PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FPJs Ang Probinsyano cast and crew grieve over Susan Roces death

Lorna, Direk Chito, Coco, Juday, nagbigay-pugay sa alaala ng Reyna.
by PEP Troika
Published May 21, 2022
Susan Roces, Coco Martin, Lorna Tolentino
Ayon kay Lorna Tolentino (inset) na gumaganap bilang First Lady Lily Ann Cortez-Hidalgo sa "FPJ's Ang Probinsyano," dama nila ang lungkot sa pagpanaw ni Susan Roces (main photo with Coco Martin), “Sad lahat dito. Artists, staff at crew. Nakatulala."
PHOTO/S: Ang Probinsyano Dailymotion / @lornatolentinofernandez Instagram

GORGY RULA

Apektado ang buong cast at production ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pagpanaw ni Susan Roces.

Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

Naka-text namin si Lorna Tolentino, umaga ng Sabado, Mayo 21, 2022, na nalulungkot din sa balitang ito.

Kasama si Lorna sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos Sur, at ang aga raw nilang lahat sa set, pero parang nakatulala raw silang lahat.

“Sad lahat dito. Artists, staff at crew [cry emoji]. Nakatulala. Umuulan pa. Waiting kami na mag-stop ang ulan,” bahagi ng viber message niya sa PEP Troika.

Nagdadasal daw silang lahat habang naghihintay na mag-resume ang taping.

Pero parang nag-flashback daw sa kanya ang mga masasayang alaala niya kasama si Manang Inday (palayaw kay Susan).

“Nag-flashback ako nung bata pa ako. FPJ baby ako. Sila ang nag-discover sa akin.

“Proud ako na naging young Tita Susan sa Divina Gracia,” text ni Lorna sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May misa para ang FPJAP Ilocos Lock-in Taping Group para sa kanilang Lola Flora (karakter ni Susan sa show) mamayang 7:30 pm sa Vitalis Villas Chapel sa Santiago, Ilocos Sur.

Inaayos din nila ay ang pagluwas nila pa-Maynila bukas para sa Sunday 5:00 pm Mass sa Heritage Park, Taguig City, kung saan nakaburol ang mga labi ng premyadong aktres.

Pagkatapos ng misa ay babalik din daw silang lahat sa Ilocos Sur para ipagpatuloy ang kanilang taping.

Samantala, bilang taga-DZRH, malaki rin ang partisipasyon ni Susan Roces sa drama department ng naturang radio station.

Susan Roces in DZRH

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang nakakausap naming nagda-drama na nakasama pa raw nila noon si Manang Inday na sumasali sa mga radio drama.

Isa sa naalala nila ay ang dramang Isinakdal Ko ang Aking Ina na ginawa ring pelikula.

Masaya raw siyang kasama at lagi raw itong nagpapakain sa kanila. Siya pa raw mismo ang nag-aalok na magninang sa binyag ng anak ng ilang nakakasama niyang nag-drama sa DZRH.

Dolphy and Susan Roces

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit nung kabataan pa niya ay naging bahagi na siya sa ilang programa ng DZRH, kagaya ng Reyna ng Vicks, na kung saan nakakasama niya roon sina Dolphy, Chichay, Tolindoy, at iba pang artista na kinilala rin sa movie industry.

Reyna ng Vicks, Susan Roces

JERRY OLEA

Isa sa mga di-malilimutang pelikula ni Susan Roces ang psychological horror na Patayin Mo sa Sindak si Barbara (1974) na idinirek ni Celso Ad. Castillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa remake nito na Patayin sa Sindak si Barbara (1995) na idinirek ni Chito S. Roño, si Lorna Tolentino ang nagbida.

Instagram post ni Lorna ngayong Sabado ng umaga, “I will hold you in my heart. We will miss you. Maraming salamat sa pagmamahal Tita Susan. Our love and prayers.”

Nagkasama sina Lorna at Susan sa pelikulang Mano Po 2: My Home (MMFF 2013) na idinirek ni Erik Matti.

Nasa cast din nito sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Judy Ann Santos, Carmina Villaroel at Kris Aquino (bilang young Susan Roces).

Tampok si Lorna sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang kontrabidang si First Lady Lily Ann Cortez-Hidalgo.

“My idol… so sad,” komento ni Direk Chito sa aming Facebook shout-out kaugnay sa pagpanaw ng movie queen na gumanap bilang Lola Flora sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang Instagram post naman ni Coco Martin, “Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habang buhay. Mahal po kita!”

Ang pahayag ng Kapamilya Network, “The ABS-CBN family and the entire cast and crew of ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ led by Coco Martin deeply mourn the passing of legendary actress Ms. Susan Roces. We extend our deepest sympathies to Sen. Grace Poe and her family.

“For many years, she has instilled the values of love, faith, and hope with her loving portrayal of Lola Flora in ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

“Tita Susan was an exemplary icon, who was a source of inspiration and strength as she served the Filipino people.

“We will continue to honor her legacy as the Queen of Philippine Movies and as one of the beloved pillars of the entertainment industry.

“Hindi ka namin malilimutan, Tita Susan. Maraming salamat at paalam, aming mahal na Kapamilya.”

ABS-CBN statement on death of Susan Roces

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

From whom I can consider the last of the movie queens of their kind—si Judy Ann Santos mismo—na nakasama ni Tita Susan sa ilang pelikula (at malapit kay FPJ mismo) ay nagbigay ng kanyang tribute, lalo pa’t huli silang nagkatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano rin.

Ang sabi ni Juday, “Nakakalungkot… pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag-iisang reyna ng Pelikulang Pilipino. Your generosity, your genuine love and words of wisdom, yung pag-spoil mo sa akin sa taping ng ‘Probinsyano,’ yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo, ‘yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay at higit sa lahat, yung tunay na pagmamahal at pakikipagkapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan.

“Lahat ng itinuro mo sa akin, sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang nasa industriya natin. Rest in peace Tita Susan.”

From one movie queen to another, ramdam natin ang pagdadalamhati ng ating mundo sa pagyao ng isang haligi, na nagsabing “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw” na magandang paalala sa ating lahat na mananatiling napapanahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipagdasal mo ang ating industriya at ang ating bayan, Tita Susan!!! Maraming salamat!

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Lorna Tolentino (inset) na gumaganap bilang First Lady Lily Ann Cortez-Hidalgo sa "FPJ's Ang Probinsyano," dama nila ang lungkot sa pagpanaw ni Susan Roces (main photo with Coco Martin), “Sad lahat dito. Artists, staff at crew. Nakatulala."
PHOTO/S: Ang Probinsyano Dailymotion / @lornatolentinofernandez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results