PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Susan Roces, may pahiwatig sa kanyang manager ilang araw bago pumanaw

"Pagod na ako, 80 years old na naman na ako."
by Jojo Gabinete
Published May 28, 2022
susan roces dolor guevarra
Pumanaw ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ilang minuto pagkatapos dumating sa ospital ang kanyang talent manager na si Dolor Guevarra.
PHOTO/S: File

Isang digital novena sa pamamagitan ng Zoom ang magaganap ngayong Sabado, May 28, 2022, 6 p.m., bilang paggunita sa ika-siyam na araw ng pagpanaw ni Susan Roces.

Binawian ng buhay ang Queen of Philippines sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa San Juan City, na malapit lamang sa tahanan niya sa Greenhills, noong May 20, 2022.

Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

Ganap na 8:46 p.m. nang pumanaw si Susan, at parang hinintay lamang niya ang pagdating sa ospital ng kanyang manager na si Dolor Guevarra.

Namatay si Susan tatlong minuto matapos dumating at magpaalam sa kanya si Dolor at ang dalawang anak nitong sina Jaypee at Anes.

Miyembro ng pamilya ang turing ni Susan kay Dolor at sa mga anak nito. Si Dolor ang araw-araw na kausap ni Susan sa telepono.

Ilang araw bago siya yumao, sinabi ng beteranang aktres sa kanyang manager, "Pagod na ako, 80 years old na naman na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila pahiwatig itong handa nang magpaalam sa mundo ang respetadong aktres para makapiling nito ang asawa na si Fernando Poe Jr.

Nang mamatay si Susan, inihanda na ni Senator Grace Poe ang official statement tungkol sa pagkawala ng kanyang ina.

Pero nauna nang mag-post sa Facebook ang former actor na si Renzo Cruz, ang pamangkin ng namayapang aktres, kaya sunud-sunod ang mga tawag sa telepono at mga text message na natanggap ni Dolor habang nasa ospital pa sila.

Nagsimula ang acting career ni Susan sa Sampaguita Pictures noong 1956.

Double niya sa pelikula si Dulce Lukban, ang former actress at ina ni Pops Fernandez.

pops fernandez & dulce lukban

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tuwing magpapadala ng mga pagkain sa kanyang mga kaibigan at kakilala, hindi nakakaligtaan ni Susan na maglakip ng handwritten note.

Pareho sila ng ugali ng kanyang matalik na kaibigan, ang Sampaguita Pictures producer na si Marichu Vera Perez-Maceda — ang Manay Ichu ng Philippine movie industry na nauna nang binawian ng buhay noong September 7, 2020.

susan roces & manay ichu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Cocs” ang term of endearment sa isa’t isa ni Susan at ng perennial leading man nitong si Eddie Gutierrez, na napahagulgol ng iyak nang magbigay ng eulogy para sa kanyang namatay na kaibigan dahil sa sobrang kalungkutan.

RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ilang minuto pagkatapos dumating sa ospital ang kanyang talent manager na si Dolor Guevarra.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results