon ni Susan at ng pamilya Monteverde ang sinariwa ng Regal producer na si Roselle Monteverde nang ihatid nito ang eulogy nila ng kanyang inang si Mother Lily para sa sumakabilang-buhay na Queen of Philippine Movies kagabi, May 23, 2022.
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
“I am here speaking not only for myself but also on behalf of Regal, especially my mom fondly known as Mother Lily because Tita Susan is a very dear friend to her," simula ni Roselle.
“She’s more than a friend to our family and we deeply mourn the passing of our beloved Tita Susan.
“We are fortunate to have Tita Susan in our lives, in Regal, in my mom’s and my life.
“My mom has been very fond of Tita Susan even before she started producing movies. Idol niya si Tita Susan, that’s why she entered into production kasi fan siya.
“Fan na fan siya ni Tita Susan kaya nga when my mom started Regal, talagang nagmalakas-loob siyang puntahan si Tita Susan at ialok na gumawa ng mga pelikula.
“Among the movies she appeared in are Inday, Inday Sa Balitaw, Bunsong Kerubin, Love Boat, 1+1=12+1, Kambal Tuko, Feel Na Feel, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, at Mano Po 2: My Home.
“Sa mga pelikulang nagawa niya, sobra niya tayong pinasaya at pinaiyak. She’s an icon. She portrayed many characters in the movies and I remember her telling me once that in every character she portrays, pinag-aaralan niya nang sobra.
“She studied every character carefully not only her role but also the role of others para in sync siya sa buong pelikula para mapaganda.
"In short, she’s very passionate about her work. It’ s not just a work but she loves her work which translates to a great performance.
“When you’re with her, natatakot kang magkamali because she’s a perfect person and she is a perfect role model to the new generation.
“More than just a pretty face, sweet smile, her personality captivates you. She deserves respect because she captures you with her passion and wisdom in the industry.
“You can just listen to her insights and knowledge in our industry, marami kang matututunan, at ako, isa ‘yan sa maraming natutunan dahil sa kanya.”
SHOOTING IN SHANGHAI
Nadagdagan ang paghanga at respeto ni Roselle kay Susan nang magkasama sila sa shooting ng Mano Po 2: My Home sa Shanghai, China noong 2003 dahil nakita niya ang magagandang katangian ng veteran actress.
Lahad niya, “Naalala ko yung trip namin sa China nang mag-shoot kami ng Mano Po 2. Napakapraktikal niyang tao, she’s very down-to-earth.
“Alam ko na hirap na hirap na ang lahat sa pag-shooting ng pelikula na yun sa Shanghai, pero nakisali siya sa amin sa hirap. Mahabang lakaran, nagbibihis, change of costume kahit saan.
“Hindi siya pa-star. Sobra siyang praktikal na tao. Sobra siyang magaling makisama kasi mahal niya ang trabaho niya. She’s very professional and very direct.
“Masaya akong nakausap siya kasi wala siyang pretensions. Kung ayaw niya, ayaw niya. Kung gusto niya, gusto niya."
Dagdag ni Roselle, "Very grateful kami dahil nakagawa siya ng maraming pelikula sa amin.
“During shoots, nagpapakain siya sa mga tao, sa staff at sa crew. Hanggang sa last shooting day, sobra siyang maalalahanin sa mga katrabaho niya.
“It is painful for us of course, but amid this pain, we should be grateful that Tita Susan holds a very special place in our hearts especially in the entertainment industry.
“Her legacy will remain. All the contributions to the people in the industry and the movies will remain with us. She will always remain very dear to us, our perfect model and icon.
“We will remember Tita Susan’s sweet smile, elegance and the beautiful face, and most importantly, her inner beauty.”
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces