Matinding pagpapamalas ng talento ang handog ng "Magpasikat" ng It's Showtime na idinaraos once a year.
Sa segment na ito, the hosts are divided into teams, at kinakailangang magbigay ng bonggang pagtatanghal sa araw na assigned mag-perform ang bawat team.
Hindi naman bigo ang madlang pipol na nakadarama ng galak at minsan ay emosyon dahil sa mga inihahanda ng hosts para sa kanila.
Ngayong araw, November 11, 2023, itinanghal bilang grand champion ang Team Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez.
Sariwain natin ang nakaraan at balikan ang mga grand winners ng "Magpasikat" mula 2010 hanggang 2022.
2010
Jugs Jugueta of Itchyworms and Teddy Corpuz of Rocksteddy, who impersonated Bamboo during the performance, showed their flexible singing prowess in this number they called "Song Niya, Sing Mo."
They called the entire group Rock and Rollers Vocalisters.
Kasama nila sa performance sina Kean Cipriano of Callalily, Marc Abaya ng Kjwan, Tutti Caringal of 6CycleMind, at Yeng Constantino.
2011
Aerial silk at pole dancing performance ang nagpanalo kay Anne Curtis.
Kinanta rin niya ang "I Don't Wanna Miss A Thing" ng Aerosmith at "Someone Like You" ni Adele while doing her stunts.
Jed Madela served as her "moving microphone" during the performance.
2012
Tatlong grupo ang nanalo this year.
Futuristic ang theme ng performance nina Vhong Navarro at Billy Crawford.
Aside from showing off their dance skills, they used light trick as a medium to level up the performance.
Circus naman ang naging tema ng performance nina Karylle at Anne. Itinampok ng presentation nila ang mga elemento ng kalikasan na fire, wind, earth, at water.
Para naman sa grupo nina Teddy at Jugs, they reworked the lyrics of the song "Gangnam Style" na pinasikat dati ni Psy, isang sikat na South Korean rapper. Kasama nila presentation na ito ang atress na si Cristine Reyes at ang child star Bugoy Cariño.
2013
Kakaiba ang naging performance nina Karylle, Teddy, at Jugs (team TKJ) when they presented a lively number, with lyrics changed into a language na walang nakakaintindi.
This left the audience and the judges, especially Ai-Ai Delas Alas, feeling puzzled until nag-segue ang number sa kanilang "totoong performance" at "magic."
The VTR showed their recorded performance a few minutes ago, but in reverse, it turns out to be the theme song of It's Showtime.
2014
Gumawa naman ng sariling noontime variety show sina Teddy, Billy, at Jugs (o mas kilala bilang Team TBJ).
Hindi lang sa game show segments at theme song ang nagpamalas ng creativity ng grupong ito.
In fact, complete package ang kanilang variety show dahil gumawa rin sila ng kanilang sariling commercials, in line sa slogan na "kami ang gumawa, kami ang nagpagawa, at kami ang gagawa."
Naging guest din nila ang isang studio audience as player sa kanilang palaro, pati na rin ang JaDine, ang dating magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre.
2015
The winning entry of Teddy, Vice Ganda, and Jugs (collectively known as TVJ) consists of a short skit with the participation of Coco Martin, direk Wenn Deramas, James Reid, and Nadine Lustre.
Itinampok din ng TVJ ang original composition nila na pinamagatang "Kapit Lang," with matching music video na compilation ng iba-ibang optical illiusions.
2016
Team AJA, the winner for this year, is composed of Anne Curtis, Joey Marquez, and Amy Perez. Buwis-buhay performance ang ginawa nila while doing aerial stunts habang naka-harness sa gilid ng isang gusali.
2017
Vhong Navarro lead his team's number for this year, kasama ang ilang members ng GirlTrends (Joana and Erin) at Hashtags (Bugoy, Kid, Nikko, and Tom).
Nagbukas ang number nilang nagpapakita ng set na tila may mga salamin sa harap, kanan, at kaliwang bahagi ni Vhong, na naka-futuristic outfit, pati na rin ang mga kasama niyang nasa likod ng mga "salamin."
For a couple of minutes, Vhong showed off his dance moves habang nakasunod sa bawat galaw niya ang kanyang mga reflections.
Kalaunan, it was revealed that the overall theme of the performance revolved around isolation and loneliness, at ipinarating ng performance na may pag-asa sa kabila ng lahat ng ito at "hindi ka nag-iisa."
2018
Mala-teatro naman ang performance na nagbigay ng panalo para sa team nina Jhong at Karylle.
Aside from showing off their singing prowess, they told a beautiful story tungkol sa nagmamahalang higad at ipis na nagkaroon ng anak: si Ipad.
Ang mensahe ng number nila ay pag-ibig at lubos na pagtanggap sa sarili.
2019
Vice Ganda delivered an emotional performance nang inialay niya sa mga taong may alopecia areata.
Ayon sa American Academy of Dermatology Association (AAD), hindi nakikilala ng immune system ng may sakit na parte rin ng katawan ang buhok.
Dahil dito, inaatake ng immune system ang mga hair follicles na nagreresulta sa pagkalagas ng buhok.
Tampok sa pagtatanghal na ito ang pagpapalit-palit ni Vice ng wigs for every song he performed.
2020
Height ng pandemic nang idinaos ang "Magpasika" sa taong ito.
Ito rin ang taon kung saan itinanghal na panalo ang lahat ng grupo.
Emosyonal ang naging atake ng grupo nina Jhong, Ion, at Karylle sa ipinakita ang buhay ng mga manggagawang Pilipinong lubos na naapektuhan ng pandemya.
Ipinamalas din sa kanilang musical skit kung paano nakahanap ang mga Pilipino ng iba't ibang paraan para malampasan ang kanilang mga pagsubok.
Jugs, Ryan, and Teddy delivered a number that was a cross between battle of the bands and concert experience. Tinawag na Project 11: Tuloy Ang Tugtugan ang kanilang pagtatanghal. Alay nila ang performance sa mga musikerong naapektuhan at nawalan ng gigs during the pandemic.
Amy, Jackie, and Vhong presented a performance tungkol sa mga gurong humaharap din sa mga pagsubok at the time. They treated their entry as a tribute sa mga tumatayong pangalawang magulang ng mga kabataan.
On the other hand, Kim Chiu and Vice Ganda emphasized the effects of the pandemic sa emotional and mental well-being ng tao during this health crisis.
2021
Empowerment naman para sa mga kababaihan ang naging main message ng performnce nina Amy, Karylle, at Kim at siya na ring naging daan upang makamit nila ang grand championship for this year. Sa tulong ng kanilang pagtatanghal, they wanted to convey the message to women to "find the fire within."
2022
Cultural naman ang naging approach ng performance nina Jhong Hilario at Ryan Bang.
Ipinakita nila sa pagtatanghal nila kung gaano katibay ang kanilang samahan.
Tila simbolo ito ng friendship between their two countries, Philippines and South Korea, respectively.
2023
Team Jhong, Ion, and Kim got the victory for this year. Hindi lang sila nagbigay ng aral tungkol sa paggamit ng cellphone. Pinamalas din nila ang kanilang talento hindi lang sa pagsasayaw at pagperform, ngunit pati na rin sa buwis-buhay stunts while wall climbing.
"Magpasikat" 2023 Teams
Magaganap ang 2023 Grand Finals ng segment ng It's Showtime! sa November 11, 2023.
Ito ang listahan ng teams for Magpasikat 2023:
Monday
Team Vhong performed last Monday, November 6, kasama sina Jugs at Teddy sa isang number that payid tribute sa mga pumanaw na batikang komedyante ng industriya. Their team received 47% of the votes from the poll.
Tuesday
Sina Karylle, MC, Amy, at Lassy naman ang magkakagrupo para sa Tuesday performance na ginanap noong November 7. Reunion naman ng original Sang'gres ang naging tema ng kanilang pagtatanghal. Nakatanggap naman ang Tuesday group ng 3% ng votes mula sa madlang pipol.
Wednesday
Team Anne had Ogie and Ryan onboard for their November 8, 2023 performance. Dito naikuwento ni Ryan kung paano niya nakilala ang kanyang girlfriend. Their group got 4% worth of votes from the audience.
Thursday
Sina Vice Ganda, Jackie, at Cianne naman ang magkakasama for Thursday's number. They were joined by surprise guests Billy Crawford and Coleen Garcia. Nasa 12% naman ang nakuhang boto ng team nila.
Friday
Team Jhong, consists of Jhong, Ion, and Kim, performed on Friday.
Its performance revolves around responsible use of cellphones kaakibat ang responsibilidad na "think before you click."
The group got a whopping 34% worth of madlang pipol votes, hailing them as the 2023 champions.
Team Vhong, Jugs, and Teddy bagged third place.
Team Anne, Ryan, and Ogie won second place.