PEP YEARENDER 2016: Lea Salonga, Mocha Uson, Sandro Marcos, other controversy magnets in social media

IMAGE Noel Orsal (Kris, Andi, Vivian, Cristine) / Agot and Mocha (Instagram)

Sa paglaganap ng social media, kadalasang ang malalaking balita sa showbiz ay nanggagaling dito. Binabantayan ng media at netizens ang bawat post ng celebrities kung saan maraming comments mula sa kani-kanilang followers ang pinag-uugatan ng malaking kontrobersiya.


Ngayong taong 2016, ilan sa pinakamalalaking kontrobersiya sa showbiz ay nagsimula sa social media—Facebook, Twitter, at maging sa Instagram.

Isang simpleng makahulugang post o kaya'y isang blind item na tukoy naman ng netizens ang ilan lamang sa mga pinagsisimulan ng kontrobersiya.

Sinu-sino nga ba ang mga personalidad na nagbangayan at nagkaroon ng alitan na nag-ugat sa social media?

Inilista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sampu sa mga pinakamalalaking intrigang ito.

1. VIVIAN VELEZ-CRISTINE REYES FEUD


Noong March 5, 2016, ginulat ng beteranang aktres na si Vivian Velez ang kanyang Facebook friends at followers dahil sa kanyang post na magre-resign siya sa kinabibilangang teleserye noon sa ABS-CBN, ang Tubig at Langis.

Dahil daw ito sa pambabastos sa kanya ng kasamahang aktres sa teleserye.

Sa exclusive interview ng PEP kay Vivian, diretsong sinabi nito na ang aktres na nambastos sa kanya ay ang bida na si Cristine Reyes.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Ayon naman kay Cristine, si Vivian daw ang mahirap katrabaho.

Itinanggi rin niyang pinalayas niya si Vivian sa kanilang dressing room sa taping ng naturang show sa Bulacan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaayos ang dalawa.

2. LEA SALONGA


Ang Pinay Broadway star naman na si Lea Salonga ay hindi nalalayo sa intriga dahil sa social media.

Nitong nakaraang Mayo, bago mag-eleksyon, pinuna ni Lea ang report ng Bandila ng ABS-CBN kung saan iniulat dito ang diumano’y tagong-yaman ni noo’y presidential candidate Rodrigo Duterte.

Pumalag ang totoong nagmamay-ari ng naturang bahay, at dito nag-react si Lea.

Binatikos ng singer-actress ang Bandila na hindi man lang diumano nag-research at nag-fact check bago inilibas ang balita.

Read: Lea Salonga slams ABS-CBN News for showing alleged Duterte's house owned by a civilian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umani rin ng batikos mula sa netizens ang naturang maling balita.

3. AGOT ISIDRO


Nitong nakaraang Oktubre lamang, nabatikos nang husto ng netizens ang singer-actress na si Agot Isidro.

Ito ay nag-ugat sa Facebook post ni Agot noong October 7, kung saan tinawag niya si Pangulong Rodrigo Duterte na "psychopath."

Ang post ng FPJ’s Ang Probinsyano star ay bunsod sa paghahamon ni Duterte sa European Union at United States na i-withdraw na lahat ang kanilang ayuda sa bansa.

Ayon sa aktres, takot daw siyang magutom dahil sa naturang deklarasyon ng pangulo.

Bahagi ng kanyang post: “Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas eh.

“At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"

4. BARON GEISLER-PING MEDINA CONTROVERSY


Ikinagulat naman ng marami ang panibagong kontrobersiyang kinahaharap ng aktor na si Baron Geisler.

Sa pagkakataong ito, totoong inihian ni Baron ang co-star niyang si Ping Medina sa isang eksenang ginagawa nila para sa indie film na Bubog.

Nangyari ito noong November 27 sa location shoot ng pelikula sa Subic.

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Pero depensa ng kontrobersiyal na aktor, nagpaalam daw siya sa direktor nilang si Arlyn dela Cruz na may gagawin siya sa eksena upang mas lalo pa itong mapaganda.

Dahil sa nangyari, hiniling ni Ping sa Professional Artist Managers Inc. (PAMI) na patawan ng kaparusahan si Baron sa kanyang ginawa.

Kalaunan, nagdesisyon ang PAMI na hindi na nila payagang makatrabaho ng kanilang mga alagang artista si Baron at maging si Direk Arlyn.

Read: PAMI to inhibit its artists from working with Baron Geisler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

5. MOCHA USON, MGA KA-DDS, AND DILAWAN ISSUE


Umingay ang pangalan ni Mocha Uson nang umupo na sa puwesto si Rodrigo Duterte bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Pero simula pa nang nagdeklarang kakandidato sa pagka-Presidente ang noo’y Davao City Mayor ay masugid nang tagasuporta si Mocha sa kandidatura nito.

Noong nakalamang na si Leni Robredo kay Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente, binantaan ng sexy singer-turned-blogger na huwag agawin ang mandato ng tao kay President-elect Duterte.

Read: Mocha Uson to Leni Robredo: "Support Duterte or else we will be forced to remove you from your office."

Dahil sa kanyang post, unti-unti nang sumikat si Mocha bilang number one defender ng pangulo na kung tawagin ay DDS o Duterte die-hard supporters.

Siya rin ang nagpauso ng mga salitang, ‘Mga ka-DDS’ (tawag niya sa kapwa niya Duterte supporters) at ‘dilawan,’ ang tawag naman niya sa mga kumakalaban sa pangulo.

Lalo pang umingay ang kanyang pangalan nang inudyukan niya ang pangulo na i-boykot muli ang mainstream media sa isang panayam niya rito sa Davao.

Read: Mocha Uson urges President Duterte to boycott media again

6. SANDRO MARCOS


Naging laman din ng usap-usapan ang anak ni dating senador at vice-presidential candidate Bongbong Marcos na si Sandro Marcos nitong nakaraang eleksyon.

Una, sa pag-amin ni Sandro sa kanyang Twitter na dalawa ang naiboto niyang presidente dahil daw sa kaba at bilang isang first-time voter.

Pangalawa, ang tweet niya tungkol sa magkaibang botong nakukuha ng presidential at vice-presidential candidate sa bilangan kung saan sinamahan niya ito ng hashtag na #DayaangMatuwid.

Read: Bongbong Marcos's son apologizes for #DayaangMatuwid tweet

Kasunod na kontrobersiyang kinasangkutan ni Sandro ay ang kanyang tweet tungkol sa Davao bombing nitong nakaraang Setyembre.

Parang ang dating ng kanyang naturang post ay ang mga nambomba ang ipinagdadasal niya at hindi ang mga biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, binatikos muli ng netizens si Sandro.

Read: Sandro Marcos clarifies "involved in Davao incident" tweet

Naging kontrobersiyal din ang 22-year-old na anak ni Bongbong dahil sa ‘peace sign’ tweet nito noong Nobyembre.

Ito ay matapos payagan ng Supreme Court ang paglibing ng mga labi ng kanyang lolong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LnmB).

Hindi ito nagustuhan ng martial law victims at maging ng netizens na tutol sa paglibing kay Marcos sa LnmB.

Read: Sandro Marcos draws flak from netizens over his peace sign Twitter post

Umani rin ng batikos mula sa netizens ang tweet ni Sandro tungkol sa bagong Star Wars movie na Rogue One, kung saan sinabi niyang "incredible" ito.

Inihalintulad ng ilang netizens ang istorya ng Rogue One sa rehimen noon ng yumaong lolo ni Sandro at dating diktador na si former President Ferdinand Marcos.

Read: Sandro Marcos's Rogue One tweet enrages anti-Marcos netizens

7. ANDI EIGENMANN-JAKE EJERCITO TWITTER TIRADES


Kahit ilang taon nang hiwalay na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, patuloy pa rin ang bangayan ng dalawa sa Twitter.

Noong nakaraang Marso lamang, nagparinig si Andi sa isang taong hindi niya tinukoy.

Sa limang taon nilang pinagsamahan, "just friends" pa rin daw ang kanilang status.

Maraming netizens ang nagsabing ang ex-boyfriend niyang si Jake ang pinariringgan ng aktres.

Read: Did Andi Eigenmann hit ex-boyfriend Jake Ejercito on Twitter?

Nitong nakaraang Agosto lang din, may bagong away na naman ang dalawa sa Twitter.

Sinabi ni Jake na diumano'y ginamit ang kanyang pangalan sa promotion ng pelikulang Camp Sawi, kung saan kasama sa cast si Andi.

Ayon pa kay Jake, “Can't you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?

“As much as I've tried my best to ignore it, I can't stay silent when I am conveniently and effortlessly being maligned out of nowhere.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Andi, masyado raw “mayabang" at "narcissistic" si Jake.

Sabi pa niya, “Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao?

“Mayroon akong apat na maganda, sexy, at magagaling na kasama sa pelikula hindi kita kailangan para lang panoorin ang pelikula namin.”

“Kaya nawala yung taong mahal mo sa buhay mo dahil masyado kang busy hanapin lahat ng mali kesa tumingin sa tama.”

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Setyembre naman ngayong taon din nang mabunyag na si Jake talaga ang tunay na ama ni Ellie, ang anak ni Andi.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Naging hudyat ito upang maging bukas na sa publiko si Jake sa pagpaparamdam sa totoo niyang nararamdaman para sa anak.

Nitong Halloween, nag-post si Jake tungkol kay Ellie kung saan nangako itong poprotektahan niya ang anak sa lahat ng pagkakataon.

Read: LOOK: Jake Ejercito and daughter Ellie dressed up as prince and princess for Halloween

Pero tabalado naman siya kay Jaclyn Jose, ina ni Andi at lola ni Ellie.

Read: Jaclyn Jose reacts to Jake Ejercito's photo with Ellie: "I slayed all the dragons before you."

8. ANGELINA MEAD KING


July 2, 2016, ginulat ni Ian King, asawa ng TV host-model na si Joey Mead, ang sambayanan dahil sa pag-amin niyang isa siyang transwoman.

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Ian—na kilala na ngayon sa pangalang Angelina Mead King—ang kanyang paglaya o freedom.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a transwoman

Kahit naging transwoman na siya, tanggap naman ng asawang si Joey ang kanyang totoong kasarian.

Read: Ian King says Angelina Mead King is not gay: "I like women."

9. SUNSHINE CRUZ-MACKY MATHAY RELATIONSHIP


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula sa isang viral photo, kung saan makikita ang dalawa na magka-holding hands while walking, ang pagkabulgar ng bagong relasyon nina Sunshine Cruz at Macky Mathay III, ang half-brother ng aktres na si Ara Mina.

Read: Sunshine Cruz-Macky Mathay 'HHWW' photo goes viral

Sa exclusive interview ng PEP noong October 29, inamin ni Macky na sila na nga ni Sunshine nitong September 2016 pa.

Kahit bago pa lang daw ang kanilang relasyon, ipinangako niya na mamahalin niya ang kanyang ‘sunshine’ at forever.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

10. KRIS AQUINO


Pagdating sa kontrobersiya, wala na sigurong makakatalo pa sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Bawat post niya sa kanyang Instagram ay nagiging balita.

Mula sa kanyang kalusugan, propesyon, usaping pag-ibig, hanggang sa kanyang mga kilos ay binabantayan hindi lamang ng media kundi maging ng netizens.

Isa sa mga mainit na pinag-usapan ay ang pagsakay niya sa presidential chopper para ikampanya ang Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas nitong nakaraang Abril, ilang linggo bago ang halalan.

Binatikos ng netizens si Kris dahil ginamit daw nito ang kapangyarihan bilang kapatid ng noo’y pangulo pa ng bansa na si Noynoy Aquino upang ikampanya si Mar.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Nalinaw naman pagkatapos na ang presidential chopper ay ginamit para ihatid sina PNoy at Kris sa inauguration ng Solar Power Plant sa San Carlos Ecozone, Barangay Punao, San Carlos City, Negros Occidental.

Isa rin sa maigting na pinag-uusapan sa kanya ay ang rebelasyon niya sa isang komento sa Instagram.

Sinabi niya sa kanyang post na hindi na raw siya gusto ng kanyang dating istasyon, ang ABS-CBN.

Dahil daw dito kaya pumirma siya ng management contract sa APT Enterainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino: "ABS-CBN no longer wants me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN