Sadyang tunay na makulay ang showbiz.
Isa ito sa mga industriyang tinututukan ng publiko dahil nga public figures ang mga sangkot dito.
Yung tipong bawat kilos at bawat kibot nila ay nabibigyan ng atensiyon dahil mga artista o mga kilalang personalidad sila.
May malungkot, masaya, at kontrobersiyal na laging tampok ng usapan ng magkakaibigan, magkakakilala, magkakaopisina.
Pero ang laging nasa sentro nito ay celebrities at ang kinasangkutang kaganapan.
Maituturing na newsmakers ang mga kilala at respetadong artista ang pumanaw na ngayong taon.
Ilan sa kanila sina Susan Roces, Cherie Gil, Danny Javier, Jovid Baldivino, at iba pa.
Read: PEP YEARENDER 2022: Celebrity deaths 2022
Samantala, narito pa ang mga personalidad na lubos na pinag-usapan at naging newsmakers ngayong 2022:
TONI GONZAGA

Isa sa controversial names ngayong 2022 ay si Toni Gonzaga.
Noong February 8, 2022, umani ng atensiyon si Toni nang magsilbi siyang host ng political campaign ng presdiential candidate na si Ferdinand Marcos Jr. at vice-presidential candidate na si Sarah Duterte noong national elections kung saan sila ang nanalo.
Ninong sa kasal nina Toni at Paul Soriano si President Marcos Jr.
Pinag-usapan nang husto ang paghu-host na iyon ni Toni na sinundan ng pagre-resign niya bilang main host ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.
Kaliwa’t kanan ang natanggap na puna ni Toni, na kinabibilangan ng celebrities na may kaugnayan sa kanyang political alliance.
Kadalasan ay tahimik lang si Toni ukol sa kontrobersiyang ito, pero may naging patutsada siyang “me-against-the-world” post para sa kanyang paninindigang politikal.
Read: Toni Gonzaga posts message about standing for what she believes in even if she's "alone"
Hindi na rin kinagulat ng marami nang pumirma si Toni sa bagong tatag na TV network na ALLTV noong September 2, 2022, indikasyon ng tuluyan niyang pag-alis sa ABS-CBN na nagsilbing tahanan niya sa matagal na panahon.
Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2
MARICAR REYES

Labintatlong (13) taon matapos masangkot sa isang video scandal, nagdesisyon si Maricar Reyes na magsalita ukol sa isyu.
Matatandaang naging tahimik lamang si Maricar nang pumutok ang kontrobersiyang naging isang national issue pa.
Nag-tell all si Maricar tungkol sa isyu nang ilabas niya ang kanyang eponymous book noong October 2022.
Dito ibinunyag ng aktres na bagamat hindi siya nagsalita sa isyu ay para itong isang multo na laging bumabagabag sa kanya kahit na ikasal siya kay Richard Poon noong 2013.
Ibinahagi rin ni Maricar sa libro na nalampasan niya ang “darkest chapter” na ito ng kanyang buhay dahil sa kanyang “mentors.”
Pero may mga taong hindi raw nakalimot sa isyung ito at, “There are still people who are disrespectful with their comments and whatever…”
Sa kabila nito, sinabi ni Maricar na natutunan na niya ang “stability” para hindi maapektuhan sa sasabihin ng iba.
JACLYN JOSE

Ikinagulat ng supporters, kabilang na ang ilang celebrities, nang mag-post ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose na magreretiro na siya sa showbiz
Ang ginawang post ng veteran actress noong September 1, 2022 ay ikinagulat at ikinalungkot ng kanyang fans dahil nais nang iwan ng aktres ang showbiz.
Subalit pagkalipas ng ilang oras ay binura niya ito.
Paliwanag ni Jaclyn sa PEP columnist na si Jojo Gabinete, sinabihan siya ng kanyang road manager na may two-year contract pa ang aktres sa GMA-7 at kailangan niya itong tapusin.
Read: Jaclyn Jose, binura ang "I am retiring" post; may two-year contract pa sa GMA-7
Pinag-usapan din ang mga naging pahayag ni Jaclyn tungkol sa struggles ng pagiging single parent.
Mga anak ni Jaclyn si Andi Eigenmann sa namayapang aktor na si Mark Gil, at si Gwen Guck na anak ni Jaclyn sa The Dawn member na si Kenneth Ilagan.
Ipinagtapat ni Jaclyn na nangungulila siya sa kanyang mga anak na may kanya-kanya nang buhay ngayon.
Sabi ng emosyonal na si Jaclyn: "Hindi mo na-anticipate na someday, mawawala sila, matitira ka lang palang mag-isa.
"At the end of the road, you feel all alone. Mahirap. Mahirap pala."
Naantig ang damdamin ng netizens sa mga pahayag na ito ni Jaclyn na halatang nangungulila sa kanyang mga anak.
"Sana maalala ako ng mga anak ko palagi.
"If it’s not too much to ask, I know they’re busy. They have their own lives. Andi has a family. My son is studying so hard.
"Pero gusto ko na sana lagi nila akong naaalala.”
Tila nagparinig naman si Jaclyn kay Andi sa isang comment sa Instagram nang magkomento itong sana ay batiin siya ng anak sa kanyang kaarawan.
Read: Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann
KRIS AQUINO

Ngayong 2022, marami sa updates ni Kris Aquino sa kanyang social media ay tungkol sa kanyang health condition.
Kasalukuyang nasa Amerika ang TV host higit kalahating taon na mula nang lumipad siya roon para sa medical treatment.
Post ni Kris sa kanyang November 24, 2022 post, nasa “step 1” pa lamang siya ng kanyang “18 months” na diagnosis at treatment para sa kanyang autoimmune diseases.
Patuloy raw siyang sumasangguni sa kanyang team of multidisciplinary doctors.
Aniya pa (published as is) "i’ll be admitted early 2023 to undergo every imaginable test they’ll deem necessary.”
Umaasa siyang matutukoy ang treatment na nararapat sa kanyang iba-ibang autoimmune condition.
Sa post ni Kris noong September 2022, ibinahagi nitong apat ang auto-immune conditions niya kabilang ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis o late stage 3 ng Churg Strauss Sundrome.
Read: Kris Aquino to extend stay in the U.S.; says her illness causes "sagad sa buto" pain
SKUSTA CLEE / ZEINAB HARAKE

April 2022, nag-post ang social media influencer na si Zeinab Harake at may pahaging tungkol sa pinagdadaanan ng relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa totoong buhay.
Mas tumibay ang hinala ng followers nila sa kanilang pinagdadaanan nang i-unfollow ni Zeinab si Skusta at vice versa.
May tweet pa si Zeinab ng “Help me out of this hell,” na animo’y humihingi ng tulong sa kung anumang pinagdadaanan niya.
Sa isang vlog interview, inamin ni Zeinab na nahuli niyang may ibang babae si Skusta kaya nagdesisyon siyang makipaghiwalay.
Sa isang separate interview, sinabi naman ni Skusta na ang problema sa relasyon ay nagsisimula sa pagkukulang ng pang-unawa ng partner.
Read: Skusta Clee speaks up about realization after breakup with Zeinab Harake
Bukod sa kanilang relasyon, nasangkot din ang dalawa sa kani-kaniyang kontrobersiya.
Tulad na lamang ng napaulat na pagkantiyaw at pag-boo kay Skusta sa kanyang performances sa events.
Sa isang music fest sa Quezon City noong June 2022, habang nagpe-perform si Skusta ay may mga attendees na sumisigaw ng “cheater” at itinataas ang kanilang middle fingers.
Read: Did Skusta Clee walk out from musicfest in Quezon City?
Pinag-usapan din noong October 2022 ang banggaan nila Zienab at talent manager na si Wilbert Tolentino.
Dahil sa hidwaan ng dalawa, tinawag na “user, pa-victim, bait-baitan” ni Wilbert si Zeinab at sinabing traydor itong kaibigan sa mga kapwa nito social media influencers at celebs.
Inilabas din ni Wilbert ang screenshots ng mga mensahe ni Zeinab para patotohanan ang kanyang bintang kay Zeinab.
Hindi naman ito itinanggi ni Zeinab at naglabas ng kanyang sariling lives para ipagtanggol ang sarili.
Humingi rin ng sorry si Zeinab sa mga nadawit na social media influencers dahil sa isyu.
NORA AUNOR

Sinubaybayan din ng netizens ang masalimuot na relasyon ni Superstar Nora Aunor sa kanyang mga anak.
Hindi lingid sa showbiz na may hidwaan si Nora sa kanyang mga anak tulad nina Lotlot de Leon, Ian de Leon, at Matet de Leon.
Ang dalawa pang non-showbiz kids ni Nora ay sina Kenneth at Kiko.
Kaya marami ang natuwa nang ibunyag ni Lotlot na nakipag-ayos na silang magkakapatid sa kanilang ina.
Kinumpirma ni Lotlot sa isang artikulo noong October 2022 ang magandang balitang ito.
Read: Lotlot de Leon opens up about reconciliation with mom Nora Aunor
Pero bago sumapit ang Pasko, may panibagong sigalot na namang kinaharap ang pamilya.
Nag-post si Matet tungkol sa pagkalaban ng kanyang ina ukol sa kanyang inilunsad na gourmet tuyo business.
Pakiramdam daw ni Matet ay sinadya ng kanyang ina na gawin ito kaya naramdaman daw ni Matet na tinraydor siya ng sariling ina.
Sa interview sa kanya ni Ogie, maanghang na sinabi ni Matet na hinding-hindi na niya kakausapin ang ina.
Dito rin isiniwalat ni Matet ang matinding pagbatikos na natatanggap nila mula sa ilang fans ng kanyang ina at iginigiit ang tungkol sa kanilang pagiging “ampon” ni Nora.
Read: Matet de Leon on rift with adoptive mother Nora Aunor: "Hindi ko na siya kakausapin ulit."
HERLENE BUDOL

Isa sa mga showbiz names na maingay ring pinag-usapan ngayong taon ay si Herlene “Hipon” Budol.
Kinagiliwan ng netizens ang pagsali ni Herlene sa national pageant na Binibining Pilipinas 2022.
Bagamat hindi siya nakakuha ng major crown at naging first runner-up, hakot ng special awards ang Kapuso talent.
Animo’y achievement ng netizens ang naging achievement ni Herlene na maging beauty queen.
Nakita nila ang major transformation ni Herlene right before their eyes.
Read: Herlene Budol makes it to Top 12 of Binibining Pilipinas 2022
Kaliwa’t kanang guestings sa vlogs at glam pictorials kaya sobrang ramdam ang presence ni Herlene.
Lumikha rin siya ng ingay nang dumulog siya kay Raffy Tulfo para ireklamo ang kanyang dating manager na aniya’y ibinulsa ang PHP1 milyong fee niya noon.
Mariin naman itong itinanggi ng dating manager niyang si Elizabeth "Elize" Estrada at sinabing walang katotohanan nag paratang sa kanya ni Herlene.
Sa interview ng PEP kay Elize, sinabi nitong nasira ang reputasyon niya dahil sa paratang ni Herlene na wala umanong katotohanan.
Sinabi pa ng manager na maglalabas ito ng official statement ukol sa isyu pero hindi na ito nasundan.
Lumikha rin ng ingay ang pagsali ni Herlene sa Miss Planet International na itinakda sa Uganda.
Subalit nagkaroon ng mga aberya sa panig ng pageant organization dahilan para mag-back out ang ibang mga kandidata kabilang na si Herlene.
Samantala, susunod na mapapanood si Herlene sa isang upcoming Kapuso teleserye na pinamagatang Magandang Dilag.
DENNIS PADILLA

Parang nagiging cycle na ang isyu ng komedyanteng si Dennis Padilla pagdating sa kanyang mga anak sa dating karelasyong si Marjorie Barretto.
Naghimutok si Dennis na hindi siya nakatanggap ng Father’s Day greeting mula sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon noong June 2022.
Idinaan ni Dennis sa Instagram post ang hinaing niyang ito dahilan para batikusin siya nang husto ng netizens.
Mayroon namang iba na kumampi kay Dennis.
Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon
Subalit ang ginawang ito ni Dennis ay lubos na dinamdam ng kanyang mga anak at sumagot din sa social media.
Sumagot pa ang anak niyang Leon at ipinahayag ang pagkadismaya ng anak sa ama.
Tanong ni Leon, bakit tila natutuwa umano ang ama na nasasaktan ang mga anak nito sa publiko?
Naglabas din ng saloobin si Julia sa isang interview at sinabing willing itong patawarin at makipag-ayos sa ama pero hindi pa siya handa sa ngayon.
Ganito rin ang sinabi ni Leon na umaasang makipag-ayos sa ama pagdating ng tamang panahon.
AJ RAVAL

Pinagpiyestahan din ang iba-ibang isyu na kinasangkutan ng sexy actress na si AJ Raval, partikular ang ugnayan nila ni Aljur Abrenica.
Dahil sa matinding batikos na natanggap nila ni Aljur kasunod ng rebelasyon ng aktres ng pagkakamabutihan nila, tila naghunos-dili si AJ ukol sa estado ng kanilang relasyon sa interviews.
Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spend Valentine's together at a hotel in Leyte
Pero sa kabila nito, hindi pa rin tinigilan si AJ na masangkot sa mga isyu.
Ang mga kritiko ng aktres, patuloy siyang inakusahan at pinagdiinang pagiging third party umano kina Aljur at Kylie Padilla, bagamat nilinaw ng dating mag-asawa na wala itong katotohanan.
Ang pinakamainit na isyu ngayong taon ukol kay AJ at hindi mamatay-matay kahit lumipas ang mga buwan ay ang isyung nabuntis umano ito ni Aljur.
Pero mariin itong itinanggi ng kampo ni AJ, tulad ng kanyang amang si Jeric Raval.
Read: Jeric Raval, diretsahang itinangging nabuntis at nanganak ang anak na si AJ Raval
Hindi naman ito direktang nililinaw ni AJ subalit patuloy ang pagpo-post niya ng mga sexy photos na animo’y nais ipahiwatig na walang katotohanan ang isyu.
ALEX GONZAGA/DINA BONNEVIE

Parang bumangon mula sa pagkakahimlay ang isyu ukol sa hidwaang Dina Bonnevie at Alex Gonzaga.
Sa isang podcast, tinalakay ni Alex ang ukol sa isang “artistang matanda” na sinigaw-sigawan siya dahil dumating si Alex nang late sa kanilang pinagsamang acting project.
Walang binanggit na pangalan ni Alex kung sino ang tinutukoy niyang “artistang matanda.”
Subalit napagtagni-tagni ito ng netizens dahil noong 2018, nagkuwento si Dina ukol sa isang young actress na sinermunan niya dahil sa “diva attitude” nito.
Nagkasama sina Dina at Alex sa TV5 teleseryeng PS I Love You noong 2011.
Read: Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?
JOAQUIN DOMAGOSO

Showbiz newbie na maituturing ang anak ni former Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso, pero certified newsmaker siya this year.
During the election season noong 2022, may Instagram post si Joaquin na nanawagan para mag-withdraw ang presidential candidate noon na si former Vice President Leni Robredo.
Katunggali ng former VP si Isko for the presidential race. Umani ng batikos si Joaquin dahil sa subtle post niyang “#WithdrawLeni #UniteforIsko #SwitchToIsko”
Naging dahilan ito para makatanggap ng matinding puna si Joaquin mula sa netizens, partikular ang Leni supporters.
Read: Joaquin Domagoso echoes dad Isko Moreno’s call for Leni Robredo to withdraw from race
Makalipas ang ilang buwan, muli na namang naging laman ng headlines si Joaquin matapos mapaulat na may anak na ito kay Raffa Castro, kapatid ng aktres na si Claire Castro.
Sina Raffa at Claire ay magkapatid sa ama, ang former actor na si Diego Castro.
Noong June ay umamin si Joaquin na ama na nga siya sa isang baby boy at karelasyon si Raffa.
Pinag-usapan naman nang husto ang isyu dahil bago umamin si Joaquin ay may lumabas na blind item ukol sa young actor na naging ama na matapos mabuntis ang kapatid ng isang newbie actress.
Read: Joaquin Domagoso, matagal nang gustong umamin tungkol sa pagkakaroon ng anak
Nananatiling active sa showbiz si Joaquin at nakakuha pa ng Best Actor Awards sa film festivals sa Sweden, Canada, at Venezuela para sa horror movie na That Boy in The Dark.
Read: Joaquin Domagoso wins third international Best Actor award for "That Boy In The Dark"
