PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie and Aljur at MMFF Parade

Kylie Padilla, inaming nakikipag-date ngayon at alam daw ito ni Aljur Abrenica.
by PEP Troika
Published Apr 3, 2023
kylie padilla aljur abrenica summer mmff parade of stars
Saglit na nagkatagpo ang estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa Parade of Stars ng 1st Summer MMFF na ginanap kahapon, April 2, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea / Ermarc Baltazar

JERRY OLEA

May “class picture” ang mga artistang kalahok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) bago simulan ang Parade of Stars nitong April 2, 2023, Palm Sunday ng hapon, sa Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Read: Coco, Gerald, Kylie, Alex, other celebs brave the summer heat for 1st Summer MMFF Parade of Stars

Maliit lang ang entablado, at nagkita siyempre roon ang mag-ex na sina Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story) at Aljur Abrenica (Single Bells, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera).

Bago ang makasaysayang group picture, may interbyu sa mga artista sa tent na malapit sa entablado. Batch by batch ang dating doon ng mga artista.

Early birds sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas ng About You But Not About You.

@pepalerts #RomnickSarmenta and #ElijahCanlas with the cast and crew of #AboutUsButNotAboutUs during #SummerMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Sumunod sina Gerald Anderson at Kylie Padilla ng Unravel: A Swiss Side Love Story. Kasama nila si Direk RC de los Reyes at co-star na si Megan Campbell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@pepalerts #KyliePadilla and #GeraldAnderson invite Filipinos to support #UnravelASwissSideStory at #SummerMMFF2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Kapagkuwan ay solong dumating si Gladys Reyes ng Apag at Here Comes The Groom.

Malayo raw iyong lugar kung saan magkikita-kita ang Team Apag kaya dumiretso na siya sa Villa Beatriz. Namomroblema si Gladys kung paano lilipat ng float — from Apag to Here Comes The Groom.

@pepalerts #CocoMartin leads the cast and crew of #Apag at #SummerMMFF2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Nauna ring dumating si Eisel Serrano ng Love You Long Time, at sumunod a while ago ang leading man niyang si Carlo Aquino.

@pepalerts The lead stars of #LoveYouLongTime #CarloAquino and #EiselSerrano performing Nobita’s #IkawLang at #SummedMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Kasabayan nila sa interbyuhan sina Bela Padilla, Yoo Min-gon, at Boboy Garrovillo ng Yung Libro Sa Napanood Ko. Wala ang co-star nilang si Lorna Tolentino.

@pepalerts @Bela, #YooMinGon, and #BoboyGarrovillo invite people to watch the #SummerMMFF2023 entry #YungLibroSaNapanoodKo #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Next batch na ininterbyu ay sina RK Bagatsing, Meg Imperial, Eric Nicolas, at Shira Tweg ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

@pepalerts The cast of #KahitMaputiNaAngBuhokKo at #SummerMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Sumunod ang grupo ng Here Comes The Groom tampok sina Enchong Dee, Kaladkaren, Keempee de Leon, Awra Briguela, Fino Herrera, Nico Antonio, Maris Racal, Iyah Mina, Miles Ocampo, Xilhouete, at Gladys Reyes. Ang kulang sa grupo nila ay sina Eugene Domingo, Tony Labrusca, at Kuya Kim Atienza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@pepalerts The cast and crew of #HereComesTheGroom at #SummerMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Huling dumating sa tent para mainterbyu sina Alex Gonzaga, Angeline Quinto, at Aljur Abrenica ng Single Bells.

@pepalerts #SingleBells cast at the #SummerMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

By that time ay matagal-tagal nang nakaalis sa tent sina Kylie at Gerald. Pangiti-ngiti lang si Aljur pag natatanong about Kylie.

Bago umpisahan ang opening ceremony ay tinipon muna ang mga artista sa entablado para sa group photo. Naka-standby na malapit sa kani-kanilang float ang mga artista kaya natagalan bago sila naipon sa stage.

Mr. Congeniality si Carlo Aquino na marami-raming artista ang binati at niyakap.

Nag-group picture na ang mga artista ay wala pa ang mga taga-Unravel, taga-Apag, at taga-Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

Humabol ang mga taga-Unravel at doon nagtagpo sina Aljur at Kylie, na nakunan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na nagtanguan.

@pepalerts #KyliePadilla at #AljurAbrenica, nagkita sa #SummerMMFF2023 parade #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Inulit ang group picture.

Pinasimulan na ang opening ceremony sa pag-awit ng "Lupang Hinirang," at invocation sa pangunguna ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo.

Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa Parade of Stars — Yung Libro Sa Napanood Ko, About Us But Not About Us, Here Comes The Groom, Love You Long Time, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Single Bells, Apag, at Unravel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umakyat agad sa stage ng Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle sina Bela, Min-gon at Boboy.

Hinintay munang dumating ang iba pang mga karosa bago inumpisahan ang pagtawag sa mga artista upang anyayahan ang mga tao na manood ng kani-kanilang entry.

Kapag nakasalang na ang isang grupo ng artista ay saka umaakyat sa stage ang next group.

Kung magkasunod ang float ng Single Bells at Unravel ay na-take 2 sana sa Quezon Memorial Circle ang pagtatagpo nina Aljur at Kylie.

Nakaalis na sina Aljur, Alex, at Angeline nang umakyat sa stage sina Kylie at Gerald.

GORGY RULA

Medyo nagtagal sina Kylie at Gerald sa loob ng tent sa Villa Beatriz dahil sa mga nag-interview na entertainment press.

Bago sila sumakay uli sa van ng Unravel, tinanong ko si Kylie kung paano pag magkita sila doon sa parada ni Aljur Abrenica.

Nakangiti niyang sagot, “Hindi siya darating! Alam ko! Nasa kanya ang mga bata ngayon, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman daw problema sila ni Aljur at okay daw ang komunikasyon nila.

“Okay naman kami, e,” pakli ni Kylie.

Sinundan namin ng tanong kung nagkita na ba sila ni AJ Raval, ang girlfriend ngayon ni Aljur.

“Hindi pa. Pero okay naman e. Wala namang masama dun,” sagot niya sa amin.

Read: Kylie Padilla defends AJ Raval from bashers calling AJ "kabit"; says, "She’s not lying. We're really okay."

Humirit pa uli ako kung single nga ba siya ngayon.

“Dating,” nakangiti niyang sagot.

Nag-follow up ako ng tanong kung very private ba itong taong ang idini-date niya. Ito ba yung tattoo artist sa Thailand?

Ngumiti lang siya uli at nagba-bye na sa amin.

Ilang sandali lang pagkatapos sumakay sina Kylie at Gerald sa kanilang van, dumating naman si Aljur.

Mahaba-haba rin ang nilakad niya mula sa pinag-parking ng kanyang kotse. Hindi siya pumasok sa tent, kundi tumuloy muna siya sa sasakyan ng Single Bells. Maaaring hinintay niya roon sina Alex Gonzaga at Angeline Quinto, para magsabay na silang pumasok sa tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nag-isip si Aljur at ngumiti lang nang tinanong ko siya tungkol sa sinabi ni Kylie na "dating" na raw ito ngayon.

Hanggang sa pagdating nila sa Quezon Memorial Circle, ngumingiti lang si Aljur nang tinanong ko ulit tungkol sa estado ng lovelife ng estranged wife. Pero si Kylie ay game na game sumagot kapag tungkol kay Aljur ang tanong namin.

Nagulat si Kylie nang nakita niya si Aljur sa stage sa Villa Beatriz para sa kanilang “class picture.”

“Okay naman kami. Wala namang issue sa aming dalawa,” sabi pa ulit ni Kylie.

Sinabi ko na rin kay Kylie na ngumingiti lang si Aljur kapag tinatanong ko tungkol sa ka-date niya.

“Alam naman niya. Huwag nga siya!” kaswal lang na sagot sa amin ni Kylie.

Read: Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval

NOEL FERRER

Exceptional ang nangyari dahil sa mga nakaraang MMFF Parade of Stars ay nasa kani-kaniyang sasakyan lang ang mga artista at diretso na sila sa pagsakay sa kanilang floats kaya never naa-achieve before na magkaroon ng group photo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sayang at yung mga nasa likod na Apag at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ay hindi na nakasama sa group photo, pero at least majority ng mga pelikulang lahok ay represented sa stage.

Kudos kay Candy Pangilinan na mahusay na nairaos ang programang panimula.

Nagsalita ang kinatawan ng bawat lahok at nagsabi si MMDA/MMFF Chair Don Artes na sana kasing-init ng panahon ang pagtanggap ng mga Pinoy sa 1st Summer MMFF.

Binanggit pa niyang may mga nakarating na reports sa tanggapan niya na may nag-aalok na magbenta ng mga piratadong entries, at binalaan ang mga taong magsasagawa ito at kakasuhan at mapaparusahan daw kung nagkataon.

Si Mayor Joy Belmonte naman ng Quezon City ay nagpasalamat na ang kanyang lungsod ang piniling home of the 1st Summer MMFF at sinabing ang lahat ng kawani ng QC at ng QCitizens ay 100 percent na nakasuporta sa MMFF.

mayor joy belmonte don artes mmff parade of stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayor Joy Belmonte and MMDA/MMFF Chairmain Don Artes

Sinimulan nila ni Chair Don ang pagpapatunog ng gong bilang hudyat ng pagsisimula ng festival sa pamamagitan ng Parade Of Stars.

Maganda siguro yung nangyaring nasa stage na ang lahat ng participants habang nagpoprograma sa starting point para nakikita na ng mga tao, at sasakay na lang sila ng mga floats kapag dumaan na ang mga ito sa starting points na pinagdausan ng seremonya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saglit na nagkatagpo ang estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa Parade of Stars ng 1st Summer MMFF na ginanap kahapon, April 2, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea / Ermarc Baltazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results